"Congrats jowa," iyon ang bungad na sabi sa akin ni Althea pagkaupo ko.
"Congrats! Para saan? May sinalihan ba ako na hindi ko matandaan?" Nagtataka kung sabi.
Aga aga tapos gano'n agad ang bungad sa'yo.
What happen?
"Lumabas na exam girl, ikaw nangunguna sa buong first year. Yiee, that's the definition of beauty and brain. Edi sana all." Sabi nito sa akin habang pinipisil ang pisnge ko kaya naman hinampas ko siya.
"How about Ela?" Tanong ko.
Consistent din ang isang yun, ayaw magpakabog.
"Kasali rin," sabi nito.
"Galing," sabi ko rito.
"Kaya mo rin yun jowa, tamad ka lang talaga." Dugtong ko pa.
Actually, matalino naman talaga buong squad sadyang sinasapian ng katamaran kaya ayan tamang asa lang sa stock knowledge.
"Achievement kaya na ikaw nangunguna sa buong first year, try niyo minsan magpapaubaya ako sa slots." Sabi ko sa kanila saka binuklat ang notebook ko na punong punong ng doodles.
"Ano yan?" Tanong nito kaya pinakita ko sa kaniya.
"Doodle, stress reliever ko." Sabi ko sa kaniya.
"So... Ano na nga? Anong plano ng isang dean lister?" Tanong nito kaya nagsimula na ako mag-drawing.
"Si Ela ask mo anong ganap niya kasi ako walang plano mayroon ba dapat? Hindi na bago yan walang thrill kaya wala na dapat ako ikatuwa baliw." Sabi ko rito kaya natawa siya.
"What if hindi ka makasama sa top? Anong mararamdaman mo." Sabi nito kaya nakagat ko ang ballpen ko.
"Masaya pa rin kasi at least pasado ako,"
"Tumpak, iyon din ang akin. Ang importante ay nakapasa ako. Okay na wala sa honor as long as pasado. Nangangamoy road to second year, excited na ako." Sabi nito kaya napailing ako.
"Asan na naman yung dalawa aber?"
"As usual, kumakain ang mga lola natin jowa." Sabi nito kaya tumango na lang ako.
Pagdating ni Ma'am ay siya naman pagdating nung dalawa, buti na lang talaga at mabait 'tong prof na 'to kaya ayan puwede pa pumasok.
"Girlfriend, meet daw kayo ni Austin mamaya. Gagi, nandito siya kanina may kinatagpo." Sabi ni Juliana kaya napatango na lang ako.
Nakinig na lang ako dahil napansin kung nakatingin sa amin sa Ma'am.
Halos madalas kami magkausap ni Austin, up until now wala pa rin paramdam si Augustus, tila gusto ko na lang sumuko kasi ang tagal niya ng hindi bumabalik.
"Lutang ka because?" Tanong sa akin ni Althea kaya napailing ako.
"It's nothing, bigla lang akong may naalala na something dahilan para malutang ako." Sabi ko rito saka napabuntong hininga.
"Anong masasabi mo kay Austin?" Biglang tanong ni Ela.
"Mabait, galante tapos guwapo. Nakaka-inlove yung mata niya at kilay. Nakaka-attract lang ganern at syempre uunahan ko na rin kayo, hindi ko siya type end of discussion. Period." Sabi ko saka tumayo.
"San ka niyan?" Tanong ni Ana.
"Iihi, sama ka?"
"Tara na girls," sabi ni Ela saka hinila si Althea at Juliana kaya naman magkakasama kami naglakad palabas.
"Mga bebi, tingin niyo tama na palayain ko yung taong mahal na mahal ko?" Biglang sabi ni Ela kaya nagkatinginan kaming tatlo.
"Depende sa sitwasyon," sabi ko rito.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #3) ✔️
Teen Fiction𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #3 Mireille Montivilla is NBSB who is a certified reader that wishes to be noticed by his ultimate favourite writer Augustus Bieber. Until one day, she accidentally uses her real account and the reason why he's idol...