"Oh! Kagulat ka Jk," iyon ang sabi ni Ate Yla ng pumasok si Jk kasunod si Ven.
"What's up mga ate," nakangiti nito na sabi kaya napailing ako.
"Nah, don't call me ate tila pangit pakinggan." Sabi ko sa kaniya.
Hindi naman kasi nagkakalayo edad namin tapos tatawagin niya akong ate, oks na sa akin yung Smile.
"Gaga, respeto kasi yung ate na yun. Tila hindi ka nakikinig nung time ng GMRC o kaya ESP." Sabi nito kaya hinampas ko siya.
"Nasanay kasi ako sa tawag niya na pangalan, nothing big deal naman if may ate or what. It's up to him naman right?" Sabi ko kaya tumango lang si Jk.
Halatang natatawa 'to sa amin dahil nasaksihan niya kung paano kami magtalo ni Ate Yla.
Papansin kasi si Ate eh. Kainis.
"Ganyan sila magmahalan Jk kaya nevermind mo na lang, dito ka muna at tatawagin ko lang si Mama at Papa." Sabi ni Ven kaya agad ko nituro ang upuan na nasa katapat namin ni Ate Yla.
"Sinong kasama mo?" Tanong ni Ate Yla.
"Manager ko po kaso nasa labas at ayaw pumasok, atsaka sa labas na rin po mag uusap." Maayos nitong sabi kaya napatango si Ate.
"Ate Miles pinapatanong pala ni Austin kung kailan ka raw free? Date raw kayo. Naks, sana all goods." Pang aasar ni Jk kaya inirapan ko siya.
"Aba! May pinagmanahan ata 'tong kapatid ko, puwede ko na sa kaniya ipasa ang trono. Montivilla lang sakalam." Sabi ni Ate Yla kaya napapailing ako.
"Magkaiba tayo ate excuse me, akin friendly date sa'yo ayoko na lang mag-talk." Sabi ko rito kaya nakatanggap ako ng pambabatok.
"Pagsabihan mo nga si Cejay na kung puwede tigilan yung pagiging sweet, nakaka-distract. Bye na nga muna at may tatapusin pa ako." Sabi ni Ate saka tumayo.
"Tatapusin niyo na kalandian niyo?" Sabi ni Jk kaya pinandilatan siya ni Ate kaya natawa ako.
"Aba! Pasmado ata bunganga natin pre,"
"Joke lang te,"
"Leche, sana hindi kayo i-crush back ng crush niyo." Sabi nito saka naglakad paakyat kaya naiwan kami.
"Anong mayroon? Namamanhikan ka?" Sabi ko pero biro lang sakto naman na tumawa siya.
"Bata pa po kami kalma lang ate hindi malabo na mapunta kami sa gano'n stage." Sabi nito kaya natawa ako.
"Aral muna bago landi, sige na at kailangan ko asikasuhin yung project ko. Maiwan muna kita, sigurado naman akong pababa na rin yung mga yun hintayin mo lang." Sabi ko rito.
"Baka inaasikaso mo label niyo,"
"Edi wew," sabi ko saka naglakad paakyat sa kuwarto ko sakto naman nakasalubong ko si Mama at Ven na pababa kaya nginitian ko na lang sila.
Busy ako sa pagtapos ng project ng marinig ko ang pagkatok.
"Ano na naman ba yun? Busy ako," malakas kung singhal.
"Someone is waiting for you name Austin, puntahan mo na roon sa baba." Sabi ni Ven kaya naman napabuntong hininga ako.
"Pakisabi sandali lang, magba-bra lang muna ako," sabi ko pa.
Dahil nakadapa ako naisipan ko muna tanggalin ang bra ko lalo na kapag natutulog ako kasi masarap sa feeling.
Para ka nakahinga ng maluwag.
"Feeling ka naman malaki joga mo,"
"May sinasabi ba ako? Epal ka. Layas." Sabi ko saka niligpit ang mga gamit ko.
"By lover girls," sabi pa nito.
Aba! Hindi pa umalis ang babaitang 'to.
Pagkabukas ko sa pinto tumambad ang pagmumuka nito habang nakangiti sa akin.
"Mr. Kupido, ako naman tulunga mo ba't hindi panain ang kaniyang damdamin at ng ako ay mapansin." Kanta nito kaya sinabunutan ko siya.
"Napakaingay mo, wag ka na kumanta utang na loob kawawa naman yung pauwi pa lang. Uulan." Sabi ko kaya naglakad 'to paalis kaya naman patakbo akong lumabas.
"Kanina si Ven tapos ngayon ikaw naman, iba talaga kayo." Sabi ni Ate Yla na busy sa ginagawa.
"Nararamdaman ko ikaw na sunod, happy visitor days." Sabi ko kaya binato ako nito ng papel kaya patakbo akong lumabas.
"What? Pagabi na tapos nagpunta ka pa. Hindi mo ba puwede ipagbukas yan." Sabi ko rito kaya natawa siya saka may iniabot na paper bag.
"Hmm..." Sabi ko rito.
Anong mayroon? Anong ganap?
"Matagal pa birthday ko? Grabe naman sa sobrang advance. December pa, tatlong buwan pa boi." Natatawa kung sabi kaya ginulo nito ang buhok ko.
"Buksan mo," sabi nito kaya naman binuksan ko.
Nakita ko ang isang scrap book kaya agad ko 'tong binuksan kaya naman hinawakan niya ang paper bag ko habang binubuklat ang scrap book.
"For what ba ang mga 'to? Hindi ko talaga gets as in." Sabi ko pa.
"Hindi ko kaya itago 'to. Matagal ko na 'to tinatago at gusto na ilabas kasi ayaw kung pagsisihan sa huli dahil nadala lang ako ng pagiging torpe. Nandito na rin naman ako at habang may lakas pa ako ng loob." Sabi nito saka malakas na napabuntong hininga kaya napatingin ako sa kaniya.
Kinuha nito ang scrap book saka binalik sa paper bag. Nilagay muna nito sa kotse niya ang paper bag saka hinawakan ang kamay ko.
"Dahil sa sobrang hiya ko at torpe ko ginawa ko yun, hindi ko alam na sa gano'n paraan mo ako maa-appreciate. Araw araw buo ang araw ko dahil sa'yo at gusto ko mas maging masaya kapag naamin ko na sa iyo ang totoo." Sabi nito kaya napailing ako.
"Austin, what the hell are you saying? Puwede ba na deretsyuhin mo ako like straight to the forward kasi the more nagpapaligoy ligoy mas naguguluhan lang ako as in. Hindi ko gets, puwede mo naman sabihin sa akin straight to the point yung gusto mo sabihin." Sabi ko kaya naman may pinakita siya sa akin sa phone nito kaya naman tiningnan ko 'to.
"Okay, this is Augustus Bieber. My idol in writing one shot story. Anong mayroon sa kaniya?"
"Remember the time na na-notice ka niya nung time na gamit mo R.A mo yung real account mo ilang buwan na ang nakakalipas?"
"Yep, tapos bigla tayong nagkakilala that time. Maybe isa ka sa readers o baka tinadhana talaga na magkaroon ako ng boy bestfriend don't know." Sabi ko pa.
"Hindi yun tadhana Miles, it was actually a plan. Nasa plano, plinano talaga at may dahilan yun." Sabi nito saka may iniabot sa akin na photo album.
Binuklat ko 'to at gano'n na lang ang gulat sa akin ng makita ang mga picture ko kaya napatingin ako sa kaniya.
"Ako 'to ha? Anong ibig sabihin ng mga 'to? Austin..."
"Miles, matagal na kita gusto at gusto ko malaman mo na ako si Augustus Bieber. Ako yung idol mo." Sabi nito kaya nabitawan ko ang photo album.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #3) ✔️
Jugendliteratur𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #3 Mireille Montivilla is NBSB who is a certified reader that wishes to be noticed by his ultimate favourite writer Augustus Bieber. Until one day, she accidentally uses her real account and the reason why he's idol...