"May napuyat," sabi ni Althea pagkapasok ko.
"What happen mahal?" Tanong ni Ela kaya agad ako napatingin sa kaniya.
"May napuyat, may blooming, may hindi nagbago." Sabi ni Juliana kaya napayuko na lang ako.
"What happen? Mukha kasi hindi ka natulog? May problema ba?" Halatang nag aalala na sabi ni Althea.
"Wala mga baliw," sabi ko sa kanila saka umayos ng upo.
"Namumutla ka kasi eh, may sakit ka ba girlfriend." Sabi ni Ana saka kinapa ang noo ko.
"Kulang lang ako sa tulog, napuyat ako manood ng k-drama sa sobrang pag-e-enjoy nakalimutan ko na may pasok pala tayo. Gosh! Sakit ng ulo ko." Sabi ko sa kanila.
Pero ang totoo hindi ako nakatulog dahil sa sinabi ni Austin, feeling ko nanaginip lang ako kasi nakakagulat siya. Biglaan talaga.
Hindi ko alam sasabihin ko kaya kahit magmukha akong harsh pinatayan ko na lang.
"Akala ko nagsunog kilay ka na naman since ugali mo yun, kinabahan ako bigla akala ko tuloy may recitation o kaya long quiz. Alam ko naman chill lang tayo this month kasi tapos na hell week, more on discussion lang tayo." Sabi ni Juliana kaya napatango na lang ako.
"Pagkauwi mo mamaya matulog ka mahal, sana ayos lang pakiramdam mo." Sabi ni Ela kaya nginitian ko siya.
"Masaya ako makita na bumalik ka na sa dating ikaw,"
"Nalaman ko kasi yung worth ko kaya bumalik ako sa dating ako, although nasasaktan pa rin ako up until now pero tinaggap ko na lang yung mga bagay na alam ko naman hindi talaga na hindi para sa akin. Naniniwala naman ako na one day, maghe-heal din ako tiwala lang." Sabi nito kaya niyakap ko siya.
"Welcome back Daniela Alcantara, proud ako sa'yo dahil diyan magfo-foodtrip tayo treat ko syempre." Sabi ko sa kanila kaya tuwang tuwa sila.
Ilang minuto lang din ng paghihintay ay dumating na ang prof namin kaya tumahimik na lang kami at nakinig sa discussion.
Mabilis na lumipas ang oras kaya magkakasama kami nagpunta sa canteen.
"Girlfriend, paano nagkakilala si Kuya Cejay at Ate Yla?" Tanong ni Juliana kaya nagtataka akong napatingin sa kaniya.
"How do you know Kuya Cejay? As far as I know wala akong nababanggit sa inyo." Sabi ko rito.
"Si Kuya Julian, Kuya Paul and then Kuya Cejay are in one circle of friend. What I mean tropa sila noon pero ngayon hindi ko lang alam, madalas sila tumatambay sa bahay kaya ko sila nakilala." Sabi nito kaya napatango na lang ako.
"Hindi ko alam paano nagkakilala si Ate Yla at Kuya Cejay girlfriend basta ang alam ko sila na lang all of sudden nagulat na lang kami." Sabi ko sa kanila.
Totoo naman kasi gulat na lang kami sa relationship status ni Ate, wala naman siya sa amin pinakilala na manliligaw tapos all of sudden bigla na lang may jowa sa facebook.
Surprise jowa nga pala.
"Hindi palakuwento si Ate Yla, halata sa itsura. Siya yung tipo ng tao na mas pipiliin na lang solohin yung problema kaysa sabihin. Wala siya pagkukusa." Sabi ni Althea kaya napatango na lang ako.
Mostly naman kaming apat hindi gano'n ka-open pero marunong kami makaramdam like alam namin kung may problema ka or wala tapos ayun ico-comfort lang namin ang bawat isa without knowing the problem. Wala ganito siguro talaga kami, madamot sa problema.
"Alam niyo mahal, hindi sa ano pero wag niyo ugaliin na magtanim ng sama ng loob o galit without telling to a person kasi delikado yan sinasarili mo lang, baka magulat na lang kami na-depress ka. Iba pa rin kapag kahit isa man lang may alam ng problema mo, iwasan mo pagiging malihim. Ilihim mo na lahat wag lang problema kasi delikado, nakakatakot baka mabalitaan namin nagpakamatay ka kasi may dinadala ka na matinding problema na hindi namin alam." Seryoso na sabi ni Ela kaya napayakap ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #3) ✔️
Teen Fiction𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #3 Mireille Montivilla is NBSB who is a certified reader that wishes to be noticed by his ultimate favourite writer Augustus Bieber. Until one day, she accidentally uses her real account and the reason why he's idol...