"Ang saya mo ata Mireille," sabi ni Ate Yla sa akin pagkapasok namin sa loob.
Madalas kami magkasabay sa pag uwi ni Ate Yla pero minsan hindi since kasali ako sa club at nauuna siya since ayaw niya na pinaghihintay siya.
Attitude ka sis?
"Masaya lang ako, bakit ba ate." Naiinis kung sabi.
"Masaya rin ako sis pero hindi naman ganyan kalapad yung ngiti ko, halata kasi na may halong kilig na hindi ko maipaliwanag. Basta ang blooming mo today." Sabi nito sa akin kaya napabuntong hininga na lang ako.
"Ate! Tantanan mo ako, masaya lang ako sa kaganapan sa buhay ko."
"Hindi ko naman masabi na nanalo ka sa singing contest kasi hindi ka naman magaling kumanta lalo naman dance contest kasi malabo rin, impossible rin naman na may jowa ka kasi wala ka naman manliligaw. Hmm... Naka-shabu ka sigurong babae ka." Sabi nito kaya hinampas ko siya ng notebook na hawak ko.
"Ate! Tama na nga yan. Wala naman batas na nagsasabi bawal maging masaya ng sobrang OA suport na lang tayo kay Ate Elle." Sabi ni Ven na kakababa lang.
"Yan tayo bunso, dahil wala si ate Yaz ako ang pinagtutulungan niyo. Grabe parang ampon naman ako rito. Hindi halata na mahal niyo isa't isa." Sabi niya kaya nagkatinginan kami ni Ven.
"Ayoko na nga! Ma! Pa! Si Mireille po atsaka si Nevaeh pinagtutulungan ako. Patalsikin niyo na sila rito." Sigaw ni Ate habang papaakyat siya.
Nagkatinginan na lang kami Ven saka napailing.
"Ate? Samahan mo nga ako bukas sa practice ko." Sabi nito kaya napatango na lang ako.
"Anong oras? Buti na lang at rest day namin sa club. Tamang tama." Sabi ko sa kaniya kaya napangiti siya.
"Love talaga ako ni Lord, dininig niya dalangin ko. 10 am yun kaya wag ka magpuyat kakabasa ng wattpad." Sabi nito saka naglakad paakyat sa kuwarto nito kaya umakyat na rin ako sa kuwarto ko.
Humiga agad ako saka binuksan ang messenger ko nagbabakasali na baka nag-reply na si Augustus.
"Ngek, wala." Nanlulumo kung sabi saka nilapag 'to sa kama at tumayo para magbihis.
"Kailan ulit niya ako mano-notice, hmm... Nakakatampo siya." Sabi ko sa sarili ko.
"Hi, Augustus I'm a biggest fan of your stories. Sobrang ganda ng mga stories mo parang ikaw." Sabi ko pa habang nag-i-imagine.
Busy ako maghanap ng pamalit ng mag-ring ang cellphone ko sign na may tawag sa messenger kaya agad ko 'tong tiningnan.
Nakita ko na tumatawag si Ana sa gc kaya sinagot ko.
"Kakarating mo lang girlfriend?" Sabi sa akin ni Juliana.
"Hindi, tinamad lang agad ako magpalit. Why?" Tanong ko rito.
"Ang mga gaga wala pala load kung alam ko lang direct na agad na ikaw tinawagan ko." Natatawa nitong sabi kaya natawa ako.
"Anong ganap at napatawag ka ata? May problema ka ba?" Sabi ko sa kaniya saka seryoso siya tiningnan kaya napaiwas siya ng tingin.
"Wala lang akong makausap kaya ako tumawag, alam mo naman na mag isa lang ako rito sa amin. Minsan bisitahin niyo ako o kaya mag-overnight naman kayo rito para naman medyo umingay 'tong tinirhan ko." Sabi niya kaya napatango ako.
"Puwede ako gabihin basta ihahatid niyo ako pero mag-overnight ay malabo. Alam mo naman si Mama na medyo strict buti pa sila nanay nung dalawa ay open pa sa mga anak pero try ko pa rin kasi si Ate Yaz sobrang independent na talaga. Maynila na nga siya napunta." Sabi ko kaya natawa siya.
"Pag usapan na lang natin sa Monday," sabi nito.
"Atsaka nood tayo ng liga sa plaza gagi nandoon crush ko. Enebe." Sabi nito kaya napairap ako.
"Jusko po Juliana Crisostomo! Ibang crush na naman yan, ibang tao na naman yan. Last time akala ko yung team na yun nandoon crush mo tapos malalaman ko iba na naman yun. Hinay hinay aba." Pangangaral ko rito.
Last time nanood kami ng liga may crush siya everytime ata na may liga ay nanonood kami tapos may crush siya lagi. Mabilis lang siguro siya magsawa kaya paiba iba.
Hindi consistent ang isang 'to. Buti na lang ako loyal kay Augustus Bieber.
"Reserba kasi yun girlfriend, gusto ko kapag may jowa isa sa kanila auto uncrush tapos may reserba na isa pa pero crush ko lang sila hindi ko naman sila plano maging jowa wala lang. Hindi ko nga ina-add sa facebook nalalaman ko name wala hindi ko trip. Siguro ganito lang kapag nasa ganitong age tayo maraming crush pero takot sa commitment. Di ba?" Sabi nito kaya umoo na lang ako.
Actually tama siya, may mga tao kasi na nagkaka-crush pero hindi nila gusto maging jowa yung tipong crush lang nila yung tao tapos all of sudden kapag nasa ligaw stage nawawala na lang yung pagkaka-crush nila. Siguro may mga tao na gano'n weird siya actually pero masasabi ko na cute rin siya kasi hindi mo gusto mag-level up kumbaga sa stage ka lang ng crush.
"Daldal mo girlfriend, sige na magpapalit na muna ako. Try ko sumama sa panood ha? Ayoko mag-promise pero try ko. Babush na nga." Sabi ko saka siya kinawayan.
"Susunduin ka namin kailangan nandoon tayo, cheer natin sila para manalo." Sabi nito kaya napataray na lang ako.
"Sige lang, goodluck sa'yo." Sabi ko bago inend ang call.
Bumuntong hininga muna ako bago kinuha ang pamalit ko saka nagpalit ng damit.
"Ate Elle," sabay bukas ni Ven sa pintuan.
"Bakit?"
"Ang kalat mo sa newsfeed ko te," sabi nito kaya napatingin ako kaagad.
"Ay oo, aware ako sis kaya stress ako eh. Nabuking ako sa pinagkakaabalahan ko. Feel ko tuloy artista ako dahil sa ginawa ko, after all it was just a accident pero gano'n pa man wala na rin sense pa na burahin ko marami na nakakita kaya hinayahan ko na lang. Ang ingay nga ng notification ko samantalang ako lang naman 'to. Ako lang 'to si Mirielle Montivilla ang patay na patay sa story ni Augustus Bieber." Sabi ko pa.
"Kay Augustus hindi ka patay na patay?"
"Hmm... Depende," sabi ko saka umupo sa kama ko kaya naman tumabi siya.
"Paanong depende?" Tila nagtataka nitong tanong.
"Depende kung well manners siya, marami kasi na writer na sumikat lang sobrang laki na agad ng ulo like feeling celebrity. Hindi ako nagkaka-crush sa kanila ang gusto ko lang yung story nila hindi mismo sila." Sabi ko pa.
Hindi naman dahil patay na patay ako sa story ay ibig sabihin pati sa kaniya, siguro crush ko siya dahil magaling siya na writer at kung wala siya wala rin yung mga stories na yun kasi siya naman ang nagsusulat. Kaya I appreciate both, his materpiece and the writer that's all.
"Hoy mga babae, bata pa niyo para sa crush na yan kaya tigilan niyo yan. Bumaba na raw kayo at kakain na dali." Sabi ni Ate Yla kaya nagkatinginan kami ni Ven saka natawa.
Si Ate Yla napaka-oa akala mo naman mabubutis kami kapag nagkaroon kami ng crush grabe lang talaga.
"Wag niyo akong gayahin na malandi dahil ako kaya ko mag-move on ng isang araw," dugtong ni Ate Yla habang pababa kami.
"Kalma ate hindi kami mabubuntis ng maaga," sabi ko rito habang natatawa.
"Hindi mo sure," sagot lang nito kaya natahimik ako.
"Sana lang talaga hanggang crush lang yan at hindi na umabot sa pagmamahal. Protect your heart from the pain." Dugtong niya dahilan para mapangiti ako.
Si Ate Yla lumalabas pagiging sweet hindi lang talaga showy.
"Mapupunta rin tayong apat sa tamang tao sa tamang panahon, wag lang tayo mapagod na maghintay." Sabi ko sa isip ko.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #3) ✔️
Ficção Adolescente𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #3 Mireille Montivilla is NBSB who is a certified reader that wishes to be noticed by his ultimate favourite writer Augustus Bieber. Until one day, she accidentally uses her real account and the reason why he's idol...