NINETEEN

33 7 0
                                    

"Ginagawa mo rito?" Iyon ang bungad na sabi ko ng makita ang pagmumukha ni Austin.

"What!?" Sabi ko ng makita na natatawa siya.

"Na-miss kita," sabi nito saka hinila ang kamay ko dahilan para mapaupo ako.

"Hoy! Aba! Bawal landian kapag friends lang, layo layo." Sabi ni Ate Yla kaya nagkatinginan na lang kami saka natawa.

Awkward na lumayo sa akin si Austin saka umalis si Ate Yla.

Baliw talaga yun si Ate.

"Long time no see, haba ng bakasyon mo." Sabi ko rito.

Paano hindi rin gaano online sa R.P tapos sa R.A niya malay ko since hindi rin naman ako most of the time ay online.

"Sobrang busy talaga as in pero babawi ako sa update. May mga draft na ako kaso under revision tapos post ko na rin sa week ends." Sabi nito kaya napangiti.

"Ihahanda ko na tissue, mapanakit ka ng mga readers mo." Sabi ko rito kaya ginulo nito buhok ko.

"Saka na ako gagawa ng happy ending kapag may lovelife na ako," sabi nito saka ako kinindatan.

Agad ako napaiwas ng tingin.

Ikalma mo sarili mo Mireille.

"Magjowa ka na kasi," sabi ko rito para lang hindi ako makaramdam ng awkward.

"Edi dapat ligawan kita," sabi nito kaya nahampas ko siya.

"Ano ba Austin! Ako na nahihiya sa pinagsasabi mo tapos ikaw nakukuha mo pa maging kampante riyan samantalang ako naiilang na talaga. Tigilan mo na yan, nakaka-stress ka." Sabi ko rito.

Paano kung ano ano pinagsasabi tapos nakakatitig pa sa akin, naiilang tuloy ako kaya umiiwas ako ng tingin sa kaniya.

Buwisit na lalaki 'to.

"Layas na nga," sabi ko saka siya tinutulak paalis.

"Grabe ka naman sa akin lods, pakain ako." Sabi nito kaya tinarayan ko siya.

"Maghintay ka muna rito at magbibihis na muna ako," sabi ko saka patakbo na umakyat.

Nagbihis ako ng jogging pants at t-shirt since ayaw ko magpakita sa kaniya na nakasuot lang ng short. Although most of the time kapag team bahay ako ay naka-short ako tapos oversize shirt lang suot ko ganern pero may mga nakatago naman ako na jogging pants incase may mga bisita at ayaw ko magmukha na pokpok.

"Nasaan na sila Mama?" Tanong ko rito ng mapansin na tahimik lang ang bahay.

"May binili lang si Mama mo at yung Ven," sabi nito kaya tumango ako.

"Puwede mo ba ako samahan magmukbang?" Tanong ko rito pagkaupo ko sa tabi niya.

"Puwede," tipid lang nito na sagot.

"When kaya?" Tanong ko rito.

"Kaya ka tumataba panay ka lamon," sabi nito kaya naman napatingin agad ako sa kaniya.

"Weh!? Legit! Tumataba talaga ako?" Sabi ko rito saka tumayo at tiningnan ang katawan ko.

Sabi ko na maling mali talaga na panay ako kain na sinamahan ko pa ng tulog, akala ko tuloy ay kagaya pa rin ako noon na kahit kain ng kain hindi tumataba.

"Hiyang ka siguro," sabi nito kaya napakunot ako ng noo na napatingin sa kaniya.

"Huh!? Hiyang kanino?"

"Sa akin," sabi nito sabay kindat kaya sinabunutan ko siya.

"Buwisit ka," sabi ko rito.

"Seryoso nga tumataba talaga ako? Bakit hindi ko feel," bigla kung sabi.

𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #3) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon