"Wait lang girlfriend," sabi ko saka tumigil sa paglalakad.
Hinihila kasi ni Juliana yung kamay ko kaya napapatigil ako kasi pakiramdam ko masusubsob ako.
"Napaka OA mo Juliana," bulyaw sa kaniya ni Althea kaya napailing ako.
Pauso talaga ako kaya bawat isa sa kanila may cs ako, dami ko kaartehan wala ganito talaga ako kaarte at wala na kayong magagawa about dito.
Tamang pauso lang kami feeling sweet hindi naman talaga.
"I-cheer natin sila para manalo," sabi ni Juliana saka kami hinila papasok sa loob ng court.
"Padaan po," pagsiksik nito sa mga tao kaya kami na lang ni Althea ang humihingi ng sorry sa mga nababangga niya para lang walang mangyari na away.
Nakakahiya.
Natigil kami sa paglalakad ng may mabangga ako dahilan para mapaupo ako.
Gagi, ang sakit ng puwet ko.
"Sorry," sabi nito kaya naman nataranta ang mga kasama ko.
"Are you okay?" Tanong nito kaya napatango ako.
"I'm fine," sabi ko rito kaya naman inalalayan niya ako tumayo.
"Sorry girlfriend," sabi ni Ana kaya nginitian ko siya saka tumango.
"I'm fine, don't worry about me." Sabi ko pa habang pinapagpagan ang puwetan ko.
"Pasensiya na rin po," paghingi ko ng sorry sa nabunggo ko.
I think he's 2 years ahead to us.
"Ako dapat ang humingi ng sorry sa'yo, again sorry." Sabi nito kaya tumango ako saka siya nginitian.
"Ayos lang po," sabi ko saka kami nagpaalam na aalis para sa bungad pumuwesto.
"Go Warrior," sigaw ni Ana kaya nagkatinginan kami ni Althea saka sabay na napailing.
"Si Ela?" Tanong ko ng mapansin na wala pala siya.
Akala ko kasi ay hinihintay niya kami rito since malapit lang naman siya rito.
"Warla sila ng jowa kaya hindi pumayag, minsan talaga gusto ko sabihin kay Ela na mag-break na lang sila. Batas yung jowa, nakakairita." Sabi ni Juliana kaya napabuntong hininga ako.
Ang buong akala ko ay ako lang ang nakakapansin ng pagiging batas ni Paolo kay Daniela, pati rin pala sila.
"Last time nga na dumalaw ako kila Daniela nagtatalo ata sila, kunwari nagpapatugtog ako para lang wag ako magmukha na pakialamera pero hindi ako nakatiis nung akmang sasampalin niya syempre kaibigan ko yun, okay lang na pagsalitaan wag lang pagbuhatan ng kamay." Sabi nito kaya napailing ako.
"Maling mali," sabi ko kaya napatango sila.
"Sana mauntog si Ela para ma-realize niya na mali yung lalaki na napunta sa kaniya, she deserve someone better hindi gano'n na basura ang pag uugali. Ekis sa akin, guwapo nga ma-attitude naman." Sabi ni Juliana kaya napatango lang kami.
Siguro... Kailangan muna natin mapunta sa maling tao para lang matuto tayo, I mean kailangan muna natin ma-realize ang isang bagay para aware tayo na mali 'to na sa susunod alam na natin gagawin natin.
"Basta nasa tabi niya lang tayo kahit tanga siya, support tayo sa kaniya." Sabi ni Althea kaya napangiti ako.
"At ikaw, kahit patay na patay ka sa kaniya knows mo na sino yun. Support ka namin okay? We will support each and everyone's happiness. Kung saan tayo masaya suportahan natin 'to. Ayos ba?" Sabi ni Juliana kaya napatango ako.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #3) ✔️
Novela Juvenil𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #3 Mireille Montivilla is NBSB who is a certified reader that wishes to be noticed by his ultimate favourite writer Augustus Bieber. Until one day, she accidentally uses her real account and the reason why he's idol...