"Belated happy birthday!" Bati ko kay Austin.
Dalawang araw na halos nakalipas ang birthday niya, sinundo niya ako sa amin dahil nga sa late celebration na nung una inakala ko na isa lang prank pero legit talaga.
Gagi, nagulat ako.
Nakakahiya pa kasi pinaghintay ko siya ng halos isang oras dahil kakagising ko lang nung oras na dumating siya. Gutom pa ako pero hindi na lang ako kumain kasi nakakahiya naman sa kaniya.
"Ano 'to?" Tanong nito ng makita ang carton na balot na balot.
"Buksan mo," sabi ko rito.
Nandito kami ngayon sa restaurant na hindi ko alam dahil hindi naman namin trip ang restaurant at more on kami sa fast food.
"Nakakabuwisit ka talaga, wala ka man lang abiso na magsusundo ka. Napagalitan pa ako kasi pinaghintay kita ng matagal. Grabe ka talaga sa akin." Sabi ko saka siya tinarayan kaya ginulo nito ang buhok ko.
"Dali buksan mo, kabado ako kasi hindi ako sure kung magugustuhan mo." Sabi ko pa habang binubuksan nito ang balot.
Binalot ko 'to sa box tapos nilagyan ng gift wrapper para may design at presentable talaga.
Kita ko ang gulat sa mukha nito kaya napatingin ako sa kaniya.
Ang cute naman niya magulat.
Mas nagulat ako ng yakapin ako nito kaya nanlaki ang mata ko.
"Thank you so much," sabi nito kaya naitulak ko siya.
"Kalma mo puso mo Austin, ako lang 'to jusko. Nagustuhan mo?" Nagtataka kung sabi.
"Sobrang nagustuhan ko, salamat dito." Sabi nito habang niyayakap.
Actually my gift is a sponge bob stuff toys tapos may handwritten letter na yellow tapos black plain na cup na customize na may nakalagay na pangalan nito which is Austin C. C means his surname Constantino.
"Nagustuha mo!? because?" Nagtataka kung sabi.
"Dahil nga fan ako ng SpongeBob at sobrang saya ko kasi the best 'to sa lahat ng na-recieve kaya salamat." Sabi nito kaya napatango ako.
"Dyk," sabi ko.
"What?"
"Kinuha ko kaya ang idea na yan sa fave kung writer sa facebook, I remember last time nung nag-thread siya na he's a fan of SpongeBob so naisipan ko na i-try sa'yo baka co incidence na iisa lang kayo ng gusto something like that. Naks, love ako ni Lord kasi tsamba na both kayo ng gusto." Kinikilig kung sabi kaya pinisil nito ang ilong ko.
"Sobrang idol mo siya ano? Nakita mo na ba mukha nung writer na yun?" Tanong nito kaya umiling ako.
"Nope, kahit sana mata at kilay oks lang mare-recognize ko kaagad eh. Kaso bokya wala talaga baka hindi pa ready di ba?" Sabi ko kaya tumango siya.
"Kailan ka pa nagsimula maging reader niya?"
"Hmm... Way back 2 years ago, silent reader niya lang ako tapos naisipan ko gumawa ng R.P account also know as dummy account, gamit ko R.P ko everytime na magko-comment ako kasi nga medyo kilala ako, actually medyo fame ako hindi sa nagbubuhat ako ng bangko ha? Baka isipin mo na naman yabang ko. Pero ayun, ayoko lang pagkaguluhan masyado kasing big deal ang popularity kaso ayun na nga nakatadhana talaga na gamitan ng R.A kaya ayun napansin pero no regrets at least na-notice. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako kapag naaalala ko." Sabi ko pa.
Sakto naman na dumating ang order namin.
"Enjoy your meal Ma'am and Sir," sabi sa amin kaya nginitian ko ang waitress.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #3) ✔️
Novela Juvenil𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #3 Mireille Montivilla is NBSB who is a certified reader that wishes to be noticed by his ultimate favourite writer Augustus Bieber. Until one day, she accidentally uses her real account and the reason why he's idol...