"Akala ko hindi ka na babalik," naiiyak kung sabi.
"Ma'am and Sir excuse lang po, mawalang galang na po sa single konting respeto lang po sa labas na po kayo umeksena. Nakakahiya po sa mga people. Tara po at ituturo ko ang exit." Sabi ni Ana kaya agad ko siya hinampas sa braso.
Wala na kami nagawa ni Austin kung hindi ang maglakad palabas at naghanap ng puwesto para doon mag usap.
"Kamusta? Alam mo ba bakit ako naiiyak? Hindi ko kasi alam kung may hihintayin pa ba ako na Austin, wala na tayong communication. Natatakot ako na baka may mahanap ka na mas malapit." Naiiyak kung sabi.
Masyado na ako nasanay sa presence niya at alam ko sa sarili ko na mahal ko na siya.
"Ayaw ko lang mag-first move kasi pagdating sa'yo marupok ako. Kaya para makaiwas ako ay sinikap ko na wag ka kausapin RP o RA para makapag-focus ako which is nagawa ko." Sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya saka siya nginitian.
"Sobrang proud ako sa'yo kahit wala pa naman tayong natatapos. Naniniwala ako na balang araw makakamit rin natin mga pangarap natin sa buhay." Sabi ko rito saka siya hinawakan sa kamay.
"Saan mo ako minahal? Minahal mo ba ako dahil ako si Augustus o dahil sa story na ginagawa ko?" Tanong nito kaya napabuntong hininga na lang ako.
Handa na ako sa tanong na yan, hinanda ko na ang sarili ko kung sakali na itanong niya yan sa akin.
"Minahal kita bilang Austin, Austin na nakilala at nakasama ko hindi dahil iisa lang kayo ni Augustus. Si Augustus mahal ko story niya pero si Austin mahal ko siya. Kaya wag mo isipin na kaya kita minahal ay dahil ikaw at si Augustus ay iisa. Hindi yun gano'n Austin minahal kita bilang Austin at alam ko minahal mo rin ako bilang ako." Nakangiti kung sabi saka hinaplos ang pisnge nito.
"Minahal kita kasi reader kita, nagsimula lahat yun dahil sa pag-comment mo. Alam mo ba na sa lahat ng readers ko na nagco-comment sa comment section ikaw ang inaabangan ko dahil crush kita RP pa lang gamit mo, alam mo rin ba na may source ako kaya nalaman ko na iisa lang ikaw at yung crush ko at kaya ko ginawa yun dahil alam kung sobrang fan ka ng story at hindi ko aakalain na magkakasundo tayo sa totoong buhay. Thank you Lord, crush ko lang po 'to noon road to girlfriend na po." Sabi nito saka hinalikan ang kamay ko.
"Wag ka magpakampante boi, hindi mo sure kung tayo talaga. Motto ko nga sa buhay, diploma muna bago jowa mahihintay mo ba ako?" Sabi ko rito.
"Araw araw kita pipiliin at kahit umabot pa ng ilang taon hihintayin kita kasi ikaw lang ang mahal ko," sabi nito kaya napatango na lang ako saka siya niyakap.
Lord hindi ko alam anong kabutihan ang ginawa ko at binigyan niyo ako ng isang Austin na hindi ko inaasahan, notice lang wish ko hindi ko aakalain na magiging soon to be jowa ko na yung mismong author. Grabe naman yung blessing niyo Lord, iingatan ko po 'tong author na 'to at sasabihin ko bawasan pananakit ng readers kasi isa rin ako sa readers baka masaktan ako hindi niya pero sa story niya.
"Aabutin natin ang pangarap natin," sabi ko rito.
"Naabot ko na isa sa pangarap ko," sabi nito saka natawa kaya hinampas ko siya.
"Corny, tara na nga balikan natin yung team bitter baka kung ano ano pa isipin. Issue pa naman ang mga yun kaya tayo na dapat ang nag-a-adjust." Sabi ko saka siya hinila pabalik sa loob.
Sana habang inaabot namin na magkahiwalay ang mga pangarap namin hindi mawala yung love namin sa isa't isa. Gusto lang namin unahin yung dream saka yung lovelife namin kasi naniniwala kami ng kung kami kami pa rin sa huli, hindi man gusto ng Universe kami na lang gagawa ng bagay na yun para pagtagpuin kami. Gagawa kami ng paraan para kami pa rin ang magiging end game nito.
Pagkauwi ko ay naabutan ko si Ate Yla na mag isa sa sala kaya umupo ako sa tabi nito.
"What happen?" Tanong ko ng mapansin na tila balisa siya.
"Masama ba ugali ko?" Tanong nito kaya napailing ako.
Alam ko mataray si ate at prangka pero hindi ko naman puwede sabihin na masama ugali niya dahil lang sa may gano'n siya ugali.
"Bakit parang pakiramdam ko inaayawan ako ng mga tao dahil sa ugali ko? Kailangan ba magbago ako para lang manatili sa tabi ko." Sabi ni Ate saka napahagulgol kaya agad ko siya niyakap.
"No ate! Hindi mo kailangan magbago para sa kanila, hindi lahat ng tao ay mape-please mo mag-stay. Maging totoo ka lang sa sarili mo at hayaan mo sila kung tatanggapin ka nila maging sino ka man. Nandito kami ate, tanggap ka namin at kahit kailan hindi ka namin iiwan dahil lang may pangit ka na ugali, lahat tayo may pangit na ugali dahil wala naman perpekto sa mundo. Wag mo isipin na dahil iniwan ka ay may mali ka, sila ang may mali kaya wag mo na sisihin sarili mo. Iwan ka na ng lahat pero ako, kami na pamilya mo never ka iiwan. Si God hindi ka rin niya iiwan kaya wag mo isipin na mag isa ka sa laban mo, kasama mo kami. Kakampi mo kami." Sabi ko habang hinahaplos siya sa likod.
Si ate akala mo lang matatag, mahina rin siya hindi niya lang pinapakita pero kapag sobra na siya nasasaktan naiiyak na lang siya kaya alam ko na hindi lahat ng pinapakita ni ate ay totoo nagpapanggap lang siya na everything will be okay.
"Wag mo na sila iyakan ate, nandito pa kami." Sabi ko rito kaya mas lalo siya napahagulgol.
Naramdaman ko na siniksik nito ang mukha niya sa braso ko na aakalain mo ay inaamoy ang kili kili.
Buti wala akong putok, handa 'to at isa pa concious ako sa katawan ko. Malinis ako sa katawan.
"Iiyak mo lang yan ate, nandito lang ako at sasamahan ka hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo." Sabi ko rito.
Si Ate Yla yung klase ng tao na iiyak muna bago magkuwento, gusto muna nito na nilalabas yung emosyon bago nito sabihin yung mismong nangyari. It was her, emosyon muna bago yung kuwento kasi sabi niya in that way nababawasan yung sakit at sa paraan na yun hindi na siya gano'n kasakit kasi tapos na niya ilabas kumbaga handa na siya ikuwento ng hindi siya gaano nasasaktan o naiiyak. Kumbaga normal na lang 'to sa kaniya ikuwento.
"Thank you Elle, mauna na ako sa'yo saka na yung kuwento kapag fully okay na ako ha? Love you." Sabi nito kaya naman hinalikan ko siya sa magkabilang pisnge tapos sa noo.
"Love you ate, tandaan mo lang palagi na nasa tabi mo kami lalo na si God." Sabi ko rito.
"Alam ko," sabi nito saka naglakad paakyat at sakto naman ang pagbaba ni Ven.
"Ayan sige, love life pa kaya kayo nasasaktan. Jusmiyo! Sakit sa ulo kaya gusto ko aral muna." Sabi ni Ven kaya sinabunutan ko siya.
"Scam yan tangina mo, naniniwala ako sa alindog ng isang Jk. Itataga ko sa bato mai-inlove ka sa kaniya ng hindi mo nalalaman kasi marupok tayong Montivilla."
"Epal ka ate kulang ka sa turok at bakuna," sabi nito na halatang pikon.
"Blooming ang lola mo, road to jowa na rin talaga. The who?"
"Knows mo na yun," pagsakay ko sa trip nito.
"Alam na alam ko na kung sino, edi sana all naging jowa yung favorite author." Sabi nito sa akin.
"Suwerte mo ate, crush ka ng writer. Love na love ka talaga ni Lord." Sabi nito sa akin.
"Love ka rin ni Lord,"
"Cheers sa ate kung reader na nakabingwit ng writer. Hindi man nakabinggit ng mala-fictional at least nakabingwit ng author and take note yung favorite pa talaga."
"Ako pa rin number one fan niya period, he's my writer and I will be her number one reader." Nakangiti kung sabi kaya napangiti na lang din siya saka ako nilayasan.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #3) ✔️
Teen Fiction𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #3 Mireille Montivilla is NBSB who is a certified reader that wishes to be noticed by his ultimate favourite writer Augustus Bieber. Until one day, she accidentally uses her real account and the reason why he's idol...