"Ang taray, Sep pa lang pero may ganyan agad." Sabi sa akin ni Ate Yla.
"Ganito talaga kapag maganda ka ate, mahaba hair mo." Sagot ko.
"Maganda ka lang malandi ako kaya wala magagawa ganda mo kapag nilandi ko siya," sabi nito kaya hinampas ko siya sa balikat.
"Buwisit ka," singhal ko rito.
"At least ako may kalandian tapos anytime puwede palitan, lugi ka pa rin." Sabi nito saka naglakad palabas.
Napbuntong hininga na lang ako saka napailing sa sinabi nito. Bakit ba ganyan ang tabas ng bunganga ng ate ko? Walang man lang preno yung mga sinabi niya, nakakahiya tuloy minsan sa mga nakakarinig.
"Ngayon lang kita nakita na nakasuot ng dress? Anong ganap mo sa buhay sis?" Sabi ko habang tinitingnan ang kabuan nito na suot, mula ulo hanggang paa.
"Photoshoot ate, nakaka-stress nga pero para sa grades ilaban na natin 'to. Yung tipo na nakasuot ka ng dress pero boyish lakad mo." Sabi nito kaya tawang tawa ako.
"Patawa ka talaga be, sige na larga na dai. Good luck sis." Sabi ko saka siya kinawayan kaya naglakad na siya palabas samantalang ako umakyat na sa kuwarto ko para ilagay na sa ayos 'tong mga natanggap ko.
Feeling ko tuloy ang haba banda ng buhok ko dahil sa mga 'to, malayo pa Valentines o kaya pasko pero may pa ganito agad tapos may pa-secret effect pa.
Para kunwari eme eme na may secret admirer talaga ako.
"Ay kamote!" Gulat kung sabi ng magulat sa pagkatok.
"Elle anak, ang mama mo 'to."
"Wait lang po Ma!" Sabi ko saka tinago ang mga natanggap ko saka mabilis na nagmadali para buksan ang pinto.
"Po?" Sagot ko.
"I was asking you where's Ven at Yla? Hindi ko kasi sila makita kahit sa mga kuwarto nila." Nakangiti nito na sabi kaya napabuntong hininga ako.
"Hindi po ako sure saan exactly pupunta si Ate Yla since wala naman po siya sinabi sa akin basta na lang po siya lumabas samantalang si Ven may photo shoot kaya sa school po punta niya." Sabi ko saka napangiti.
"Ah, okay. Ikaw? Kakarating mo lang ba at naka-uniform ka pa rin?" Sabi nito ng mapansin ang suot ko.
"Ahh, opo Ma. Magpapalit na po dapat ako kaso tinawag niyo nga po ako."
"Sige magbihis ka at papasama ako sa'yo mag-grocery,"
"Ahh okay po, sige po Ma. Bihis lang po muna ako." Sabi ko kaya naman naglakad na siya pababa habang ako naman ay bumalik sa loob para magbihis.
Tulak ko ang cart ng bigla tumigil si Mama sa section ng chips.
"Holiday next week, let's do family bonding. Mamili tayo ng mga chips para sa picnic may alam ako na location na maganda mag-picnic. Sige nak, mamimili ka lang diyan na tingin mo masarap." Sabi nito kaya naghanap ako ng tingin ko masarap.
Hindi ako gaano kumakain ng chichirya kaya hindi ako pamilyar sa lasa ng iba, paulit ulit lang kasi halos ang mga kinakain ko. Mostly yung favorites ko lang talaga at never ako nag-discover ng iba.
Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng snack.
"Which one kaya is masarap?" Sabi ko sa sarili ko.
"Here, masarap yan. 1 million out of 10 yan." Sabi ng babae habang naglalagay ng tatlong iba't ibang chichirya.
"Huh!?" Nagtataka kung sabi.
"Hi!" Bati nito kaya awkward akong napangiti.
"Hello?" Halos patanong kung sabi.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #3) ✔️
Roman pour Adolescents𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #3 Mireille Montivilla is NBSB who is a certified reader that wishes to be noticed by his ultimate favourite writer Augustus Bieber. Until one day, she accidentally uses her real account and the reason why he's idol...