"Hi guys, hmm..." Sabi ko pa habang nag iisip ng sasabihin.
"Gosh! Nagco-compose pa ako ng sasabihin ko, first time ko magla-live Austin." Sabi ko rito paano kanina pa ako nag iisip ng sasabihin tapos siya tawa lang ng tawa.
"Talino mo tapos hindi mo alam sasabihin sa live, isipin mo reporting lang yan." Sabi nito saka ginulo ang buhok ko kaya napabuntong hininga na lang ako saka inumpisahan mag-live.
"Hi guys, so ayun na nga. May challenge tayong gagawin as of this moment at disclaimer lang po baka hindi niyo kayanin kaya maari na kayo mag exit. Like whoo! Grabe ang active niyo naman guys chill, hi sa 560 na viewers ko. Ayun na guys may gagawin kami na challenge which is street food mukbang and then we rate it from 1-10 and yes we kasi may makakasama ako mag-rate hindi ko lang tinag kasi alam niyo na medyo sikat at walang thrill kapag pinakilala ko agad sa inyo. Gusto ko lang sabihin na first time ko magla-live at alam niyo naman na lowkey akong tao at hindi mahilig sa social media. So ayun dami ko na naman chika sa buhay simulan na na natin ang kainan. Bago muna ang lahat pinapakilala ko nga pala sa inyo ang aking makakasama, everyone meet Austin Constantino ayan saka natin siya ita-tag para makita rin ng kaniyang mga friends ang live." Sabi ko pa kaya naman hinila ko si Austin para makita siya sa camera.
"Say hi to them," sabi ko rito.
"Hi guys, welcome sa aming youtube channel. So ayun magmumukbang tayo nakikita naman sa title." Sabi nito kaya hindi ko maiwasan matawa.
"Tanong galing kay Arianne, bakit hindi raw tayo nag-vlog support daw sila sa atin. Hashtag Mirtin love team." Pagbabasa nito kaya napangiti ako.
"Guys, hindi ako masyado mahilig sa vlog since hindi ko naman yung pangarap ever since atsaka hindi ko keri magsalita sa camera ngayon lang 'to kaya magtanong na lang kayo sa comment section habang nire-rate namin street food." Sabi ko sa kanila.
May ilan pa nag-co-comment ng shout out kaya isa isa namin 'tong shinout out.
"Epal ka masyado Daniela Alcantara, issue masyado." Sabi ko ng mabasa ang comment nito.
Nakita ko rin ang comment ni Ana at Thea na inignore ko na lang para hindi na lang maniwala mga viewers dahil nakakahiya.
"Presenting some Filipino street food, sorry po at baka matakam kayo. Sige na sabihin mo na sa kanila ano ano ang mga yan para makapagsimula na tayo at humahaba na yung live." Sabi ko sa kaniya.
Inasar pa niya ako bago siya nagsimula magsalita.
"Hi sa 10 thousand plus namin na viewers, shout out mga lods. Ito na nga yung street food sa harapan namin. Mayroon tayo rito na fishball, kikiam, kwek kwek, tukneneng, turon, french fries, cheese stick, tokwa, isaw, banana que, palitaw, halo halo, palamig, siomai, binatog, sweet corn, scramble, ice cream and lastly dos tres daw ang tawag nila rito." Sabi nito kaya napangiti ako.
"Sisimulan na natin ang pagre-rate," sabi ko pa.
"Fishball 8/10 masarap kasi bagong luto siya plus masarap sauce pero hindi ko bet texture niya, guys chill at may iba iba tayong perspective sa buhay. Hindi dahil ayaw ko ay ibig sabihin ayaw niyo okay? Wag tayo manghusga agad agad, iba iba tayo ng point of view. Opinion ko 'to kaya wag kayo magulo." Sabi ko pa.
"Ambag ko lang ata pa-guwapo at tawa tawa Austin, rate mo na dali. Tagal nito masyado." Sabi ko rito kaya nagsimula na siya.
Actually lahat naman kinakain ko pero may all time favorite naman ako sa mga street food, hindi lahat bet ko pero syempre kinakain ko naman sila sadyang hindi lang maiiwasan na may pinaka fave tayo among them.
"Ginagawa mo? Gumagawa talaga ng way para ma-issue tayo buwisit ka." Sabi ko rito.
"Dungis mo kaya pinupunasan ko lang," sabi nito kaya kinuha ko ang tissue at ako na mismo ang nagpunasa.
Medyo nakaramdam ako ng awkward matapos ng ginawa niya pero nanatili akong kalmado habang ginagawa namin ang challenge.
Nasanay ako na off cam kaya medyo naninibago ako sa ganito na on cam.
Chill lang self.
Sakto naman na pag-end ng call ay siya naman pagtawag sa messenger ni Ven.
Buti na lang at natapos kami ng maayos at walang nangyari na hindi maganda.
My gosh! Kinaya ko.
"Uy bakit?" Bungad kung sabi.
"Pakibigay ng phone kay Austin, kasama mo siya di ba?"
"Yep, why?"
"May gusto lang ako itanong at wag ka chismosa riyan, dalian mo at may klase pa ako."
"Attitude ka sis?" Sabi ko kaya naman inirapan ako nito.
"Kausapin ka raw ni Ven," sabi ko saka inabot sa kaniya ang phone ko.
Nanatili lang ako sa upuan ko habang si Austin lumayo sa akin ng kaonti kaya naman kumain na lang ako dahil hindi naman naubos ang lahat.
Ano na naman kaya problema ni Ven? Sa tono kasi ng boses niya medyo kabado ako kasi parang may something ako na kutob.
Nabalik ako sa realidad ng iabot ni Austin ang cellphone ko.
"Ano raw yun?" Pag uusisa ko.
Gusto ko lang malaman para hindi ako napa-paranoid.
"About lang kay Jk yun," nakangiti nito na sabi kaya naman napatango ako.
"Uwi na ba tayo?" Tanong nito sa akin.
"Medyo busog ako wait lang, papahinga muna 'ko." Sabi ko rito kasabay ang pagdighay.
"Excuse me," sabi ko pa.
Nandito kami ngayon sa bahay nila Austin, urgent meeting din ganap nila kaya maaga rin sila pinauwi.
"May binaggit ba sa inyo na workshop?" Tanong ko ng maalala yung binaggit ni Ma'am sa amin. Halos mag iisang buwan na yun wala pa rin ganap baka on process na rin.
"Yep, writing workshop. It will help my writing path." Sabi nito.
"Paano if malalaman nila na ikaw at si Augustus ay iisa? Baka mabuking ka baliw." Sabi ko rito.
"Naisip ko rin yun pero syempre sayang oppurtunity gusto ko pa mas matuto, sayang learning hindi naman nila malalaman unless hindi mo sasabihin." Sabi nito saka ako kinindatan.
"Baliw, ba't ko naman sasabihin. Atsaka come back ka na rin para happy na ulit babies mo dali." Sabi ko rito.
"Gusto ko ng happy ending na story, pagod na ako sa sad ending baka mangyari na yun sa lovelife ko." Sabi nito kaya napatango na lang ako.
"Anong gusto mo gawin ko?"
"Sagutin mo na ako para may inspirasyon na 'ko," sabi nito kaya pinitik ko siya sa noo.
"Lahat ng bagay pinaghihirapan at pinagtatrabahuan kaya kung hindi mahaba pasensiya mo puwede ka na tumigil sa panliligaw mo, as long as sabihin mo sa akin para alam ko." Nakangiti kung sabi.
"Bakit ba ako maghahanap ng iba kung mayroon ka naman ng lahat nasa 'yo na ang lahat minamahal kitang tapat, nasa 'yo na ang lahat pati ang puso ko."
"No comment," sabi ko pa.
Hindi ko alam sasabihin ko, medyo speechless pa rin ako sa ganap kaya ako na lang magbitaw ng salita baka kasi mamaya hindi ko mapanindigan, mahirap umasa sa wala.
"Hihintayin kita kasi para kang isang pangarap tipong pinaghihirapan bago makamit." Sabi nito saka ginulo ang buhok ko.
"Kayong babae dapat hinihintay hindi iniiwan," dugtong nito saka ako hinalikan sa noo.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #3) ✔️
Teen Fiction𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #3 Mireille Montivilla is NBSB who is a certified reader that wishes to be noticed by his ultimate favourite writer Augustus Bieber. Until one day, she accidentally uses her real account and the reason why he's idol...