"Puwede ba ipare-schedule, kabado bente ako boi." Sabi ko sabay buntong hininga paghinto ng sasakyan sa garahe nila.
"Nandito na tayo, isa pa mababait sila hindi sila nangangain kaya kalma." Sabi nito saka natawa kaya hinampas ko siya.
"Bakit kasi nasa ganito na tayong segment, hindi naman tayo pero may pakilala agad na stage. Nakakadagdag sa stress." Sabi ko rito kaya ginulo nito ang buhok ko.
"Advance,"
"Sure ka ba na tayo magkakatuluyan? Sure ka na riyan boi?" Biro ko rito.
Ayoko lang talaga magbitaw ng mga salita na baka sa huli pagsisihan ko, mahirap magbitaw ng salita. Actually madali lang sabihin pero super hirap panindigan as in super. Kumbaga puro ka salita kulang ka sa gawa.
"Parang sinasabi mo agad na wala akong pag asa? Grabe hindi mo man lang pinaabot sa susunod na buwan, starting pa lang olats na agad." Sabi nito sabay hawak sa puso nito kaya naman hinampas ko.
Balak ko na sana siya iwan ng pagkaharap ko ay nauntog ako.
"Shems, sakit gagi." Sabi ko habang hinihimas ang noo ko na tumama.
"Gagi, nabobo na ata ako." Sabi ko kaya to the rescue naman si Austin.
Hindi ko namalayan na nakalabas na siya kaya agad nito binuksan ang pinto.
"Nagkabukol?" Tanong ko pagkababa ko.
Nakakapa ko kasi kaya nag-worry ako, actually hindi naman ako takot magkaroon ng bukol eh.
"Halata siya may pasa kasi," sabi nito saka 'to hinawakan kaya hinampas ko dahil masakit.
"Aray ko! Buwisit ka pumasok na tayo, malayo naman 'to sa bituka." Sabi ko pa.
Nawala kaba ko dahil sa sakit, lakas masyado ng impact sa ulo ko.
Legit yung sakit.
"Mag iingat ka kasi sa susunod," sabi nito saka ako hinalikan sa noo kaya napakurap ako bigla kasi medyo loading sa akin.
"Bakit ang sweet mo ata sa akin?" Tanong ko.
Nagsisimula na kami maglakad papasok. Wala na tuloy thrill dahil nawala yung kaba hindi na ako kabado magpakita sa kanila, kasalan 'to ng kotse niyo.
Mapanakit.
"Gusto ko lang, kailangan ba may dahilan?"
"Okay," sabi ko rito.
Ilang sandali lang ay nakita na ng mata ko ang tatlong tao na nasa hapag kainan dahil agad kami dumeretsyo sa hapag kainan.
"Magandang hapon po sa inyo!" Magalang kung bati sabay ngiti.
"Mas maganda ka pa ata sa hapon Mireille, Mireille right?" Tanong ng ate nito.
"Yes po pero you can call me Miles po," sabi ko rito.
"Aurora be, Aura in short." Sabi nito sabay abot ng kamay nito na kinuha ko rin kaagad.
"Nice meeting you po," sabi ko rito.
"Same,"
Nagpakilala rin sa akin ang Mama at Papa niya kaya napanatag ako kasi pakiramdam ko mabait sila makitungo kaya malapad ang ngiti ko.
"Happy yan," bulong nito kaya kinurot ko siya.
Epal, sinisira mood ko.
"Hindi ko man lang inalok ang bisita mo na umupo, have a sit hija pasensiya ka na sa anak ko na yan." Sabi ng papa nito kaya natawa ako saka umupo.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #3) ✔️
Teen Fiction𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #3 Mireille Montivilla is NBSB who is a certified reader that wishes to be noticed by his ultimate favourite writer Augustus Bieber. Until one day, she accidentally uses her real account and the reason why he's idol...