"Magandang araw po tita, nandito po ba si Ela?" Tanong ko rito.
Naisipan namin ni Althea na kausapin ang dalawa kami kasi nahihirapan sa sitwasyon nila. Although hindi naman gano'n ka-close pero after all we're friends.
"Nasa kuwarto niya nak, puntahan mo na lang siya roon." Sabi sa akin ng Mama ni Ela saka ako nginitian.
"Kausapin mo naman sa akin si Ela, mailap kasi siya nitong nagdaan araw akala ko ay nagkaaway kayo pero nandito ka kaya alam ko naman hindi kayo magkakaaway. Baka kako may problema lang yun sa school o may nakaaway na ayaw na lang sabihin para hindi na lang lumaki. Ikaw na lang bahala sa kaniya kasi kailangan ko pa magpunta sa palengke." Sabi nito kaya napatango ako.
"Ako na po bahala tita, ingat po kayo." Sabi ko kaya naman niyakap niya ako kaya gumanti na lang din ako.
"Salamat nak," sabi nito saka bumitaw sa yakap at tuluyan na naglakad palabas kaya pumasok ako agad.
Napabuntong hininga na lang ako saka napangiti ng ma-realize ang tawag sa akin ni Tita na nak, being called nak is so damn ang sarap sa pakiramdam parang feeling mo isa ka na rin sa anak niya kasi kaibigan mo yung anak niya.
Nag iisang anak si Ela kaya wala akong aasahan na bubungad sa akin bukod sa ina nito.
Matagal na akong nagpupunta rito kaya kabisado ko na kung nasaan banda ang kuwarto nito, banda sa sulok kasi hindi niya trip yung nakikita agad.
Ayaw niya lang siguro na agaw eksena.
"Mahal," tawag ko habang papalit sa kuwarto nito.
Bumuntong hininga muna ako bago ako kumatok pagkalapit ko.
"Mahal," tawag ko ulit pero this time hindi na ako kumatok.
"Alam kung nasasaktan ka, hindi naman namin kinukuwestiyon yun kasi feelings mo yun ikaw yung nasaktan. Pero sana wag mo isipin na wala kami pake, we care for you. Alam mo naman suportado ka namin kahit alam namin sa sarili namin na mali yun pero dahil masaya ka sa ginagawa mo, nasa tabi mo pa rin kami. Wag mo naman sana isipin na pinangungunahan ka namin nag aalala lang kami kasi sumosobra na si Paolo, mali yun. Kaibigan mo kami kaya natural lang siguro na mag alala kami. Nanahimik kami ng matagal kahit gusto na namin magalit, tanggapin na lang natin na may mga taong hindi nakalaan para sa atin, you deserve someone better Daniela kaya simulan mo na lang mag-move on." Sabi ko rito.
Naghintay pa ako ng ilang minuto saka naisipan maglakad.
"Kung handa ka na maglabas ng sama ng loob, don't hesitate to approach us ha? Chat ka lang sa akin. Love you mahal, uwi na ako at hahanapin na nila 'ko." Sabi ko saka naglakad palabas.
Lumingon pa akong muli nagbabakasakali na baka lumabas siya pero bigo ako kaya tuluyan na ako naglakad palayo.
"Naniniwala ako na magiging okay rin ang lahat," sabi ko sa isip ko saka naisipan na tawagan si Ven.
Buti na lang talaga at hindi pa expired ang load ko kaya makakatawag pa ako. Naisip ko na si Ate Yla ang tawagan kaso hindi pala kami nagkakasundo kaya para sigurado si Ven na lang.
"Hello," sabi ko pagkasagot nito.
"Uy te, nasaan ka na raw? Kakauwi lang ni Mama at hinahanap ka." Sabi nito sa akin kaya napakagat ako sa pang ibaba kung labi.
"Pakisabi pauwi na ako," sabi ko rito saka mabilis na naglakad.
Aga ni Mama. Why naman gano'n?
"Dalian mo te kung ano anong chismis na naman pinagsasabi ni Ate Yla," sabi nito kaya naman napailing ako.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #3) ✔️
Novela Juvenil𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #3 Mireille Montivilla is NBSB who is a certified reader that wishes to be noticed by his ultimate favourite writer Augustus Bieber. Until one day, she accidentally uses her real account and the reason why he's idol...