"Oh my gosh! Real na real talaga." Sigaw ko pagka-open ko sa R.P account ko.
Bumungad lang naman ang post ni Augustus kung saan nakalagay ang welcome back matapos ang halos mag iisang buwan na magde-deact. 20 minutes pa lang pero 1k like na 'to at halos 400+ na rin ang share malamang ay dahil pare pareho kami sa biglaan nitong pagbabalik.
Pasabog.
"Ano ba nagyari sa'yo anak? Kung makasigaw ka rinig na rinig hanggang sa labas." Sabi ni Mama pagkabukas ng pinto.
"Naku po Mama, pasensiya na po at natuwa lang talaga ako." Sabi ko pa kaya naman sinara niya ang pinto kaya naman napaayos ko ng upo galing sa pagkakadapa.
Balak ko na sana tumawag sa gc namin na magkakaibigan ng mag-ring ang messenger ko at gano'n na lang ang gulat sa aking mukha ng makita ang tumatawag. Sasagutin ko sana habang nanginginig ang kamay ko ng kusa 'tong mag-end.
"Ay sayang, baka napindot lang." Sabi ko sa sarili ko.
Augustus:
Hello, pasensiya na at napindot. By the way Hi.
"Oh my gosh! Real ba 'to? Hala! Legit na legit." Sabi ko pa habang tumitili na may kasamang talon.
Nanginginig ako habang nagta-type.
Mireille:
Hi po, welcome back again lods. Ehem baka naman pa-accept sa puso niyo char sa facebook, one year na bulok fr ko. Pakigalaw ng baso.
Augustus:
Sorry huhuhu, done na po. Thank you po!
Mireille:
Keep safe lods, galing niyo gumawa ng story. Looking forward pa ako sa mga incoming stories niyo.
#support
#numberonefanAugustus:
HAHAHAHA
Mireille:
Bakit hindi niyo hinintay na sagutin ko yung tawag hehehe.
Augustus:
Nahihiya ako makipag usap, shy type yung boses ko.
Mireille:
Edi wew.
Ilang sandali lang ay hindi niya 'to na-seen.
"Oh my gosh talaga! Hindi talaga siya panaginip, real na real talaga siya walang halong chemical." Sabi ko habang nagpapagulong sa kama ko.
"Ate Mireille, ingay mo. May nagre-review po ha? Lower down your voice aba! Sana all masaya kasi tapos na sa exam." Sigaw ni Ven sa kabilang kuwarto kaya natawa ako.
"Leche ka! Manira ka ng moment Nevaeh." Sabi ko pa kaya tumitig na lang ako sa kisame.
"Paano kaya kiligin ang mga lalaki?" Tanong ko sa aking sarili.
Ang unang lalaki ang pumasok sa isip ko kaya naman agad ko siya tiningnan kung online at sakto naman na online siya.
Ilang beses lang 'tong nag-ring ng sagutin niya.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #3) ✔️
Teen Fiction𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #3 Mireille Montivilla is NBSB who is a certified reader that wishes to be noticed by his ultimate favourite writer Augustus Bieber. Until one day, she accidentally uses her real account and the reason why he's idol...