TEN

53 6 0
                                    

"Ate Yla, naniniwala ka sa destiny?" Tanong ko rito pagkapasok ko sa kuwarto niya.

"Who told you na pumasok kaagad without my permission. Sabi ko kumatok ng tatlong beses bago pumasok. Attitude ka sis, wala ka atang GMRC." Sabi nito kaya pinaltukan ko siya.

"Daming knows ate," sabi ko saka humiga sa tabi nito.

"Wait!? Nakita mo na ba destiny mo? Oh my gosh! Malanding 'to." Sabi nito saka ako hinampas sa braso.

"OA mo te, I'm just asking. Bigla kasi nabanggit ni Mama kaya bigla ko natanong sa iyo." Sabi ko rito.

"Ewan ko pero kung si Ate Yaz ang tatanungin mo she's probably believe about destiny. Tingnan mo na lang sila ni Kuya Klyde they met again for the second time kasi may untold story sila na ngayon pinagpapatuloy nila which is friendship turn into love. Naniniwala ako na roon din punta nila." Sabi nito kaya napangiti ako.

"How about you?"

"Hindi ko pa gusto i-settle sarili ko sa stable na relasyon, saka na siguro kapag naging loyal na ako sa isa." Natatawa nitong sabi.

"Gayahin mo na lang ako sis, experience muna bago mag-settle up until now finding pa rin ako sa true love na yan. Nasa waiting list pa rin ako up until now sis, kalma lang tayo magtiwala tayo kay God." Sabi nito.

"God's will!" Sabi ko kaya naman naisipan na muna namin ang magkuwentuhan na lang.

Nag aayos ako ng kuwarto ng bigla na lang pumasok si Ven.

"Himala ate, gabi ka naglinis samantalang kaninang umaga hindi mo ginawa." Sabi nito sa akin.

Sa aming apat ako talaga ang dakilang tamad sa paglilinis, if ever na titingnan kami base sa pananamit at itsura iisipin mo na si Ate Yla ang mukhang tamad pero ako talaga yun. Tamad ako maglinis ng kuwarto ko pero naghuhugas ako ng plato kapag inuutusan ako tapos malinis ako sa sarili ko burara lang talaga ako.

Si Ven lang naman sa amin ang organize at sobrang linis ng kuwarto, ayaw niya sa makalat. Tapos si ate Yaz ayaw sa makalat kasi naba-badtrip siya samantalang kami ni Ate Yla makalat o malinis yan wala kaming pake pero si Ate Yla minsan maayos sa gamit madalas makalat, depende sa mood masipag lang talaga siya sa kalandian hindi nauubusan laging may reserba.

"Ito ang tinatawag na nagdilang anghel sa gabi, ngayon gabi ako sinipag kaya ngayon ko ginawa." Sabi ko rito saka umupo sa kama ko kaya tumabi siya.

"May mga gamit ako pang-design sa kuwarto ko,  lagyan natin ng design ang mga 'to ate." Sabi nito kaya tumango na lang ako.

"Ate!? Ang dami mo na books na nabasa and most of them are from international, bakit hindi mo sinubukan magsulat ng story? Like, journalist ka naman ng school di ba?" Sabi nito sa akin kaya napailing ako.

Marami na rin nagsabi nito sa akin pero ang lagi kung sagot hindi ko nakikita ang sarili ko na nagsusulat kumbaga failed ako sa gano'n kaya nga ako nag-engineering kasi pinu-pursue ko yung drawing, baka sakali rito talaga ako nakalaan.

Destiny.

"Hindi ko knows pero feeling ko hindi ko will ang writing, hindi ko nakikita sarili ko na nagsusulat." Sabi ko rito.

"Try mo ate para kung sakali man couple goals kayo," sabi nito habang tinutusok ang tagilaran ko.

"Bogits ka bunso, couple couple. Pinagsasabi mo? Porket idol ka ibig sabihin gusto ko na agad maging jowa. Napakabopis." Sabi ko rito saka siya pinitik sa noo.

"Tangek, hindi naman malabo na magkagusto ang writer sa reader. Malay mo ma-impluwensyahan ka niya, yiee goals sila." Sabi nito kaya hinampas ko siya ng unan.

"Sa libo libo ng taong fan niya impossible sa akin siya magkagusto, wag mo nga ako paasahin baka umasa ako baliw. Labas na nga rito." Sabi ko rito.

"Malay mo bumalik siya tapos mag-post bumalik lang ako para sabihin na may jowa na ako anong masasabi mo?"

"Buwisit ka, wag naman gano'n hindi pa ako gano'n ka ready gagi." Sabi ko saka siya hinampas ng unan sa ulo.

"Mapanakit na nga siya tapos mas worst pa yung gano'n. I mean hindi pa ako ready, gusto ko magkajowa siya pero wag naman gano'n na hindi pa kami ready kasi basta." Sabi ko pa kaya naman hinampas ko siya.

"Ang sakit na ate," sabi nito kaya ginantihan ako nito kaya pareho na kami naghampasan ng unan.

Natigil kami ng maramdaman namin na may naglalakad papasok habang pumapalakpak, nakita namin si Ate Yla.

"Galing niyo talaga, nahiya pa kayo mga baliw. Ito kutsilyo magsaksakan kayo." Sabi nito kaya binato namin siya ni Ven sumakto naman na sa mukha nito tumama.

Sumugod 'to kaya nagtaklob kami ng kumot ni Ven. Actually wala naman dalang kutsilyo si Ate, pagalitan yan ni Mama kung mayroon siya dala.

"Tangina niyo, pinagkakaisahan niyo na naman ako." Sabi nito sa amin kaya nagkagulo gulo na kaming tatlo.

Minsan lang kami magkaroon bonding na tatlo, noon nung nandito pa si Ate Yaz madalas kami mag-pillow fight kasi lagi nito inuumpisahan kaya wala kami magawa kung hindi lumaban kasi masakit siya humampas.

"Nakakamiss si Ate Yaz," sambit ko.

"Opss, working time yun. Wag na natin abalahin at para din sa atin yun." Sabi ni Ven.

"Mga anak kakain na kaya bumaba na kayo riyan," sigaw ni Mama kaya nagkatinginan kami saka nag unahan tumakbo pababa.

"Mahuli maghuhugas ng pinggan," sigaw ko dahil nauuna na ako sa kanila.

"Pinagkakaisahan niyo na naman ako mga gago," sigaw ni Ate Yla na nahuli.

"Maduga si Elle, palibhasa anak kabayo mabilis manakbo edi sana all." Hinihingal nito na sabi.

"Kayo talagang mga bata kayo, hanggang ngayon nagtatakbuhan pa rin kayo. Mahiya nga kayo ang lalaki niyo na para maghabulan pa." Sabi ni Mama kaya niyakap namin siya.

"Nakakamiss maging bata Ma," sabi ni Ate Yla.

"Huwag niyo na pangarapin mga anak at baka maloka ang Mama niyo, natatandaan ko nung panahon na nagkasabay kayong apat nagkasakit nakakataranta mga anak kaya hindi matutumbasan ng kahit anong yaman ang hirap, sakripisyo at pagmamahal ng isang magulang tandaan niyo yan." Sabi ni Papa kaya niyakap ko siya.

"Kaya kami ni Ate Elle dimploma muna bago jowa, mali. Ganito na dapat diploma tapos bayad muna ng utang na loob bago stable na relasyon." Sabi ni Ven na nakakapit na sa braso ni Papa kaya tumango ako.

"Tutal ikaw ang malandi rito Yla, bigyan mo na kami ng apo ng Papa mo." Sabi ni Mama kaya tawang tawa kami ni Ven.

"Ma! Wala pa yan sa plano ko, ikaw lang yung alam kung nanay na gusto agad magkaroon ng apo. Kalma Ma, hintayin mo si Ate Yaz for sure siya mabibigyan ka kasi nasa stable work siya, edi sene ell." Sabi ni Ate Yla kaya mas natawa kami.

"Mga anak, tandaan niyo hindi minamadali ang love. Hinihintay kasi dumarating yan sa tamang panahon at sigurado akong tamang tao na nakalaan talaga para sa inyo." Sabi ni Papa kaya nagkatinginan kaming tatlo saka napatango.

"Basta matuto ka lang maghintay," magkakasabay namin na sabi.

"May tamang oras para sa lahat, kaya oras na rin para kumain. Dali gutom na ako tara na. Tigilan na natin 'to at baka may umiyak." Sabi ni Mama.

Panira sa moment si Mama.

"Huwag kayo mapagod mahintay, maniwala kayo na worth it yung paghihintay niyo." Sabi ni Mama kaya napangiti ako.

𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #3) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon