"Goodevening po Tita, kapatid po ako ni Austin at gusto ko po humingi ng sorry for what happen o kung hindi po nakapag alam ang aking kapatid regarding kay Mireille. In behalf of my brother sorry po." Sabi ni Ate Aura kaya napatingin ako sa kanila.
Gosh! Why did I let this happen? Ano ba 'tong kagagahan ko.
"I'm sorry Ma-" naputol ang sasabihin ko
"Wala naman problema sa akin kung gabi sila uuwi basta nalalaman ko kung saan sila nagpupunta kagaya na lang ngayon, hindi naman ako magkakaganito kung alam ko lang kung nasaan sila. Maluwag ako sa kanila as long as alam ko para may idea ako incase na hahanapin ko sila. Babae sila natural na mag alala ako sa kanila kaya hindi mo ako masisi kung bakit ganito ako kung mag-react." Sabi ni Mama kaya nilapitan ko siya.
"Kalma Ma, hindi ako mare-rape." Sabi ko rito kaya tawang tawa si Ate Aura.
"Pumasok ka na nga sa loob, hinihintay ka ng mga kapatid mo." Sabi nito kaya naman nginitian ko si Ate.
"Salamat po ulit ate sa uulitin na lang po, keep safe po sa pag uwi. Pakisabi na lang kay Austin na thank you rin po." Sabi ko saka nagpaalam na aalis.
Si Papa lang ang naabutan ko pagkapasok ko.
"Anak! Halika nga rito at may pag uusapan tayo, gusto ko lang malinawan sa mga nangyayari." Seryoso nitong sabi kaya naman bigla ako kinabahan.
"Pa! Sorry na agad kung may atraso ako," sabi ko rito kaya naman natawa siya.
"Halika at may itatanong lang si Papa," sabi nito kaya napanatag ang loob ko.
Bumuntong hininga muna ako bago naglakad palapit sa kaniya. Umupo agad ako sa tabi nito.
"Umamin ka anak, ikaw ba may nobyo ka na ba? Napapadalas ang pag alis mo kasama yung Austin. Lalaki ako at alam ko yung mga kilos ng gano'n kaya habang maaga pa lang umamin na kayo para hindi kami nabibigla." Sabi nito kaya hindi ko maiwasan matawa.
Nakakatawa kasi yung itsura ni Papa tapos yung tono ng boses niya akala mo bata na pinagpalit sa ibang kalaro na bata.
Ang cute.
Kaya love ko 'to si Papa sobrang solid talaga niya sa amin na mga anak niya, sinisigurado talaga niya na magiging kagaya niya yung lalaki na mapupunta sa amin.
Best man ever.
"Sana all nasa tamang tao," sabi ko sa isip ko.
"Hindi po Pa, alam niyo naman po motto namin ni Ven sa buhay. Diploma muna bago jowa atsaka makakapaghintay naman po yun. Naniniwala ako na worth it ang paghihintay namin tingnan mo si Mama 23 years ka hinintay tapos forever na kayo kaya naniniwala ako sa power ni God." Sabi ko rito saka kumapit sa braso nito sabay higa ng ulo sa balikat nito kaya agad niya ako inakbayan kaya niyakap ko siya sa balikat.
"Sobrang thankful ko sa inyo, hindi lang halata pero sobra talaga akong thankful sa inyo. Sobrang proud rin ako sa mga ginagawa niyo, sana ipagpatuloy niyo yan kasi nandito lang kami always ng Mama niyo susuportahan kayo." Sabi nito saka niya ako hinalikan sa noo dahil naramdaman ko.
"Pabebe ka na naman Darling kasi lumalaki na mga anak mo, anytime puwede na yan gawin ng mga boyfriend nila sa kanila kagaya na lang ni Yaz na may Klyde at anytime puwede na rin tayo maging lola." Sabi ni Mama kaya natawa ako.
Umupo 'to sa tabi ko saka ako hinalikan sa pisnge.
"Ang love nakakapaghintay kaya sana matuto ka maghintay, proud ako sa inyong lahat kasi hindi niyo pinapabayaan ang pag aaral niyo. Sobrang proud ako sa inyong apat okay? Wag niyo isipin na may favorite ako sa inyo okay? Lahat kayo love ko at lahat kayo ay proud ako ngayon si Ate Yaz niyo kasi tapos na siya at anytime nasa stable na buhay na siya at ipagdasal natin na maging mas matatag pa sila ni Kuya Klyde." Sabi nito kaya naman ngumiti ako saka tumango.
"Love you Ma and Pa," sabi ko kaya naman niyakap nila ako.
"Pamilya rin kami kaya pasali," sabi ni Ate Yla na kakababa lang kasama si Ven kaya napunta kami sa isang group hug habang nagtatawanan kami.
Nagpapahinga na ako ng may kumatok.
"What?" Iritado kung sabi dahil gusto ko magpahinga dahil kakatapos ko lang gawin yung mga school works.
Nakita ko si ate Yla na papasok kaya naman tinarayan ko siya dahil deretsyo lang siya na humiga sa kama ko.
"What happen?" Tanong ko ng makita ang pagtulo ng luha nito kaya umupo 'to saka ako tiningnan.
"Naiiyak lang ako sa pinaggagawa ko, ito na ata karma ko." Sabi nito saka pinunasan ang luha sa mata na tumutulo.
"Wag mo ako yayakapin kasi mas naiiyak ako please lang..." Sabi nito kaya naman hindi ko natuloy ang balak kung pagyakap.
"Hindi ko na kasi talaga kaya, heto ako naglalabas ng sama ng loob kasi ang sakit na talaga. Ilang araw akong nagkimkim ng sama ng loob asking myself kung saan ba ako nagkamali o ano ba kulang bakit ang unfair? Bakit kung kailan ako seryoso roon naman ako lolokohin. Tangina Lord! Anak niyo rin ako pero bakit hindi ako pinagpala. Gago!" Naiinis nitong singhal kaya nakatingin lang ako sa kaniya habang awang awa kasi ayaw nga niya ng comfort, alam ko na gusto niya lang ng taong makikinig sa kaniya minsan na yan naglabas si Ate kaya kailangan lang namin makinig habang nilalabas niya yung sama ng loob o yung sakit.
I felt sad to her knowing ate Yla, siguro kung sa iba niya sasabihin mahuhusgahan siya at alam ko rin na ang iisipin ng tao na malakas siya at happy go lucky pero hindi nila alam na may kinikimkim yan magaling lang magtago at magpanggap na everything will be okay.
I love you ate Yla.
"Patulog muna ako rito gusto ko lang may kayakap kapag nag iisa ako mas nasasaktan lang ako," sabi nito kaya agad ako lumapit sa kaniya.
"Love you ate," sabi ko saka siya hinalikan sa noo, sa magkabilaan na pisnge pati sa ilong saka pinisil ang ilong nito.
"Pagod ka na ate magpahinga ka muna," sabi ko kaya naman humiga siya saka pinikit ang mata nito habang nakayakap sa hita ko kaya hinaplos ko ang ulo nito.
"I'm proud of you ate, alam mo ba kung bakit? Ang strong mo tapos hindi ka man showy pero pinaparamdam mo sa amin na you care and you love us and thank you kasi pinaparamdam mo 'to sa amin. Pakiingatan puso mo ha? Naniniwala ako na may tamang tao papunta pa lang." Sabi ko rito.
"Elle wag ka masyadong madali ma-attach, tayo lugi sa huli kaya hangga't maaari wag ka ma-attach sa taong hindi ka sure hanggang saan ka sasamahan."
"Opo ate," sabi ko pa and that time I realize not to trust and believe on promises.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #3) ✔️
Novela Juvenil𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #3 Mireille Montivilla is NBSB who is a certified reader that wishes to be noticed by his ultimate favourite writer Augustus Bieber. Until one day, she accidentally uses her real account and the reason why he's idol...