Chapter 14: Back To Normal.

30 2 0
                                    

Shanaia's P.O.V

Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Wait, not so totally. Di pa ineexplain sa akin ni Airy--- i mean Ryle ang lahat. Aish! Di talaga ako makapaniwala. Lalo na't di ako sanay na Ryle ang itawag ko sa kanya. Sanay ako ng Airyll. Pero syempre tatawagin ko lang siyang Ryle kapag kaming dalawa lang noh. Edi nabisto naman kami nun.

*Poink!*

"Aray! Bakit mo naman ako pinitik?!" galit na tanong ko kay Airy--este Ryle.

"Tapos na ako gumamit ng C.R. Baka gusto mong ikaw naman gumamit para hindi tayo malate?" sarcastic niyang sabi. Syempre di ako papatalo. Minake face ko siya.

Tinignan naman niya ako na parang nandidiri. "Tss." sabi niya tsaka dumiretso sa Study Table namin. Aarrgghhh! Nakakainis.

Dumiretso na lang ako sa C.R pero bag yun, may napansin ako sa sinabi niya kanina. 'Para hindi TAYO malate?'

"Wait! Ano yung--" 

"Pasok na!!!" sigaw sa akin ni Ryle kaya naman no choice kundi pumasok. Nakakatakot e. Mas gusto ko pa yung Airyll na hindi nagsasalita. Tss. >3<

So, yun nga. Naligo na ako at syempre dala ko na yung damit ko dito. Duh! Lalaki pala kasama ko dito, kaya pala dati tuwing lalabas ako ng C.R ng nakasando lang bigla bigla siyang tumatalikod. Nagtaka naman ako nun. So yun, lalaki pala talaga siya. Bakit di ko nahalata yun? -__________- Nakakahiya tuloy. 

Anyway, makalabas na nga, baka masigaw---

"HOY!! Hindi tulugan ang banyo! Ano ba! Late na tayoo!" sigaw ni Ryle. See? Sabi sa inyo e.

"Eto na~! Excited?! Pagkalat ko sikreto mo e!" pasigaw ko rin na sabi. Hahaha! Nag-iba na pakikitungo sa akin niyang si Ryle simula ng nalaman ko sikreto niya. Parang naging close kami kaunti. ^____^z

Kinalampag lang niya yung pinto ng C.R hahaha! Asar talo po siya! =)

Paglabas ko, naka-disguise na siya. Kaya naman napatawa ako. At dahil dun, tumingin siya sa akin.

Umiling-iling naman ako.

"Wala.Pffft! Bakit ba hindi ko nahalata yang muscles mo nung si Airyll palang kilala ko sayo? Pffft. Hahaha!" sabi ko habang tinuturo ang muscles niya.

"Shushunga-shunga ka kasi." sabi niya tsaka pumuntang pinto at kumawala ng malalim na hininga tsaka binuksan ang pinto.

"Woah! Lalim nun ah." sabi ko sa sarili ko. Tsaka sinundan siya. Pero bago yun! Di pa pala ako nakakapagsapatos! XD

"Uy, Wait! Di pa ako nagsasapatos!" sigaw ko sa kanya. Lumingon lang siya sa akin atsaka tumuloy na sa labas. Aish! Back to being normal nanaman tayp. -__________-

Nagsapatos ako at nag-ayos na rin ako ng sarili ko. Geez. Ang dami ko pa palang gagawin tapos lalabas na agad ako? Oh please.

Kukuhain ko na sana yung ID ko ng nakita kong andun pa yung kay Airyll.

Tignan mo tong taong to. Nagmamadali tapos kakalimutan yung ID. Tch.

Hinahanap kasi sa amin yung ID kahit na nasa loob na kami mismo ng Campus. Adik lang noh?!

Kinuha ko na rin. Konsensya ko pa noh. Lumabas na rin ako at nagulat ako ng andun pa pala siya sa tabi ng pinto sa labas.

"Ay taong menopause!" nasabi ko. Opps! Ano nga nasabi ko? Taong menopause? Agad agad kong tinakpan yung bibig ko sabay peace sig. Geez. Nakakahiya!

Bigla siyang dumikit sa akin.

"Ang tagal mo." gigil na bulong niya sa akin. Napalingon naman ako.

"Bakit ka bumubulong?" tanong ko. At pinandilatan lang niya ako.

"Ay, naka-Airyll ka na pala. Hehehe." sabi ko sabay ngisi.

------------------------------------------------------------

(A/N: Helloooooooooooo! =)

Thanks For Reading! 

-------------------------------------------------------------

He's In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon