Shanaia's P.O.V
"Uh.. anong nangyari sa inyo?" Basag ni Jane sa katahimikan.
Pagkatapos kasi nung nangyari kagabi, ang awkward na.
Kakaiba kasi yung naramdaman ko kagabi nung niyakap ako ni Ryle. Parehas na parehas ng naramdaman ko nung inasikaso ko noon si Airyll nung may sakit siya. Ganun na ganun. Weird.
"Bakit?" Tanong ko din kay Jane. "Ganto naman lagi diba? Tahimik tayo sa room?" Dagdag ko pa.
Tinitigan niya lang ako. "Di eh. May nangyari talaga sa inyo ni Ryle noh?" tsaka sinamaan niya pa yung tingin niya sa akin.
"Huh? Anong may nangyari?" Kung makatitig naman to si Jane parang may ginawa kang masama eh.
"Edi walang nangyari." Bigla siyang tumayo at lumabas ng kwarto. Kaya ayun, kami nanaman ni Ryle ang natira.
"Ikaw di mo lang naman ako tinulungan kay Jane! Ang sama mo." Lumabas na din ako ng room. Masabi na nga lang kay Jane baka mamaya magtampo pa yun.
"Nakita niyo ba si Jane?" Tanong ko sa mga kabatchmate ko. Nagaayos kasi sila ng gamit.
Tapos na kasi yung camp namin. Ang bilis noh? Gusto ko pa nga magstay eh. Tsaka marami din kaming nagawang activities. Maya maya din ng hapon yung alis namin dito.
"Papunta yata siya sa cafeteria." Sagot nung isa.
"Sige salamat." Kumuha muna ako ng dalawang soda sa machine.
"Jane, tara sa rooftop?" Aya ko sa kanya.
----
Umupo kami sa pinakadulo mismo ng railings sa rooftop.
"Jane ano ba pakiramdam ng inlove?" Out of the blue kong tanong pagkadaan ng tatlong minuto.
Binuksan ni Jane yung soda niya tsaka umupo ng maayos.
"Pakiramdam ng inlove? Well, base sa mga nababasa ko through different websites and base on my surroundings, inlove ka kapag lagi mo siyang iniisip. Yung tipong out of nowhere bigla mo siyang maiisingit sa usapan niyo na super duper layo sa topic, maisingit mo lang siya. Yung kahit na mapapatulala ka lang saglit maiisip mo na agad siya. Yung determinado mong gawin yung isang bagay para maging proud siya sayo. Tapos uhm, yun lang alam ko. Bakit mo naman natanong? Wait! Don't tell me inlove ka?!" Sunod sunod niyang sabi.
Tinignan ko siya. "Di ka naubusan ng hangin? Libre kaya huminga." Biro ko sa kanya.
Napairap naman siya. "So ano nga? Kanino ka inlove?" Pangungulit niya.
Inlove ba talaga yun?
"Kasali ba dun yung madidikit lang yung balat mo sa kanya may nakakakuryente na pakiramdam?" Pwe! Ano ba yang mga pinagsasabi ko.
Bigla namang napatakip ng bibig si Jane sabay palakpak ng isang beses. "Omygee Shay! Inlove ka!" Sabi niya sabay alog alog ng balikat ko.
Nagulat ako sa sinabi ni Jane. Ako? Inlove? Hala! Papaanong?
"Hala Jane? Paano?" Di ko makapaniwalang tanong.
Tumingin sa akin si Jane na nakangisi sabay taas baba ng kilay.
"Kanino ba? Kay Ryle?" Sabay kiliti sa tagiliran ko.
Umiwas ako ng tingin. "Kay Ryle? D..di ah." Ano ba yan! Bakit si Ryle agad sinabi niya -_-!
"Liar. You can't even look into my eyes." Agad agad naman akong tumingin sa kanya pero nailang ako kaya umiwas ulit ako.
"See? Ha! Ang galing ko talaga!" Tuwang tuwa si Jane habang pumapalakpak.
"T..tama na nga Jane." Pilit kong tinitigil yung mga kamay niya sa pagpalakpak pero iniiwas lang niya at tumayo pa siya.
"Ohmygee talaga Shay! Sabi na kayo magkakatuluyan eh!" Sumisigaw sigaw pa siya kaya tinakpan ko na yung bibig niya.
"Jane! Ikaw pa lang may alam, ok? Tsaka magkatuluyan? Eh hindi pa nga kami eh, tsaka di pa ako sigurado sa mga nangyayari." Pabulong kong sabi. Baka kasi may makarinig sa amin dito sa rooftop.
Tumingin naman siya sa akin. "Ano ka ba! Dun din yung bagsak niyo noh! Patatagalin pa ba?" Tsaka ngumisi nanaman siya ng parang baliw.
Bumuntong hininga ako. "Malay ba natin kung may iba siyang gusto?"
"Si Ryle? Mukha bang nakikihalubilo yun sa ibang babae maliban sa atin? Tsaka halata naman sa hitsura niya na woman hater yun." Pagdadahilan niya.
"Oh tignan mo! Ikaw na din nagsabi na woman hater siya. Wala nga siyang gusto sa ibang babae, ayaw naman niya sa ating mga babae." Napatingin ako sa kanya.
"Shay nagiisip ka ba? I mean, woman hater nga siya pero darating sa point na sa babae din ang bagsak niya! Alangan namang lalaki ang makatuluyan niya?" Napairap na lang sa akin si Jane.
Natahimik kami saglit.
Aigoo! Bakit ba kasi ako naguguluhan? Lesheng Ryle yan oh!Bumuntong hininga si Jane. "Ganito na lang, paguwi natin umamin ka sa kanya. At pagkatapos nun, tignan mo kung may pagbabago ba matapos mong umamin. Kung nagiging clingy ba siya sayo or nagiging sweet, yung mga ganung bagay. Kung meron, posibleng gusto ka rin niya at--"
"Kung walang pagbabago?" pagdudugtong ko.
Nagkibit balikat siya, "Edi forever fangirl ka na lang ni TJ." Tsaka siya bumalik sa pagkakaupo niya.
Hayst! Ano bang gagawin ko? Sana tama yung desisyon namin.
--------------
Thanks for reading!
V O T E & C O M M E N T.
Be a Fan
--------------
BINABASA MO ANG
He's In Disguise
Teen FictionEveryone has a secret. Therefore, we have to keep it in ourselves. What if your secret reveal unexpectedly by yourself? What are you going to do, then?