Chapter 4: Siya?

203 2 0
                                    

Chapter 4

Third Person's P.O.V


"Ano ? Hindi pwede sa akin." reklamo ng isang binata sa isang may edad na lalaki.

"Wala na tayong choice, kundi sayo na lang." sabi nang may edad na lalaki.

"Paano na lang kung malaman niya ?" sabi naman ng binata.

"Hindi niya malalaman kung mai-iingat tayo." sagot naman nito sa binata.

Her P.O.V


Yieeee. Excited na ako sa magiging dorm ko pati na rin sa magiging dormate ko.

Papunta ako ngayon sa assigned room.

Pagbukas ko nang pinto, sobrang tahimik.

Ang cute nang dorm ko. Maliit lang pero ang ganda.

Describe ko bale, pagkapasok mo pansin agad yung dalawang kama na magkahiwalay. Tapos sa bandang likod naman ng kama na yun may study table na magkadikit. May mga drawers pa. Yun lang. Tapos yung Comfort Room pala katabi lang ng pintuan sa pagpasok at paglabas mo.

Tapos yun na yun.

Inayos ko yung gamit ko. Inilagay ko na yung mga books ko sa bookshelfs malamang.

Tapos yung mga damit ko inilagay ko na rin sa lalagyan.

Habang nagaayos ako, nakaramdam ako ng tawag ni mother earth. Kaya pumunta ako sa cr.

His P.O.V

Aish! Bakit kasi sa akin pa? Baka malaman pa niya.

Haay . Eto na, papasok na ako sa dorm ko.

Oh? Tiyempo pasok ko, walang tao.

Dumeretso ako sa study table tapos nilapag yung bag ko, pati na rin yung bigay sa akin ni TJ na box. Tsk.

Tinapon ko lang sa sahig yung box na yun. Non-sense.

"T..teka! A...airyll?" Sabi ng babae sa likod ko habang nakaturo sa akin.

Napapikit na lang ako ng madiin.

He's In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon