Airyll's P.O.V
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya habang nakataas yung kamay niya pangharang.
Nauna akong lumakad at nasunod naman siya.
Tss. Kailangan ko nang sabihin sa kanya yung totoo. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan.
Pumunta ako sa Doorm namin, nakasunod pa rin siya at bigla akong humarap sa kanya.
Nakita ko naman na nabigla siya. Lumaki mata niya e.
"U..hmm. Ano k-kasi Airyll,naguguluhan a-ako. Explain mo anman o-oh.." sabi niya.
Huminga ako ng malalim atsaka binuka ang bibig ko.
Shanaia's P.O.V
Nakatitig lang ako sa kanya at hinihintay siyang magsalita.
Sa Wakas! Maririnig ko na rin siyang magsalita.
"Ahhh.."
O__________________________O!
"B..bakit g..ganyan yung b..boses mo?" familiar yung boses niya eh. Parang narinig ko lang these past few days.
"Ahh. Eto ba? Ngayon alam mo na kung bakit di ako nagsasalita?" tanong niya sa akin. Tumango-tango naman ako. Tumalikod naman siya.
"Teka! Bakit.. bakit ganyan boses mo, pang lala--wait! Don't tell me lalaki la?!!" gulat na tanong ko.
"Di pa ba obvious?" sabi niya habang nagbubuklat ng aklat.
"WHAAAAT!??? Edi lalaki pala lagi kong kasama matulog tuwing gabi?!" sabi ko. Humarap naman siya sa akin at unti unting lumapit.
"Bakit? Bawal na ba ngayon yun?" tanong niya habang papalapit ng papalapit sa akin.
"T..teka Airy--" bigla niyang hinarang yung isang daliri niya sa lips ko.
"Ryle. Ryle ang totoo kong pangalan. At isa pa, walang sinuman ang makakaalam nito bukod sayo, maliwanag?" sabi niya habang nananatili pa rin yung daliri niya sa lips ko. Tumango-tango naman ako.
"Good. At wag kang pahahalata na may alam ka sa pagkatao ko." sabi niya habang paupo sa kama at tumango ulit ako.
"Wait. Edi yung lalaki sa picture na nakita ko, ikaw yon?" tanong ko. Tumingin naman siya sa akin.
"Oo." sagot niya agad.
"Ahh. Eh bakit nagde-Disguise ka pa?" tanong ko ulit.
"Para sa pangarap ko." sagot niya.
"Huh?!" pagtataka ko. "Pangarap mong magdisguise?" dagdag ko pa.
"tumayo siya at ginulo yung buhok ko.
"Maiintindihan mo din." sabi niya tsaka lumabas ng kwarto ng nakangiti.
"O..okay?!"
--------------------------------------------
(A/N: Yes! Nalaman na din niya ^___^ Hohoho. Thanks for Reading!
V O T E & C O M M E N T.
Be a Fan <3
------------------------------------------
BINABASA MO ANG
He's In Disguise
Teen FictionEveryone has a secret. Therefore, we have to keep it in ourselves. What if your secret reveal unexpectedly by yourself? What are you going to do, then?