Chapter 24: Untold Story

13 0 0
                                    

Shanaia's P.O.V

"Grabe talaga Jane! Nag-date kami ni TJ!" Pangalawang beses na sabi ko sa kanya.

"Grabe Shay di maka-move on?... Oh eh anong nangyari?" Tignan mo 'to. Di daw ako maka-move on pero sabay tanong kung anong nangyari.

"Kumain kami sa Japanese Resto dyan sa baba pero bago yun... alam mo ba Jane?" Pagkukwento ko sa kanya.

"Hindi pa. Kaya nga ikukwento mo diba?" Sagot niya kaagad.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Oh eh ano na nga?" Bigla niyang bawi. Bumuntong hininga ako.

"Inakbayan niya ako! Kyaaaah! Jane inakbayan niya ako!" Kinikilig kong sabi habang yakap ko yung unan.

Tinitigan lang niya ako. "Oo nga! Inakbayan nga ako ni TJ!" Paglilinaw ko. Ayaw pa kasing maniwala.

"Maniwala ako sayo. Eh wala pa nga yung inaakbayan e." Sagot naman niya kaya napatigil ako.

"Edi.. edi ibig sabihin ako.. ako ang u-una niyang inakbayan?" Turo ko sa sarili ko kaya naman napalingon na ng tuluyan si Jane sa akin.

"Pwede ba?! May nagpapahinga diba?" Biglang may sumigaw.

"Sorry naman aba." Sagot ko rin agad kay Ryle. Inismid lang niya ako kaya inirapan ko din siya.

"LQ kayo ah." Biglang singit ni Jane kaya dahil dun napatingin kami ni Ryle sa kanya ng masama.

"Ok. Oo na. Hindi na." Sabi ni Jane habang nagwo-walk out tignan mo 'to hindi pa ako tapos magkwento e.

Humiga na lang ako sa kama pagkalabas ni Jane. Mamaya na pala yung Pre-audition ng school. Kinakabahan ako.

"Anong pinagusapan niyo ni TJ?" Napalingon naman ako sa tanong na yun.

"Pakialam mo?" Mataray kong tanong.

"Tch."

"Tch ka din." Ginaya ko lang yung sagot niya. Maya-maya napaisip ako.

Paano kaya kung hindi dumalaw yung grupo nila TJ nun sa ospital, hindi kaya ako makakapasok dito at hindi ko din ba magugustuhan si TJ?

Nung nasa ospital kasi ako pumunta dun yung ilang performers ng school na pinapasukan ko ngayon para makapagpasaya ng ilang pasyente nun, syempre kabilang na ako dun.

Kumanta sila, sumayaw at nagpatawa. Sa sobrang saya ko nun nag-volunteer pa nga ako na magperform din kasama sila e.

Dun ko na-realize na kailangan kong magpagaling para makapasok sa school na pinapasukan nila.

Nagpalusog ako, nagpatreatment, therapy, lahat ginawa namin ni Mama para gumaling ako at makapasok ako sa school na gusto ko.

Hanggang sa binalita ng doktor ko na malaya na akong makakapasok sa school. Dahil dun, laking tuwa ko at nagresearch pa talaga ako ng tungkol dun sa school na yun.

At yun, in-enroll ako ni Mama at nakapasok ako.

Tuwang tuwa si Mama nun pero di niya mapigilang mag-alala kasi nga dito na din ako titira pansamantala.

Kaya eto, nandito na ako sa gusto ko. Syempre masaya ako. Nakakausap ko din naman kasi si Mama eh, mga thrice a week.

"Shanaia kailangan na daw bumaba lahat ng estudyante." Biglang tumayo si Ryle at itinago yung phone niya sa pocket niya. Si Jane ata ang nagtext sa kanya.

Nag-ayos muna ako tsaka bumaba.

"Shay dito ka!" Sigaw ni Jane habang winawagayway niya yung kamay niya. Medyo may pagkadim kasi yung room na pagpe-perform-an namin.

"Good Afternoon Guys! Today we will start our pre-audition here and we'll hope that it will be success." Sabi ni Maam tsaka umupo sa upuan ng mga Judge kuno.

"We'll start from Abie Chua." Pagtatawag ni Maam.

"Hello po. I will going to dance po." Sabi niya tsaka nagsimula nang sumayaw. Maganda yung performance niya. Sinayaw niya yung Hot Issue.

Nagsunod-sunod yung nag-audition. May kumanta, sumayaw, nag-rap, nag-act, tapos may nagrecite pa ng poem. Yung totoo? Hahaha. Sariling compose naman daw niya yun.

"Next is Shanaia-" Napatigil si Maam sa pagtawag sa pangalan ko dahil biglang may nagring na phone na super lakas.

Biglang kaming napatingin kay Jane.

"Sorry. Hehehe." Sabi ni sabay peace sign.

"Punta ka na sa stage." Dagdag pa ni Jane kaya pumunta na ako.

Ok. Kinakabahan ako.

Pagkaakyat ko, lumapit agad ako sa piano at umupo.

"Hello sa inyo! Ako si Shanaia at itutugtog ko ang Dance with my Father. Sana magustuhan niyo." Huminga muna ako ng malalim at dahan dahan kong pinindot yung mga key sa piano.

--------------

Thanks for reading!

V O T E & C O M M E N T.

Be a Fan

--------------

He's In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon