Chapter 20: Detective Jane.

17 0 0
                                    

Jane's P.O.V

Tumigil kami sa may garden.

"Andun din kasi ako sa baba nun magdamag kaya sigurado akong walang dumaan na taga ibang section dun. Nagulat nga ako nung sinabi sa akin ni Shanaia na taga-section 3 daw yung kausap niya sa rooftop e." panimula ni Apple.

"Wait! N.nakita mo naman yung mukha? Itsura?" tanong ko.

"Yun na nga e. Hindi pinakita sa akin ni Shanaia yung mukha niya. Pero yung suot nung lalaki na--"

"L.lalaki?" gulat kong tanong. Tumango naman si Apple.

Wait! Teka! Imposibleng lalaki. Walang sinuman dito sa amin ang close ni Shay sa mga lalaki. Err pwera lang kay TJ, pero di naman sila ganung ka-close..

"B.baka naman si TJ lang yun?" tanong ko.

Umiling siya. "Imposibleng si TJ yun. Eh diba nga laging nakadikit yun kay Airyll?" sabi niya.

Airyll... isa pa yung babaeng yun. Silang dalawa ni Shay. Parang may tinatago sila.

"Anong suot nung lalaki?" tanong ko.

"Nakacheckered na red at pants --" napatayo agad ako nung narinig ko yun.

Tinignan ko si Apple. "Promise mo wala kang pagsasabihan tungkol sa nakita mo at tinanong ko sayo." sabi ko sa kanya at tumango naman siya kaya umalis na agad ako.

Nakacheckered na red at pants. Yun din ang suot nung lalaking nakasalubong ko kanina sa hallway ng floor namin.

Dali dali akong pumunta sa kwarto namin. Titignan ko kung tama talaga yung hinala ko.

Pagkapasok ko, andun silang dalawa. Si Shanaia at Airyll.

"Uh.. Hi? hehehe. Cr lang ako." ngumisi ako sa kanila at dumiretso sa banyo.

Habang padaan ako sa pwesto nila, nakita kong pasimpleng siniko ni Shay si Airyll.

Anong meron sa kanila? Nakakapanghinala talaga yung kilos nitong si Shay e.

Sinarado ko yung pinto at pinihit ko kaunti yung gripo at idinikit ko yung sarili ko sa pintuan.

'Asdfghjkl lkjhgfdsa'

'Lkjhgfdsa Asdfghjkl'

Ano yun? Nagbubulungan ba sila?

Lumapit ako sa gripo at hininaan ko pa ng kaunti.

'Bwisit ka talaga kanina. Muntikan ka na tayong ma--'

'Aish! Alam ko alam ko. Tumahimik ka na nga!'

Bigla kong binuksan yung pinto. Nakita kong nagulat silang dalawa.

Tinitigan ko silang dalawa. Samantalang si Shay naman di mapakali.

"Nagbubulungan ba kayo?" tanong ko kaya naman si Shay biglang nanlaki yung mata. Sabi na e.

"Anyway, kwento ka naman about sa rooftop kanina Shay." pagsisingit ko sabay talon sa kama na inuupuan niya.

Tignan nga natin kung may balak talaga siyang sabihin sa akin.

"Uh.. ano kasi e.. N.naantok na ako! Bukas na lang! Night everyone!" mabilis niyang sabi tsaka nagtalukbong ng kumot.

Napatitig na lang ako sa nakatalukbong na kumot.

"May tinatago ba kayo sa akin?" diretsuhan kong tanong.

——————————————

Thanks for reading!

V O T E & C O M M E N T.

Be a Fan <3

——————————————

He's In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon