Chapter 9
Her P.O.V
Nanginginig akong tumingala para tignan ang nakabangga ko.
Umaliwalas naman yung mukha ko nang makilala ko kung sino yung nakabangga ko.
"T..TJ." nanginginig kong sabi.
Tinayo ako ni Jane sa pagkakahiga namin ni TJ sa sahig.
Yup, napahiga kami sa lakas ng impact. At ang matindi pa dun, ang damit niya ang nakasalo lahat ng spaghetti.
"Uhmm. Naku, pasensya ka na TJ ah." sabi ni Jane habang inaalalayan ako.
Nakatingin lang ako sa mukha niya. Habang siya eh may sinasabi.
"Hoy! Diba ikaw yon?" tanong niya.
Gwapo pala talaga siya pagmalapitan.
"Hoy!" sigaw nila Jane at TJ sa akin.
"Huh?" tanong ko. Umiling iling naman si TJ habang nakangiti.
Shems! Ang gwapo niya.
"Sabi ko kung ikaw ba yung bagong kadormate ni Airyll." sabi niya habang nangangamot sa batok niya.
Mas lalong nadepina yung kagwapuhan niya dahil sa ginawa niyang yun.
"Uhh. Oo ako nga." sagot ko naman.
"Btw. Im TJ." pagpapakilala niya. Tumango tango naman ako.
"Ah oo. Kilalang kilala na kita." sagot ko. Siniko naman ako ni Jane. Lumingon ako sa kanya at ngumuso siya sa damit ni TJ.
"Ayy! Sorry pala. Nadumihan tuloy yang damit mo. Sorry talaga. Sorry." sabi ko habang pinupunasan yung damit niya at.... medyo nakakapa ko po yung... alam niyo na. ABS niya.
Bigla niyang hinawakan yung kamay ko.
"Okay lang. Magpapalit na lang ako. Sige una na ako." paalam niya sa amin.
"Uh.. Sorry ulit. Bye." sabi ko ulit bago siya lumabas ng canteen.
"Ehem." sabi ni Jane. Napalingon naman ako. Nginuso niya yung kalat sa sahig.
"Tapos na ba yung paguusap niyo ni TJ oppa? Oh eto. Linisin niyo na yan." sabi ng matangkad na babae, yung nakasalubong ko nung unang araw ko dito.
Tinanggap ko naman at nagsimula na kaming linisin ang kalat. Habang ako nakangiti habang nagpupunas.
Hinawakan kasi ni TJ yung kamay ko. At di lang yun, pati na rin yung abs niya.
BINABASA MO ANG
He's In Disguise
Fiksi RemajaEveryone has a secret. Therefore, we have to keep it in ourselves. What if your secret reveal unexpectedly by yourself? What are you going to do, then?