Chapter 11
Her P.O.V
Ano ba yan! Ang ingay.
Umayos ako ng higa at bumalik sa pagkakatulog ng may nag ingay ulit.
"Airyyyyll. Magpatulog ka naman oh. Kanina ka pa dyan." sabi ko nang sobrang inaantok.
Di siya nagsalita, wait. Eh hindi naman talaga yan nagsasalita sa harap namin eh. Natahimik unti. Maya maya, letche nagingay ulit. Tumayo na ako at binuksan ko yung ilaw.
Ayun, nakita ko si Airyll na nanginginig at yakap ang sarili niya.
"Teka anong nangyayari sayo?" sabi ko sabay himas sa leeg niya.
Nagising naman ang diwa ko nang mahawakan ko yung leeg niya. Ang init niya sobra.
"Hala! Anong gagawin ko? Teka, uhmm." natataranta kong sabi.
"Oo tama. Dyan ka lang. Tatawagin ko muna si Ate Gemma." sabi ko at akmang lalakad na ako nang hawakan niya yung kamay ko.
Tumingin naman ako sa kanya at umiling siya.
"Eh anong gagawin ko sayo... Ay teka! Dyan ka lang. Kukuha lang ako ng tubig at pamunas." sabi ko at binitawan naman niya yung pagkakahawak sa kamay ko.
So, ayun nga. Kumuha ako nun at inapply ko agad sa katawan niya.
Pinaupo ko siya nun at habang pinupunasan ko yung kamay niya, dumapo yung kamay ko sa dibdib niya na ipinagtaka ko kasi... wala akong naramdaman man lang.
Napatigil ako sa pagpupunas nun at bigla siyang napasandal sa kanang dibdib ko at ang pinagtataka ko talaga eh yung biglang kumabog ng malakas yung puso ko.
Hala! Anong nagyayari sa akin ?
Habang nakasandal siya, napansin ko rin na napadiin yung pagkakahawak ko sa dibdib niya at talaga namang wala akong nakapa!
Di naman sa pagkaperv pero parehas naman kaming girl diba. Siguro flat lang yung kanya.
At ayun, dahan dahan ko siyang pinahiga at...
Biglang may nalaglag na bagay mula sa ulo niya!
Bigla siyang nabuhayan nun ng naramdaman niyang nalaglag yung wig at bigla niya yung dinampot.
Dali daling siyang tumayo at dumaan sa malaking bintana ng dorm namin.
Di ko na siya napigilan nun at dahil maging ako ay gulong gulo sa pangyayari.
BINABASA MO ANG
He's In Disguise
Fiksi RemajaEveryone has a secret. Therefore, we have to keep it in ourselves. What if your secret reveal unexpectedly by yourself? What are you going to do, then?