Chapter 28: Meron kaya

5 0 0
                                    

/Short Update/

Jane's P.O.V

Katabi ko ngayon si TJ at akalain niyong madaldal din pala ang isang 'to.

"Tapos pagkatapos ng performance ko, grabe ang daaaaming nagabang sa akin sa parking lot para magpa-fan sign. Yung iba pa nga hinihila na ako para magpa-picture." Dugtong niya.

Napangisi na lang ako sa mga pinagkukwento niya. Tss. As if may pake ako.

"Grabe. Ang dami mo talagang fans noh?" Plastik kong tanong.

Kamusta na kaya sila Ryle at Shay dun?

Yieeee! Gusto ko sila makita kung anong ginagawa nila ヽ(^。^)ノ

Mmm. Paano ko kaya sila masisilip? ✌

Wait! Alam ko na!

Inangat ko unti yung sarili ko at nagmala-giraffe ako.

Nang makita ko na yung hinahanap ko eh umupo na ako. Huminga muna ako tsaka tumayo na ng tuluyan.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

"Apple. May extra chips ka pa? Penge naman oh?" Kalbit ko kay Apple sabay lingon kung saan nakaupo sila Ryle at Shay.

Medyo hindi ko sila makita kasi sa unahan pa sila ni Apple nakaupo kaya umurong ako unti.

"Sige na Apps, hihingi lang. Gutom pa kasi ako eh." Dagdag ko pa habang sinisilip sila Shay.

.
.
.
.

Napabusangot naman ako nung nakita kong NATUTULOG LANG SILA!

Yung totoo? Akala ko pa naman magkakaroon sila ng moment! Yung tipong magkukwentuhan, kulitan, etc. Pero wala eh!

Sayang lang yung EFFORT kong makipag-exchage ng upuan!

Pagtitiis ko sa NAPAKADALDAL kong katabi at PANGANGALAY ko sa pagngisi, pero wala lang din palang mangyayari?

︶︿︶

"Ahh.. Jane eto na yung chips oh." Biglang sabi ni Apple. Kaya napatingin naman ako ng nakabusangot.

"Ayoko na pala." Sabi ko tsaka padabog na bumalik sa upuan ko. Aigoo!

Humalikipkip ako sa upuan ko ng biglang nagsalita si TJ. "Oh bakit ganyan mukha mo? Tsaka bakit bigla kang tumayo kanina?" Blah blah blah ang dami niyang tanong.

Tumingin ako sa kanya at ngumisi. "Matutulog ako TJ." Sabi ko at di ko na siya inantay magsalita pa.

Isinuksok ko na yung earphones ko sa tenga ko.

Haaaay naku Shay. Gumagawa na nga ako ng paraan para lalo kayong magkalapit tapos wala din palang nangyayari.

Third Person's P.O.V

Pagkaalis na pagkaalis ng tingin ni Jane kanila Shay at Ryle, bigla na lamang gumilid ang ulo ni Shay sa balikat ni Ryle dahilan para maalimpungatan ito.

Napatingin naman si Ryle sa mahimbing na natutulog sa mukha ni Shay.

Napangiti naman ng tipid si Ryle dahil dito at inayos na lang niya ang pagkakahilig ng ulo ni Shay sa balikat niya.

--------------

Thanks for reading!

V O T E & C O M M E N T.

Be a Fan

--------------

He's In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon