Chapter 21: Truth

28 1 1
                                    

Shanaia's P.O.V

"May tinatago ba kayo sa akin?"

Nanigas ako sa tanong ni Jane. Waaa! Sorry Jane gusto ko talaga sabihin sayo kaso si Ryle kasi e.

Tumayo ako at akmang magsasalita na nang makita ko si Ryle. Oo si Ryle. Hindi si Airyll kundi si Ryle.

Tumingin ako kay Jane at gaya ng inaasahan gulat na gulat din siya.

"B..bakit? S..shay... A.airyll..." sabi niya habang palipat lipat ng tingin sa amin ni Ryle.

"Ayan. Alam mo na." sabi ni Ryle tsaka umupo sa kama niya. Lumingon naman ako kay Jane.

"Uh.. kasi Jane. Si Ryle nag-"

"R.ryle?" pagtataka ni Jane. Tumango naman ako.

"Ryle yung tunay niyang pangalan." sabi ko tsaka tumingin sa kanya.

Nakatingin pa rin siya sa akin. Nagaantay pa siya ng sasabihin ko.

Huminga ako ng malalim. "Nagdi-disguise kasi siya. Kaya pala hindi siya nakikipagusap kaninuman dati kasi lalaki yung boses niya. Kaya rin hindi niya pinapansin si TJ oppa kasi lalaki din siya."

Bigla siyang tumayo at lumabas ng kwarto. Syempre hinabol ko siya. Alam kong naguguluhan din siya gaya ng naramdam ko nung nalaman ko din yung gantong bagay.

"Jane!" sigaw ko sa kanya. Ang bilis kasi ng lakad niya.

Nung medyo naaabutan ko siya, hinila ko yung braso niya.

"Jane. Jane sorry. Sorry kasi hindi ko kaagad nasabi sayo 'to." nakatingin lang siya sa akin.

"Sorry kasi maging ako nalilito kung sasabihin ko ba sayo yun o hindi. Nangako kasi ako kay Ryle na wala akong pagsasabihan ng tungkol sa kanya. Sorry Jane. Sorry kung hindi ko kaagad nasabi sayo." sabi ko habang nakayuko ako.

Bigla naman niya akong niyakap. "Kailan mo pa nalaman yung tungkol kay err- Ryle?" tanong niya.

"Last month pa. Sorry talaga Jane." naramdaman ko namang tumango siya.

"Ayos lang. Atleast sinabi niyo na sa akin. Kaya pala ang weird niyong dalawa ah." sabi niya tsaka ako tinusok tusok sa tagiliran.

"Uh... ok lang talaga sa'yo?" paninigurado ko. Baka kasi mamaya hindi pala siya ok. Tumango ulit siya at ngumiti.

"Marami kang ikukwento sa akin." kinindatan niya ako at bumalik na kami sa kwarto.

Pagdating namin dun, nasa may table si Ryle at nagbabasa.

"So, ano ka?" tanong bigla ni Jane at umupo sa harap ni Ryle. Ako naman umupo lang sa dulo ng kama.

Tinignan lang sya saglit ni Ryle at tumingin ulit sa binabasa niya.

"Hoy! Alam ko na pagkatao mo kaya wag ka nang maghiyang sabihin sa akin." medyo pasigaw na sabi ni Jane. Hahaha! Tignan natin kung saan aabot tong si Jane kay Ryle.

"Alam mo na pala, tatanong tanong ka pa kung ano ako." walang emosyon na sagot ni Ryle nang hindi inaalis ang tingin sa libro.

"Aba't --"

Biglang tumayo si Ryle. "Lalabas lang ako."

"As if we care?" mataray na tanong ni Jane.

"Hayaan mo na. Meron ata siya ngayon." medyo pabulong kong sabi. Bigla namang lumingon sa akin si Ryle na malapit na sa pinto.

"Ano?" Waaa! Jusme. Dapat pala di muna ako nagsalita.

"Waa. Wala! Labas na." tinulak tulak ko na siya palabas.

——————————————

Thanks for reading!

V O T E & C O M M E N T.

Be a Fan <3

——————————————

He's In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon