Shanaia's P.O.V
"Ano bang pwedeng kantahin ko?" tanong ko kay Jane.
"Uh.. It's all coming back to me now. Maganda yun! Tapos habang nagpi-piano ka, dapat feel na feel huh? Yung tipong pati ulo mo nakikisabay sa pagpindot mo." masigla niyang sagot sabay taas ng hawak niyang ballpen.
Napakunot naman yung noo ko nun.
"Seryoso ka? Para naman ata akong baliw nun." sabi ko. Baka pagtawanan lang nila ako pag ganun. Ayoko. Nakakahiya.
Nagkibit balikat lang si Jane tsaka pinagpatuloy yung pagsusulat niya.
Aigoo! Ang hirap naman pumili. Mamaya na yung audition pero wala pa rin akong naiisip na gagamitin kong kanta para mamaya.
"Wait lang..." biglang nagsalita si Jane at lumabas ng kwarto.
Nag-antay ako ng ilang minuto pero wala pa rin siya kaya tumalon-talon ako sa kama.
"Nakakainis! Bakit ba walang napasok sa isip ko?!" sabi ko sa sarili ko.
Talon pa ako ng talon. Para tuloy akong bata.
"What are you doing?"
"Ay palaka!"
*plakk!*
Napapikit ako habang inaantay kong magdikit ang pwetan ko at ng sahig. Naku for sure ang lakas ng impact niyan.
Pero parang ang tagal ko naman atang lumanding?
"Dumilat ka nga! Ilalaglag kita ng tuluyan." biglang sabi ni Ryle.
(-_∩) (∩_-) (O_O)
"H..hoy! Teka! B..bakit?--"
"Oh eto Shay makakapi--"
Sabay kaming napatingin ni Ryle sa pintuan.
"Porn! Porn! Waaa! My precious eyes! Pornnn!" sigaw ni Jane habang nakatakip ang mata.
Dali dali kaming umayos ng pwesto ni Ryle. Shet! Nakakahiya!
"Naku Jane! Nagkakamali ka! Wala kaming ginagawang masama!" sabi ko habang papalapit sa kanya.
"Hindi! Malinaw ang pagkakakita ko sa inyo! Malapit na kayong magki-" bago niya pa matuloy yung sasabihin niya, tinakpan ko na yung bibig niya.
"Jane tama na. Nakakahiya na." bulong ko sa kanya. Napalingon ako kay Ryle.
At napanguso ako dahil dun. Paano kasi! Umiiling-iling at tumatawa.
"Anong nakakatawa?!" galit kong tanong. Bwisit! Mang-aasar nanaman yan panigurado.
"Pfft. Para ka kasing kinoloran. HAHAHA!" tawa pa siya ng tawa.
'Ano?" anong pinagsasabi neto.
"Ang pula mo Shay." bulong sakin ni Jane.
Tumingin ako kay Ryle at tawa pa rin siya ng tawa. "Mabulunan ka sana sa kakatawa mo. Bwisit!" sabi ko sabay labas ng kwarto.
Pupunta na lang ako sa Grand Piano sa third floor. Narinig kong may piano daw dun e.
Pagpasok ko dun walang tao. Hayyy! Buti na lang. Makakahinga ako dito ng maluwag.
Umupo ako sa upuan ng piano at pumikit.
Unti unti kong pinindot yung mga keyboard sa piano.
"What would I do without your smart mouth?
Driving me and you kicking me out.
Got my head spinning, no kidding. I can pin you down.Cause all of me, loves all of you.
Love your course and all your edges.
All your perfect imperfection.Give your all to me. I give my all to you.
You're my end and my beginning.
Even when I lose im winning.Cause I give you all.. of me.
And you give me all.. of you. Oh~~""Ang galing mo namang kumanta." biglang may nagsalita sa likod ko habang pumapalakpak.
Waaa! Nakakahiya!
"Naku TJ kanina ka pa dyan?" bigla akong napatayo sa inuupuan ko.
"Di naman. Lunch tayo?" bigla niyang aya sa akin habang nakangiti.
Makakatanggi ba ako sa poging 'to?
--------------
Thanks for reading!
V O T E & C O M M E N T.
Be a Fan
--------------
BINABASA MO ANG
He's In Disguise
Teen FictionEveryone has a secret. Therefore, we have to keep it in ourselves. What if your secret reveal unexpectedly by yourself? What are you going to do, then?