Chapter 16: The Camp

21 2 0
                                    

Shanaia's P.O.V

"Woo. Ang lamig dito noh Jane?" sabi ko kay Jane habang niyayapos ko yung sarili ko.

Kaka-arrived lang namin dito sa Baguio at grabe! Ang ganda Super!! ♥

"Di pa nga tayo nakakatungtong sa labas, malamig agad?" sabi niya. Paano kasi pababa pa lang kami ng bus, ayan agad bungad ko sa kanya.

"Hehehe, Ano ka ba, kitang de-aircon yung bus e." palusot ko.

"Tch. Edi sana kanina mo pa sinabi nung bago pa lang tayo umalis." sagot niya.

"Aish! Tara na nga lang. Labas na tayo." sabi ko sa kanya. Kahit kailan talaga, hindi ko siya matalo-talo sa pakikipagsagutan.

Bago kami makalabas ng bus, napatingin ako kay Ryle na nag-iisa sa pangdalawahang upuan.

Haay! Napakaloner talaga niya. Kung bakit nagdi-disguise pa siya. Halos dalawang linggo na yung nakalipas pero hindi pa rin niya sinasabi sa akin kung bakit siya nagdi-disguise.

"Ano? Natitibo ka na kay Airyll?" sabi niya bigla ni Jane sa tabi ko.

"Huh?" 

"Makatitig." sabi niya tsaka tuluyan ng bumaba ng bus.

Nagkibit balikat na lang ako. Atsaka bumaba ng bus.

Bakit ba ganun na lang siya makareact kapag nahuhuli niya akong nakatingin kay Ryle?

Papasok na sana ako ng rest house namin ng biglang may humila ng kamay ko.

"Oh? Ryyy- Airyll?" sabi ko. Gezz! Muntikan ko nang masabi yung real name niya.

Hindi niya ako sinagot pero hila niya ako papuntang likod ng rest house.

 "Partner tayo sa room." sabi niya habang nalingon. Tinitignan niya siguro kung may taong nakakarinig sa amin.

"Huh? Hindi pwede. Lalaki ka diba? Bawal magsama ang girls sa boys." sabi ko.

Binatukan niya ako. "Tanga ka ba? Babae ako ngayon.Ako si Airyll ngayon diba?" sabi niya.

Okay. May kasama talagang batok.

"Oo nga noh? Pero kahit na.. ayy wait! Partner ko na si Jane." sabi ko.

"Pwede namang tatluhan tsaka wala akong kakilala." dahilan niya.

"Uhmm.. wala bang inassign sayo yung manager mo para sayo? Sa sariling mong room?" tanong ko. Diba dapat meron siya nun. Kailangan niya ng privacy kasi nga sikat siya. Eh bakit di siya inaasikaso ng manager niya? 

"Wag na nga lang." sabi niya tsaka lumakad na paalis.

"Uyy hindi. Joke lang. Saan mo ba gusto humiga? Sa kaliwa o kanan? Tara!" habol ko sa kanya tsaka kumapit ako sa braso niya.

"Tch. Papayag din pala. Ang arte mo noh?" sabi niya ng walang emosyon yung mukha niya.

Sasagot na sana ako ng inunahan niya ako.

"Nga pala. Huwag ka masyadong dumikit sa akin. Baka mainlove ka." sabi niya ng nakangisi.

Tinanggal ko naman agad yung pagkaka-kapit ko sa braso niya. Aigoo!

"Grabe. Humangin bigla noh? Naramdaman mo?" tanong ko tsaka nauna ng maglakad.

Tch. Ang yabang talaga niya. Bukod sa bipolar siya, ang yabang yabang pa.

Binalibag ko yung pintuan ng kwarto.

"Makikiroom daw si Airyll dito. Asikasuhin mo na lang yung pipeng yun." sabi ko kay Jane tsaka pumasok sa C.R

Jane's P.O.V

Nakakagulat naman yung si Shanaia. Pero mas kinagulat ko yung sinabi niya.

'Makikiroom daw si Airyll dito. Asikasuhin mo na lang yung pipeng yun.'

.

.

.

.

Paano niya nalaman na gustong makiroom ni Airyll eh samantalang di siya nakikipagusap kanino man?

----------------------------

Thanks for Reading! ♥

VOTE & COMMENT.

--------------------------

He's In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon