Chapter 25: Electric Current

18 1 0
                                    

Shanaia's P.O.V

"Uy girl pinost na daw yung results nung audition kahapon."

"Talaga? Naku for sure unti lang yung pasok dun. Ang papangit kasi ng talent ng iba." rinig kong sabi ng dalawang babae habang naglalakad palayo.

Yinugyog ko kaagad si Jane. "Samahan mo ko Jane! Tignan natin!" Sabi ko habang tuwang tuwa.

"Shay titignan palang. Sa reaksyon mong yan akala mo pasok ka na e. Tsaka magdidilim na." Sabi ni Jane ng walang kaemo-emosyon ang mukha.

"Tignan na natin!" Hila ko sa kanya.

Habang papunta kami dun nasalubong namin si TJ.

"Congrats Shanaia!" Pangunguna niya.

Eh?

"Huh? Saan naman?" Nakalimutan ko tuloy ang sasabihin ko sa kanya.

"Baka sa audition Shay?" Sarcastic na sabi ni Jane.

Audition? Ah oo!

"Weh? Pasok ako?! Talaga? Tara Jane tignan natin!" Excited kong sabi. Nanlaki naman ang mata ni TJ bigla.

"Ah eh.. wag mo na tignan. Pasok ka na naman e. Tsaka tatanggalin na daw yun agad. B..baka di mo na abutan." Pagpipigil ni TJ.

Napakunot naman noo ko.

"Ganun ba? Eh sabi kakapaskil lang daw. Tara Jane baka maabutan pa natin." Yaya ko ulit.

"Hindi wag! Basta pasok ka. Gutom na kayo? Libre ko, tara." Pagiiba niya. Libre daw?

"Sige sige!" Masigla kong sabi.

----

Airyll/Ryle's P.O.V

Tch. Nasaan kaya si Shanaia. Nakita na kaya niya yung result ng audition kahapon?

Napatingin ulit ako sa nakapaskil.

Results Of Pre-Audition
October 14,20--
10 Lucky Students

1. Bea Bartolome - 94.08
2. Khristine Lee - 92.63
3. Bryan Bermeda - 90.11
4. Faith Santos - 88.01
5. Calix Jacobe - 87
6. Abie Chua - 85.94
7. Jade Gonzales - 85.34
8. Diana Estrada - 82.99
9. Mariane Magay - 81
10. Shanaia Martina - 80.25

Sana di na lang nila pinasok si Shanaia kung gagawin lang din siyang last.

Maganda naman ang performance niya kumpara sa iba ah.

Masasaktan yung babaeng yun kapag malaman niya 'to.

Napadaan ako sa Cafeteria ng doorm at saktong napatingin ako sa unang table.

Tch. Daig pa nila ang nasa reunion ah.

Umorder ako at umupo sa pinakadulong table. Mula rito tanaw na tanaw ko ang bawat kilos nila Shanaia.

Maya maya pa tumayo si TJ at parang nagpaalam. Natahimik naman saglit yung table nila. Si Shanaia at Jane na lang ang nasa table ngayon.

Biglang may lumapit sa table nila na dalawang babae. Maya maya lang biglang tumayo si Jane. Tinignan ko si Shanaia at nakayuko lang siya.

Tatayo na sana ako para pigilan sila kaso naalala ko na naka-Airyll pala ako kaya umupo na lang ulit ako.

Bwisit! Ang hirap magpanggap.

Pagtingin ko sa table nila, saktong tumayo si Shanaia at tumakbo palayo dun, kaya naman napatayo din ako at sinundan siya.

Nakarating kami sa pool area. Nagtago agad ako sa puno.

Biglang may lumapit kay Shay na babae pagkatapos nun nakarinig ako ng ingay galing sa tubig at umalis na yung babae.

Inalis ko yung coat ko at saka lumusong sa tubig.

"Okay ka lang, Shay?" Iniupo ko siya sa gilid pagkatapos ko siyang iahon sa tubig.

Di siya sumagot pero unti unti siyang yumuko.

"Ang.. lamig pala ng... tubig. Hehehe."

Tinitigan ko lang siya.

"Tinry ko lang... kung malamig." Pahabol pa niya.

Maya maya bigla na siyang humikbi.

"Bakit ganun sila sa akin? Hindi.. hindi ko naman sila kilala ah... ni hindi nga nila ako kilala.. Ano bang problema nila sa pag... paglapit ko kay TJ?" Kahit na hirap na hirap sa pagsasalita nasabi pa rin niya yung gusto niyang sabihin.

Naawa ako sa itsura niya kaya yinakap ko siya. "Shhh.. pabayaan mo na sila. Naiinggit lang yan sila sayo." Sabi ko habang hinihimas ang likuran niya.

"Bwisit naman Ryle eh! Bakit ka ba nangyayakap? Kitang nageemote ako dito eh." Sabi pa niya kaya napangiti na lang ako.

Baliw talaga ︶︿︶

Third Person's P.O.V

Habang magkayakap ang dalawa, sa di kalayuan ay may kumukuha ng litrato sa kanila.

"Ano ka ngayon, Shanaia? May bago ka nanamang iiyakan."

Pagkatapos ay ngusimisi siya at ipinagpatuloy ang pagkuha ng litrato.

--------------

Thanks for reading!

V O T E & C O M M E N T.

Be a Fan

--------------

He's In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon