Shanaia's P.O.V
Lumabas na ako sa C.R at sakto namang pumasok si Airyll sa room.
Napatingin naman ako kay Jane na gulat na gulat ngayon.
"Oy, Jane. Anong nangyari sayo?" kinalabit ko siya.
Nabalik naman siya sa sarili niya at umiling-iling. "Wala wala! Uh.. Hi Airyll! Saan ka? Kanan o kaliwa?" tanong ni Jane at tinuro yung dalawang kama.
Hindi naman siya pinansin ni Airyll at dumiretso na kama na nasa kanan.
"Ahh.. hehe. Okay dyan ka na lang sa kanan. hehehe." sabi ni Jane atsaka lumabas ng room.
Pagkalabas niya tinanong ko si Airyll.
"Ginawa mo dun?" sabi ko. Nagkibit balikat si Airyll.
"Kakapasok ko lang diba?" sagot niya. Nagkibit balikat na lang din ako.
"Weird." nasabi ko na lang tsaka dumiretso sa kaliwang kama.
Jane's P.O.V
Di naman niya ako kinausap. Lumabas ako ng room at tumayo sa harap ng pinto. Idinikit ko kaunti yung tenga ko.
"Kakapasok ko lang diba?"
Teka? Bakit.. bakit boses ng lalaki?
Papasok na sana ulit ako ng biglang gumagalaw yung door knob.
Sa sobrang taranta ko, inilabas ko yung phone ko at naglakad palayo unti sa pinto at umarteng may kinakausap sa phone.
"Oh? Talaga? Ano daw nangyari?" sabi ko habang inaantay kung sino yung dadaan sa harap ko. Nakaside view kasi ako sa hallway.
"Hahaha! Osige. Grabe ha! D..dadaan na lang ako d..dyan." pagkukunyari ko habang pinagmamasdang dumaan sa harap ko ang isang lalaking nakacivilian??!
Nakatitig pa rin ako sa likod niya hanggang sa lumiko na siya.
Dali dali akong pumasok sa room namin.
Pagkabukas ko nang pinto bumungad sa akin si Shanaia na nakahilata sa kama.
"Diba mga babae lang ang nasa floor na to?" tinanong ko siya.
"Oo bakit?" sabi niya habang kinakalikot yung phone niya.
"Ahh.. eh bakit may lalaking dumaan kanina sa hallway bago ako pumasok dito?" tanong ko ulit. Nakakapagtaka kasi e.
"Jane, mukha bang nasa labas ako nung nasa labas ka?" tanong niya.
"Tch. Hindi. Nga pala nasaan si Airyll?" pag iiba ko.
"Lumabas." sabi niya...
"Lumabas?!" tanong ko ulit. Eh hindi naman ako nalayo sa pinto ah. Kung lumabas siya edi sana nakita ko.
"What's the big deal, Jane? Bawal na bang lumabas?" tanong niya na may pagkairita na sa tono ng boses niya.
"Are you serious? Eh andyan lang naman ako sa hallway may kausap sa phone. Eh kung lumabas siya edi sana nakita ko?!! Hindi naman siguro siya yung lalaki na nakasalubong ko sa hallway?! Right?" halos pasigaw ko na ring sabi.
Bigla namang napatayo si Shanaia sa pagkakahiga niya at tumakbo palabas.
Wait!? Di naman siguro yun si Airyll eh lalaki yung nakasalubong ko. Eh kanino yung boses na lalaki kanina sa loob? Aish!!!! Nakakainis!
Kailangan kong matuklasan kung ano man ang tinatago nila sa akin.
——————————————
Thanks for reading!
V O T E & C O M M E N T.
Be a Fan <3
——————————————
BINABASA MO ANG
He's In Disguise
Teen FictionEveryone has a secret. Therefore, we have to keep it in ourselves. What if your secret reveal unexpectedly by yourself? What are you going to do, then?