Shanaia's P.O.V
"All students! Check your things and be ready! We will leave in 10 minutes!" Paalala ni Maam.
Nandito kami ngayon sa waiting area kung saan hihinto ang sasakyan naming bus mamaya.
Yung ibang students sinunod yung sinabi ni Maam pero ako, kinakabahan.
Bakit? Kasi nga yung plano namin ni Jane na pag amin ko kay Ryle, gagawin ko yun KINABUKASAN!
Hindi ako OA ah, pero kasi. Diba dapat lalaki ang umamin? Pero ayun, heto ako at kinakabahan para sa mangyayari bukas.
"Kailangan mo ng CR, Shay?" Biglang tanong sa akin ni Jane.
Napatingin naman ako sa kanya. "Mukha kang natatae." Dugtong pa niya.
Hinila ko si Jane malayo layo sa lugar namin kanina.
"Kinakabahan ako Jane." Bulong ko habang paulit ulit kong hinihimas yung mga kamay ko.
"Wag ka nga! Daig mo pa nyan ang magrerecite sa harap ni Sir Monterror." Pabiro niyang sabi.
"Eeeeh kasi naman. Wag na lang kaya natin ituloy?"
"At ano? Itatago mo na lang yang feelings mo hanggang sa may iba na si Ryle? Hindi pwedeng ganun! Ipaglaban mo kung ano ang nararamdaman mo!" Napatitig naman ako kay Jane habang hawak hawak niya pa ang dibdib niya.
"Shete! I sounded like an old Filipino Movies." Sabi niya pa at tumawa.
Tss. Baliw talaga.
"Ehem!" Napalingon naman ako sa likuran ko.
"Nandyan na yung bus. Ayaw niyo naman sigurong maiwan." Pabulong na sabi ni Ryle na naka-Airyll ngayon.
"K..kanina pa dyan?" Shems! Baka narinig niya yung usapan namin.
Nakita ko naman na napatingin si Ryle sa likod ko, kay Jane at tsaka nagsalita, "Hindi. Kararating ko lang." Tsaka siya naglakad palayo.
Napansin ko naman na panay ang pagtawa ni Jane na mahina.
"Mukha kang makina na hindi maandar andar." Pang-aasar ko sa kanya.
"Ikaw, mukha ka namang in-anesthesia ng doctor." Sabi niya tsaka kumindat at naglakad na pabalik.
"Ha?" Tanong ko sa sarili ko.
-----
"Mmm! Dito ka Shay!" Sigaw ni Jane habang nakataas ang kamay at may laman ang bibig.
Kakaakyat ko lang kasi sa bus at siya agad ang bumungad na boses sa akin.
"Grabe Jane, di pa nga umaandar yung bus kumakain ka na agad?" Pangaasar ko tsaka umupo sa tabi niya, katabi niya kasi yung bintana.
Nagkibit balikat lang siya tsaka pinagpatuloy yung pagkain.
"Nga pala nasaan si--"
"Yung loves mo?" Pagpapatuloy ni Jane. Bwisit talaga 'tong babaeng 'to.
Kinurot ko ng bahagya yung tagiliran niya. "Baka may makarinig sayo." Bulong ko.
Tumango tango naman siya, "Magkatabi sila ni TJ."
Umismid na lang ako at umayos ng upo.
"Ok class, we're gonna leave this place and go back to our school so let's enjoy our ride, ok?" Anunsyo ni Maam tsaka umandar yung bus.
Bumuntong hininga ako at napapikit. Mahaba habang byahe din 'to.
Narinig kong bumulong si Jane. "Enjoy our ride?" Tapos nanahimik.
"Mmm. Airyll! Exchange seat tayo! Nangangalay na ako eh!" Napapitlag naman ako nung sabihin-- wait, sumigaw si Jane sa gitna ng katahimikan sa loob ng bus.
"JANE!" Hinampas ko yung hita niya.
Tumingin naman sa akin si Jane na akala mo inosente. "Bakit?" Tsaka siya tumayo at nakita ko pang nakangisi siya bago lumakad sa upuan nila Ryle.
Di ako lumingon. Shems! Mababatukan ko talaga si Jane pagkababa namin dito.
"Bilis na Airyll. Uupo lang naman katabi si Shay eh. Tayo na dyan." Narinig ko pang sinasabi ni Jane 'yon.
Wag kang papayag Ryle.
Wag kang papayag.
Wag kang papayag.
Habang nagdadasal ako, biglang may sumanggi sa tuhod ko.
Pag-angat ko ng tingin, leche. No use yung pagpe-pray ko.
Umusog na lang ako padulo at pumikit.
Bwisit ka Jane! Bwisit ka ╰_╯
Nagayos ako ng upo. Matutulog na lang ako.
Pagkalikit ko biglang may naglagay ng kung ano sa tenga ko at kasunod nun ay ang pagtugtog ng malumanay na kanta.
Napatingin ako kay Ryle at nakapikit na siya kaya naman pumikit na din ako.
--------------
Thanks for reading!
V O T E & C O M M E N T.
Be a Fan
--------------
BINABASA MO ANG
He's In Disguise
Teen FictionEveryone has a secret. Therefore, we have to keep it in ourselves. What if your secret reveal unexpectedly by yourself? What are you going to do, then?