Chapter 12: Gulo

51 2 0
                                    

Chapter 12

Her P.O.V

Naguguluhan pa rin talaga ako sa nakita at nalaman ko.

Paanong? Si Airyll, may wig tapos yung picture ng kapatid niya, ay di pa pala ako sure dun at yung aksidenteng nahawakan ko yung dibdib niya na unfortunately wala akong naramdaman.

Di kaya kalbo siya kaya may wig siya? Tsaka siguro flat chested lang siya? Pero, paano naman yung sa pagkabog ng puso ko nung nagkadikit kami ni Airyll?

Aish! Magdamag na akong nagiisip about kay Airyll. Tama nga si Jane, napakamisteryoso ni Airyll.

Pasimple akong lumabas ng Dorm. Hatinggabi na kasi at may curfew nga kami.

Pumunta ako dun sa gilid ng gate at yinakap ko yung sarili ko. Ang lamig na kasi dito ngayon.

Halos mga sampung minuto na aang nakalipas at hindi pa rin bumabalik si Airyll.

Napalingon ako bigla dahil may mga narinig akong boses.

"Aish! Akala ko naman si Airyll na." sabi ko sa sarili ko.

"Oy miss beautiful. Gabi na ah. May inaantay ka ba? Tara sasamahan ka namin." sabi ng manong na lasing. Pwe, ang babaho ng hininga nila.

"Oo nga miss." pagsang-ayon naman ng kasama niya.

"Uhmm, ano kasi ... actually wala na pala akong inaan-- AHHH! ANO BA?!" sigaw ko. Bigla ba kasi akong hawakan sa braso ko.

"Sumama ka na sa amin." sabi ni manong.

"Ayoko nga! Ang papanget niyo!" sigaw ko sa kanilang dalawa.

"Sumama ka na kasi." pagpupumilit pa ng isa.

"Ayoko sabi eh! Tsaka ang babaho pa ng hini--" 

Naramdaman kong wala nang nakahawak sa braso ko kaya napadilat ako.

Nakita ko yung dalawang lasing na nakahiga na sa kalye at isang lalaki na nakaleather na black jacket.

"Wait! S..salamat!" sigaw ko sa kanya. Lumalakad na kasi siya palayo.

Itinaas lang niya yung kamay niya at biglang huminto. Sumide view siya sa akin.

"Di siya dadating kaya wag mo na siyang hintayin." sabi niya tsaka lumakad palayo.

Ano yung tinutukoy niya? Wait! Diba hinihintay ko si Airyll? Bakit, teka.. Bakit alam niya na may hinihintay ako? Aish! Ang Gulo letche.

"Wait! Sino ka?" pahabol kong sabi sa kanya pero patuloy pa din siya.

Aish! Nagpapa-padyak ako.

"Nakakainis naman eh! Bakit ba ang gugulo nila?!" sabi ko sa sarili ko tsaka pumasok nasa loob.

Kakausapin ko na lang bukas si Airyll tungkol sa nakita't nalaman ko ngayong gabi-- wait! Eh hindi naman nagsasalita si Airyll eh. Well, napakamisteryoso nga niya talaga.

Goodluck na lang sa akin bukas kung makikipagusap siya.

School Ground

"Shay, ano sa tingin mo?"

"Huh?" sabi ko.

"Naman eh! Kanina pa ako nagsasalita dito, eh di ka pala nakikinig!" reklamo nito ni Jane.

Eh kasi naman, andito kami ngayon sa open field at may ikukwento daw siya. Malay ko ba na hihingin niya yung opinyon ko.

"Hehehe. Ano nga ulit tanong mo?" tanong ko ng nakangiti.

"Tss. Sabi ko anong dapat ko---"

"AIRYLLL!" sigaw ko mula sa likod ni Jane.

"Wait lang!" sigaw ko kay Airyll tapos tumingin ako kay Jane.

"Sorry Jane. Kakausapin ko lang saglit si Airyll ah. Sorry talaga." sabi ko tsaka tumakbo papunta kay Airyll.

"Wait lang, Airyll!" sabi ko. Nagpatuloy kasi siya sa paglalakad.

Humarang ako sa harap niya.

He's In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon