Shanaia's P.O.V
Tumakbo agad ako palabas at hinanap ng paningin ko si Ryle.
Maggagabi pa lang at sigurado akong mahahanap ko kaagad siya.
Tumakbo ako papuntang living room. Nakita ko naman yung mga kaklase ko doon.
"Nakita niyo si R--" naputol yung sasabihin ko. Ang Tanga ko! Muntikan ko nang masabi yung pangalan ni Ryle. Eh kung si Airyll naman ang sasabihin ko talagang hindi nila makikita kasi nakapanglalaki siya.
Nakita kong nagaantay sila ng sasabihin ko.
Napangiwi na lang ako at umiling iling. "Uh.. May pusa dito. Nakita niyo na ba?" pagiiba ko.
Nagsibalikan naman sila sa mga ginagawa nila.
Hoo! Muntik na yun ﹋o﹋
Tumalikod na lang ulit ako at umakyat papuntang baba. De sa Rooftop talaga. Feel ko kasi andun si Ryle e.
At tama nga ako. Andun siya at nakaharap sa papalubog na araw.
"Ryle!" gulat ko sa kanya sabay hawak sa magkabilang balikat niya.
"Oh f*ck!"
"Hala nagmura ka. Bad yun!" sabi ko sa kanya at tumabi na rin sa pwesto niya.
"Bakit mo ba kasi ako ginulat? At tsaka bakit ka nandito?" tanong niya. Ang sama ng tingin niya sa akin. HAHAHA!
"Trip kong gulatin ka e. Tsaka bakit? Ikaw ba may-ari neto." sabi ko tsaka naglakad pa papalapit sa railings ng rooftop. May takot ako sa mga heights kaya di ako gaanong pumunta sa dulo.
"Tch." sabi niya tsaka nanahimik kami.
"Halaaaa!"
"Baklang pusa! Waaaa! Rylee! Bwisit ka pag ako binitawan mo! Waaaa! Ryleee!!" paano ba naman kasi hawak ako ni Ryle sa magkabilang braso ko at yung katawan ko kalahati na lang ang sakop sa inaapakan namin.
"Waaa! Ryle, parang awa mo na! Ibalik mo na ako!!" pagmamakaawa ko. Bwisit! Naiiyak na ako. Third floor kasi tong rest house.
Ibinalik naman kaagad ako ni Ryle at biglang nanlambot yung mga tuhod ko kaya napaupo agad ako sa sahig.
Napayuko na lang ako tsaka nagsimula nang tumulo yung luha ko.
Bwisit! Akala ko talaga mamamatay na ako.
"Huy. Tumayo ka nga dyan." sabi ni Ryle tsaka ginalaw yung paa niya.
Naramdaman niya sigurong umiiyak ako kaya lumuhod siya.
"T..teka. Bakit ka um..iiyak?" tanong niya. Tanga ba siya?
"Ikaw k..kasi e! Tata..nong tanong ka p..pa!" sigaw ko sa kanya habang nahihirapan akong huminga.
Kinapa ko sa bulsa ko yung inhaler. Mas lalo akong naiyak ng wala akong nakapa.
"Uy anong nangyayari sayo?" aligagang tanong niya.
"Huff.. Ryle.. in.inhaler. huff! Pa..pakuha.. s.sa bag." nahihirapan na akong huminga. Tumingin ako sa kanya.
Biglang nanlaki yung mata niya tsaka tumakbo pababa.
Ipinikit ko na lang yung mata ko habang inaantay ko siya bumalik.
Ang tagal niya.Napahawak ako sa dibdib ko tsaka iminulat ko mata ko. Shemay! Nanlalabo na rin paningin ko.
Naramdaman ko namang may dumating. Si Ryle.
Dali dali niyang itinapat sa akin yung inhaler ko.
Makalipas siguro ng tatlong minuto, normal na ulit yung paghinga ko.
Napatingin ako kay Ryle, bigla naman siyang yumuko.
"S.sorry. Di ko naman alam na magkakaganyan." sabi niya.
"Bakit mo ba kasi ako ginawa yun?" inaantay ko yung sasabihin niya ng biglang dumating yung isa naming classmate.
——————————————
Thanks for reading!
V O T E & C O M M E N T.
Be a Fan <3
——————————————
BINABASA MO ANG
He's In Disguise
Teen FictionEveryone has a secret. Therefore, we have to keep it in ourselves. What if your secret reveal unexpectedly by yourself? What are you going to do, then?