Shanaia's P.O.V
Papasok na kami ng room ni Airyll ng biglang humarang si TJ.
"Good Morning Airyll!" bati nito sa kanya at lumingon naman si TJ sa akin.
"Good Morning din sayo, Shane." sabi niya sa akin. Shane?
"Shanaia hindi Shane." pagtatama ko. Nakakainis! Crush ko pa naman din siya tapos di niya natandaan yung pangalan ko.
Naglakad na ako pero bumalik ulit kasi nakalimutan ko si Ryle este-- Airyll na hilain. Baka kung anong gawin ni TJ e.
Ngumiti lang sa akin si Airyll ng makaupo kami sa assigned seats namin.
Ngumiti din ako ng bigla akong sikuhin ni Jane.
"Aray! Bakit ba?" irita kong tanong.
"Ano yan ha? May pangiti ngiti na kayo Airyll. Kayo na siguro magbestfriend noh." sabi niya sa akin. Aish! Di pa pala niya alam yung tungkol kay Ryle. Sasabihin ko ba o hindi?
*plakk!*
Bigla namang may sumipa sa upuan ko. Lumingon ako at si Ryle agad ang nakita ko. Malamang, siya lang naman ang tao sa likod e.
Sinamaan niya ako ng tingin at sa tingin ko sinasagot na niya yung tanong ko.
Lumingon ako kay Jane at ngumisi.
'Ahh. Hehehe. Ano ka ba! Syempre hindi noh. Masama na ba magngitian ngayon?" sabi ko habang umaayos ng upo.
"Hindi." sagot niya at yumuko. Hala! Masyado ko ata syang nadissapoint.
Magsasalita na sana ako ng dumating si Maam.
"Okay. Listen class! Im here just to know the people who want to join in our camping in Baguio..." panimula ni Maam at nagsitaasan naman yung iba kong classmates.
"Okay. Just write your names here and pass it to the other. At this moment, pinopost na ng mga Faculty Members ang info about our camping sa Bulletin board and sa mga sasama tignan niyo na lang later, okay?" sabi ni Maam.
Tumaas ng kamay si Jane.
"What are the purpose for joining that camping, maam?" tanong ni Jane. Tumango tango naman si maam.
"Thw Purpose? Wee, let's say na pwede niyong ilabas ang tinatago niyo that day! Okay. Di ko dapat sasabihin ito sa inyo kaso may nagtanong..." sabi ni maam at tumingin kay Jane.
"What do you mean, maam?" naguguluhan na tanong ni TJ. Okay, ako din naguguluhan e.
"I mean, magkakaroon ng free audition on that day. Para itrain at ilaban para sa mga iba't-ibang programs this year or on next year. So, chance niyo na rin yan para sa mga may itinatagong talent!" masiglang saad ni maam. This time, ako naman ang nagtaas.
"Yes, iha?"
"Any talents po ba yan?" tanong ko. Geez. Baka dito na ako madiscover! ^___^
"As far as I know, yes! Syempre andun na ang dancing and singing. Just check the info out there para makasigurado tayo." sagot ni maam. Ok, inabot na sa akin yung paper.
Sasama ba ako? SYEMPRE NAMAN NOH! Shunga na lang ang di sasama or baka naman walang talent ang di sasama? XD hahaha!
"Hoy! Magsusulat ka lang hindi yung tititigan mo." sita sa akin ni Jane. Tch! Ngumiti na lang ako at isinulat ang 'Shanaia' sa papel.
Inabot ko na kay Jane at tinanong ko siya.
"Sasama ka? Ano talent mo?" sabi ko na may pagkaexcited.
"Psh. Sasama ako dahil sa camping, di para sa Auditions." sabi niya sabay sulat sa name niya at pasa sa likuran.
Okay -_______- Meron ata siya ngayon. Wag na nating gambalain pa.
Natapos na rin ang pagsusulat ng name at binigay na kay maam ang papel. Tinignan naman ni maam yung papel na parang chinecheck.
"Who's Shanaia?" tanong niya sabay alis ng tingin sa papel.
Kinabahan naman ako nun bugla at syempre tumaas ako ng kamay.
"Ako po." sabi ko. Tumango-tango si maam.
"Why you didn't write you last name here?" sabi niya sabay abot ng papel sa akin.
"Is it needed maam?" tanong ko pabalik. Tumango ulit si maam.
"Yes, miss. Next time be sure na kasama na ang last name mo. Understood?" tanong niya kaya naman tumango tango na lang ako. Tch. Akala ko naman kung ano.
Binigay ko na rin kay maam yung papel matapos kong isulat yung last name ko.
---------------------------------------------
THANKS FOR READING! ♥♥
V O T E & C O M M E N T.
Be a Fan <3
-----------------------------------------------
BINABASA MO ANG
He's In Disguise
Genç KurguEveryone has a secret. Therefore, we have to keep it in ourselves. What if your secret reveal unexpectedly by yourself? What are you going to do, then?