Chapter 19: Phew!

16 1 0
                                    

Shanaia's P.O.V

"Uhhm.. Shanaia?" tawag sa akin ng classmate namin na si Apple kaya naman kinabahan ako.

"Dinner na sa baba. Kanina ka pa namin hinahanap tsaka si Airyll. Teka, nakita mo ba yun? Kanina pa siya wala e." dagdag niya. Nakadungaw lang siya sa may pintuan.

Napatingin ako saglit kay Ryle. Nakatalikod kasi siya sa pintuan ng rooftop. Kagaya ko, medyo kabado din siya.

"Uh.. Sige susunod na ako. Tsaka si Airyll? Di ko pa siya nakikita simula nung lumabas ako ng room e. Baka naman nagikot-ikot lang. A.alam mo naman yun.. hehehe." sabi ko tsaka tumingin kay Ryle.

"Ok. Bumaba na kayo ah tsaka teka, sino ba yan?" tanong niya tsaka lalapit sana kaya napatayo ako at tumayo na din si Ryle pero nakaharap pa rin sa akin.

"Ah.. siya? Si.. schoolmate. Ah oo. Schoolmate natin siya. Taga-section 3 siya e." waaa! sana maniwala siya.

"Oh. Ok sige. Ngayon ko lang ata siya nakita. Patingin ako ng mukha niya!" masaya niyang sabi.

Lumaki mata ko sa sinabi niya. Nilingon ko si Ryle at lumaki din mata niya.

Shete! Bakit ba ang kulit ng lahi netong classmate namin.

Lumapit ako sa kanya. "Naku, wag na! Tara, bumaba na tayo. Problemado kasi yan e." palusot ko tsaka hinila ko na siya pababa.

Pagkadating namin sa dining area. Naghahanda na sila. Ako naman umupo na.

Napatingin sa akin si Jane. "Shay umiyak ka ba?" tanong niya.

Nagulat ako sa tanong niya. Halata niya agad? Eh si Apple nga di nahalata kanina e.

"Uh.. muntikan kasi akong malaglag kanina sa Rooftop eh buti na lang.."

"Niligtas ka nung taga-section 3? Gosh!" singit naman ni Apple sa usapan namin. Pinagigitnaan kasi nila ako e.

"Uh.. Oo, ganun na nga." sagot ko.

"Sinong taga-section 3? Diba sa kabilang Rest house sila?" tanong ni Jane. Ay! Oo nga noh? Paano ba ilulusot ko..

"Uhmm. Oo sa kabila sila. Nagulat nga ako pag-akyat ko dun may tao e. Ayun, nagkausap kami." sabi ko.

"Ano naman pinagusapan niyo?" tanong ulit ni Apple. Ano ba yan!

"Uh.."

"Ok. Magdadasal na tayo kaya Apple. Wag nang madaldal." singit bigla nung president namin.

Phew! Buti na lang.  ̄﹏ ̄

Jane's P.O.V

Pagkatapos ng dinner namin tumambay muna ako saglit sa sala. May kailangan akong malaman e.

Maya maya din nagsiupuan na sila Apple at yung iba kong mga classmate. Dito rin siguro muna sila tatambay.

"Uhh. Nandito ba kayo kanina bago tayo nagdinner?" panimula ko.

"Yup. Nandito lang kami nun, nagbubuklat ng keme keme." sagot ni Lia.

Tumango tango ako. "Eh kung ganun, nakita niyong dumaan dito yung taga-section 3?" tanong ko. Para makasigurado lang ako kung totoo yung sinasabi ni Shay.

Napatingin naman sila sa akin. "Huh? Wala naman kaming nakita na may dumaang taga ibang section e." sagot ni Ivonne.

Napaisip ako dun. Tama nga ang hinala ko.

"Actually Jane, yan din yung ipinagtataka ko kanina pa e." singit bigla ni Apple.

Napatingin ako sa kanya at sumenyas naman siya na sa labas niya sasabihin.

——————————————

Thanks for reading!

V O T E & C O M M E N T.

Be a Fan <3

——————————————

He's In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon