Chapter 23: SHaY

26 1 0
                                    

Shanaia's P.O.V

Naglakad-lakad kami ni TJ. Pupunta daw kami sa isang resto na walking distance lang dito sa Rest House na tinutuluyan namin.

"Oo nga pala. Bakit mo ako niyaya kumain? Teka! Magde-date tayo?" bigla kong tanong sa kanya.

Kyaaaah! Another moment 'to kung ganun. Una yung sa nabangga ko siya tapos baka eto na yung pangalawa. ﹋o﹋

Bigla siyang tumawa ng bahagya at ginulo yung bangs ko.

"Hmm. Parang ganun na nga." bigla siyang umakbay sa akin.

Umakbay? Oo umakbay nga.

"Bakit ka umakbay?!"

Nagulat naman siya sa tanong ko kaya bigla niyang itinaas yung mga kamay niya.

"S..sorry. Bawal ba?" nakataas pa rin yung mga kamay niya.

"Anong bawal?" inilahad ko pa ng kaunti yung likod ko sa kanya.

"Pwedeng pwede!" masigla kong sabi habang nakangisi.

Shems! Shay, wala kang hiya! Wala ka dapat ikahiya. Another moment 'to kaya dapat feel na feel.

"HAHAHAHA. Ang kulit mo pala? Siguro ang saya mo kasama?" tanong niya at tuluyan ng umakbay sa akin.

Ayan na. Yung sinasabi nilang kuryente. I feel it na! ≧﹏≦

"Uhh. Oo! Sabi nila masaya daw ako kasama. Ikaw kasi eh! Di mo ako pinapansin sa room kaya di mo pa ako gaano kilala." sabi ko sa kanya. Pinagpatuloy na namin yung paglalakad.

"Ganun ba? Pasensya na. Actually kaya nga kita yinaya ngayon is para makilala kita ng mabuti." sabi niya. Napahinto naman ako dahil sa narinig ko.

"Di nga? Ikaw na sikat sa school at iniidolo ng lahat?" tanong ko. Grabe yun kung ganun ah. Ang swerte ko naman.

Tumango siya. "Oo nga takbuhin na natin. Nagugutom na ako eh." walang anu-ano ay bigla niyang hinawakan yung kamay ko at tumakbo siya kaya nadala na niya rin ako.

Shems! Hinawakan niya ulit yung kamay ko. HHWR (Holding Hands While Running) ♥

Nakatingin lang ako kay TJ habang tumatakbo kami. Alam niyo yung slow motion? Ayun kami ngayon eh.

*Beep! Beep!*

"Baklang aso!" ano ba yan. Ang ganda na ng view ko eh.

Napahinto kami ni TJ at lumingon sa likod namin. Pababa na kasi yung kotse at one way lang 'tong daan dito.

Napakunot naman yung noo ko dahil sa nakita ko.

Sa loob ng kotse andun yung manager ni Ryle at syempre si Ryle.

"Si Airyll ba 'yon?" sabi ni TJ habang sinisilip yung kotse mula rito.

Napangiwi ako sa ginawa bigla ni TJ. Bigla ba kasing kumaway-kaway kahit na hindi nalingon si Ryle.

Naku, kung alam lang ni TJ na lalaki ang Airyll na gusto niya. Tsk tsk.

"Tara na TJ. Nagugutom na tayo diba?" bigla kong sabi. Shems! Nakakahiya.

"Ay. Oo nga pala! Tara na." sabi niya tsaka pumasok na kami sa resto.

--

"Uh.. What do you like?" tanong niya nang iabot sa amin yung menu.

Napataas kaunti yung kilay ko. Nakakaimbyerna to si TJ, eh kitang kaaabot lang ng menu tanong agad siya ng gusto ko?

Pero syempre di ko sinabi yung nasa isip ko.

"Uhh.. yung Shio Butter Corn na lang tsaka Mix Tempura." Sinabi ko na lang yung unang dalawa kong nakita.

"Drinks?"

"Ahm.. ikaw na bahala." ngumiti ko tsaka nilibot ko yung paningin ko sa resto. Japanese Resto pala to kung hindi pa obvious sa in-order ko.

Umalis na yung waitress kasabay nun nang pagsisimula ni TJ ng usapan.

"So, why did you move in our school?" seriously? Ang tagal na nung nagtransfer ako dito. Almost 5 months na din.

"Uhh.. gusto ko talaga kasi dito mag-aral simula bata pa lang ako. Lagi ko ngang ina-abangan sa TV kapag napu-feature yung school natin e. Kaso dumating yung araw.." napahinto ako saglit at napabuntong hininga.

"Yung araw na papasok na sana ako sa school na gusto ko nang sabihin sa akin ni Mama yung tungkol sa sakit ko." Naramdaman kong nabigla si TJ pero di siya nagsalita kaya naman pinagpatuloy ko yung pagkwento ko.

"Isa akong survivor mula sa sakit na leukemia. Nung nalaman ko yung tungkol sa sakit ko, nagsimula na akong tumira sa ospital." Napabuntong hinanga ako at umayos ng upo.

"Ahh. Tama na nga. Ayun na yung order natin." Pagiiba ko habang nakaturo sa papalapit na naming order.

Samantalang si TJ naman nakatitig lang sa akin.

Kaso di ko ma-absorb yung mga titig niya dahil sa kwento ko. Nakakainis lang. Wala akong maramdaman na kilig mula sa pagkakatitig niya, kundi awa at lungkot.

--------------

Thanks for reading!

V O T E & C O M M E N T.

Be a Fan

--------------

He's In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon