Chapter 6: FLASHBACK!*

46 4 0
                                    

Chapter 6

Third Person's P.O.V


~~Geomjeong geurimja nae ane kkae eona

Neol boneun du nune bul kkochi nuntteo

Geu nyeo gyeoteseo moduda mulleona

Ijen jogeum sshig sana wojinda

Na eureureong eureureong eureureong dae

Na eureureong eureureong eureureong dae

Na eureureong eureureong eureureong dae

Da mulleo seoji anheu myeon

Dachoyeodo molla~~

"Dude, parang nawawala na yung galing natin ah?" sabi ng isang lalaki sa kasamang binata pagkatapos nilang sumayaw.

Tinitigan lang siya ng binata at tsaka uminom ng tubig.

"Oo nga. Tsaka bakit ba madalang ka na lang magpractice dito? Ni hindi ka na nakakasama sa mga live performances namin." sagot naman ng isa pang lalaki.

"Work." maikling sagot ng binata sa mga ito.

"Tss. Kaya hindi ka nakapasa sa audition dahil dyan sa rason mo e." sabi nung lalaki.

"Shut up. You don't know everything." sagot ng binata.

Umiling iling na lang ang mga kasama nito at lumabas na sa practice room.

Naiwan naman doon ang binatang kanina pa nilainiintriga. Doon ay napasandal ito sa sahig at nakaupo habang binabalikan ang mga pangyayari kung bakit siya nandito ngayon.

F L A S H B A C K

"Hindi ka nakapasa sa audition. Better luck next time, hijo." sabi ng matanda sa kanya.

"P..pero, wala na po bang chance?" malungkot na tanong nito.

"You're chance is already given, hijo. Ah! May audition pa sa kabila kaso modelling siya." pambawing sagot nito sa kanya.

Napayuko na lang ang binata at tumango tango.

"Okay po. Thanks for that chance." sabi niya.

Lumabas siya nang room nang bigo. Hanggang sa may makasalubong siyang kaedaran ng matanda kanina.

Titig na titig ito sa kanya.

Natakot naman siya kaya napaatras siya, kasabay nun ay ang pagngisi ng matagumpay ng matanda.

---

"Ano? Kasabay nun ay pwede mo na rin magawa ang pangarap mong maging dancer." pangungumbinsi sa kanya ng matanda.

"Parang ang hirap naman ata nun. Pwede ba yun?" inosenteng tanong din niya.

"Oo, sigurado ako sisikat ka dahil may itsura ka-este MAGANDA ka." sabi nito habang nakangiti ng wagas.

"Osige." walang ano anong pagsang-ayon nito sa matanda.

---

"Ready ka na, Airyll?" tanong ng matanda sabay paikot ang upuan niya sabay harap sa salamin.

"Airyll ?" tanong niya.

Tumango naman ang matanda.

"Oo, simula ngayon ikaw na si Airyll." sabi nito sa kanya habang inaayos ang wig nito.

Nagsimula ang audition at ang resulta? Natanggap siya bilang isang Model at bilang Airyll.

---

He's In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon