Chapter 8
Her P.O.V
"Class, magkakaroon tayo ng overnight sa dark forest sa Baguio. I hope na maki-join ang iba. I'll post the other info in our bulletin board. That's all for today." sabi ni Ma'am Lena at umalis na sa harapan naming lahat."Ayos! Tabi tayo sa bus ha? Airyll?" masayang sabi ni TJ.
Napalingon naman kami ni Jane sa kanila.
Hindi naman naimik si Airyll kundi lumabas siya ng room at sinundan naman siya ni TJ.
"Tara. Lunch na tayo." aya ni Jane. Tumayo naman ako nun at tsaka nagsimula na kaming maglakad papuntang canteen.
"2 spag. & 2 orang juice po." order ko sa counter at nag iwan ako ng bayad namin tsaka kumuha ng table number.
"Jane bakit ganun si Airyll, hindi siya.."
"Nagsasalita?" tuloy ni Jane. Tumango naman ako.
"Kagabi kasi sa dorm nagtatanong ako sa kanya tapos di niya ako iniimik." patuloy ko.
Tumango tango naman si Jane.
"Alam mo kasi Shay, napamisteryoso niyang si Airyll." sabi niya. Nagsignal naman siya na parang may ibubulong kaya lumapit ako.
"Never pa naming narinig magsalita yang si Airyll." bulong niya sa akin.
~~Insert Shanaia's Imagination~~
"Hi! Ako nga pala si Airyll. Nice to meet you." imagination niya kay Airyll na may malalim na boses.
Umiling iling naman siya.
"Hi! Ako nga pala si Airyll. Nice to meet you." imagination niya kay Airyll na may malanding boses.
Umiling iling ulit siya.
Hi! Ako nga pala si Airyll. Nice to meet you." imagination niya kay Airyll na may matandang boses.
Natawa naman siya sa Imagination niya.
~~End of Shanaia's Imagination~~
"HAHAHAHAHA!" tawa lang ako ng tawa hanggang sa tinawag na yung table number namin.
Kaya naman tumayo na ako habang di pa nakakarecover sa pagtawa ng may nabangga akong tao.
"WHAT THE EFF?" galit na sigaw niya.
BINABASA MO ANG
He's In Disguise
Teen FictionEveryone has a secret. Therefore, we have to keep it in ourselves. What if your secret reveal unexpectedly by yourself? What are you going to do, then?