Chapter 30: Too paranoid

12 0 0
                                    

Shanaia P.O.V

Gabi na pero wala pa din si Ryle sa kwarto. Tinext ko na siya kung nasaan na siya, pero hindi siya nagre-reply. Hindi naman ako pwedeng lumabas kasi curfew na namin.

Pabalik balik akong naglakad.

Ano kayang nangyari dun? Gising pa kaya si Jane? Matawagan nga.

"Jane?" Sabi ko, wala kasing nagsasalita sa kabilang linya.

"Oh Shay?"

"Hala! Natutulog ka na ba? Pasensya na sa istorbo ah." Nagising ko pa tuloy siya.

"Ok lang. Bakit ka pala napatawag?" Tanong niya.

"Eh kasi... kasi si Ryle wala pa dito. Kanina ko pa siya hinihintay at tine-text pero wala, wala pa rin hanggang ngayon." Pabalik balik pa rin ako sa paglalakad.

"Diba magkatabi kayo sa bus? Hindi ba kayo sabay bumaba?" Mukhang gising na yung diwa niya dahil sa sinasabi ko.

"Yun na nga eh. Paggising ko nagbababaan na pala yung classmates natin at wala na rin si Ryle sa tabi ko. Di ko na siya nakita simula nung nasa bus. Kinakabahan talaga ako Jane." Paliwanag ko.

"Wait lang. Baka naman may pinuntahan lang? Nandyan ba yung mga gamit niya?" Tanong niya kaya tumango tango ako na parang nakikita niya ako.

"Oo Jane. Nandito yung dala niyang bags nung nasa Baguio tayo. Parang madaling madali siya kasi pagbukas ko ng pinto dito kanina, muntikan akong masubsob kasi nakalagay yung mga 'yon sa harapan ng pinto." Sabi ko.

Kinakabahan talaga ako. Baka kung anong nangyari dun.

"Ganito Shay, matulog ka na lang muna at bukas na lang natin ito pagusapan kung wala pa siya bukas, ok? Malay natin may pinuntahan lang na importante? Or baka may photoshoot? Sikat yun diba? Baka may pinagawa lang yung manager niya sa kanya." Pagpapakalma niya.

Bumuntong hininga ako.

Tama si Jane. Masyado lang akong paranoid. Malaki na si Ryle at kaya niya ang sarili niya.

"Salamat Jane. Buti na lang at nandyan ka." Sabi ko habang nakangiti.

"Naku, ok lang yun Shay. Ganyan talaga pag inlove. Hahaha." Sabi pa niya. "Sige na, goodnight na."

"Baliw. Sige goodnight Jane. Love you." pagkaputol ng tawag, napaupo ako sa kama ko at tinext ulit si Ryle.

To: Ryle sungit!

Bakit ayaw mong magreply? Sige ha, goodnight!

Ps. Lagot ka sa akin bukas.

Binalik ko na yung cellphone ko sa table at umayos na nang higa.

Napatitig ako sa kisame at di ko na mapigilang mapaisip.

Nasaan kaya siya ngayon? Bakit di niya ako ginising kanina sa bus? Siguro importante yung lakad niya at di niya na nasabi sa akin? Wait! Bakit naman niya sasabihin sa akin?

Argh! Hay naku Shanaia. Tumigil ka na nga. Panay ang isip mo sa lalaking 'yon. Tignan mo paranoid ka na. Porket di lang umuwi ngayong gabi, kung ano ano na nasa isip mo. ≧﹏≦

Umayos ako ng higa at unti unti nang dinalaw ng antok.

--

Kinabukasan, pagkagising na pagkagising ko, napatingin agad ako sa kabilang kama at laking dismaya ko nang makitang maayos pa rin yung higaan ni Ryle.

Tinignan ko rin yung cellphone ko kung may reply siya.... pero wala.

Tinext ko ulit siya.

To: Ryle sungit!

Bakit wala ka pa rin?

Tinext ko din si Jane.

To: Jenyang

Morning Jane. Wala pa rin si Ryle  m(﹋o﹋)m

Nag-ayos na ako sa sarili ko at pumunta na sa cafeteria ng doorm namin para mag-breakfast.

--------------

Thanks for reading!

V O T E & C O M M E N T.

Be a Fan

--------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon