My Amnesia Boy 28

3.2K 71 0
                                    


Sari

"Nakakaalala ka na?" Ulit ko sa tanong ko. Yun lang din kasi ang unang pumasok sa isip ko ng marealize kung nasaan kami ngayon. Malamang yung Reed na kilala ko lang ang makakaalala nito.

Hindi naman sa special ang lugar na ito kaya lang syempre dito nagsimula ang lahat kung paano kami napalapit sa isa't isa. Dito ko unang pinaramdam sa kanya kung gaano ko sya kamahal.

Dito sa lugar na ito ko binigay yung dapat ko lang ibigay sa kanya. Huminga muna sya ng malalim. I was expecting him to say na 'oo Sari nakakaalala na ako na oo Sari natatandaan ko na kung gaano kita kamahal' pero iba ang lumabas sa bibig nya.

"Im sorry Sari.." kahit hindi ko alam kung bakit sya humihingi ng tawad eh bigla na lang akong napaiyak. "Hey dont cry.." alo nya.

"Hindi ko mapigilan eh" sabi ko. "Bakit ka ba nagsosorry jan? Iiwan mo na ba ako ng tuluyan? Babalik ka na ba kay Simoune? Hindi na pwede kasi may Jed na sya kaya pwede dito ka na lang sa akin.." patuloy pa din sa pagtulo ang luha ko. Lumapit sya sa akin pero laking gulat ko ng bigla na lang nya akong yakapin ng sobrang higpit.

"Miss na miss ko na yang mga ganyang gestures mo. Akala ko talaga noon na hindi na tayo magkikita pero nandito ka na ulit sa harapan ko." Napaawang ang bibig ko kaya naman madali nya akong nahalikan.

Nang humiwalay sya eh nagulat na lang ako ng bigla nya akong yakapin ulit. "Im sorry Sari kung pinaiyak kita. Im sorry kung kinailangan kong magsinungaling sa iyo." nagpumiglas ako palayo sa kanya kasi hindi ko sya maintindihan eh. "Anong sinasabi mo? Bakit parang sa way ng pagsasalita mo eh wala ka ng amne--"

"DAhil wala talaga akong amnesia. Hindi kita nakalimutan. Ginawa ko lang yun kasi gusto kong malaman kung ano ba yung plano nila Simoune." parang nahirapan akong huminga bigla. Ano bang sinasabi nya?

"I'll explain everything. Come inside.." sabi nya bago binuksan ang pinto. Napanganga ako ng makita ang kabuuan ng silid. May mga nagkalat ng mga rose petals at mga scented candle. Yung kama ay puno din ng mga petals na nakakorte pang puso. Sa harapan naman nito ay may nakahain na mga pagkain na alam kong paborito naming dalawa.

NAgtataka akong napatingin sa kanya para lang makita syang parang highschool student na sa kauna unahang pagkakataon eh nagtapat sa babaeng nagugustuhan nya.

"A-anong--"

"Just want to make this day special for you bhe.." sa narinig ko eh napahagulgol na ako. Akala ko kasi hindi na maririnig na tatawagin nya ako ng ganun eh. Akala ko na hanggang panaginip na lang.. pero hindi kasi totoo ito. Nasa harapan ko talaga sya at tinawag nya talaga ako sa nakasanayan na nyang endearment sa akin.

Ang saya saya ko. Worth yung mga luha ko. Worth yung sakit na nakuha ko. Worth lahat. Sa sobrang saya ko eh hindi ko na napigilan ang sariling kong halikan sya. Nung una eh nagulat sya pero bandang huli eh sinagot din nya.

Nang itulak ko sya sa kama eh bumigat ang paghinga nya. Lalong bumigat yun ng unti unti ko ng hubarin ang mga damit ko. I heard him cursed na nagpakagat ng labi ko. Nataranta sya kaya agad syang napaayos ng upo.

"Sa-sari.. were here to t-talk.." he is stammering and I kinda like it. "Really? But your eyes and your body tells me otherwise.." sabi ko sabay ngisi. Napailing na lang sya bago bumuntong hininga.

"I wanna hear your explanation now.." sabi ko after that mindblowing love make up. I really missed him so much na hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko. Well hinayaan din naman nya ako kaya quits lang kami. Kasi naman alam ko sa sarili ko na mutual naman ang feeling eh. Bakit ba namin pahihirapan ang mga sarili namin kung pwede naman di ba?

My Amnesia Boy?!? (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon