My Amnesia Boy 20

3.3K 67 0
                                    


Sari

"Anong meron at ang ganda ng ngiti mo babae?" Nagulat pa ako ng biglang magsalita si Rems sa tabi ko. Sasagot na sana ako ng biglang sumingit naman si Lily na kasunod pala ng doktora. "Alam mo dok nagsimula lang yan nung doon natulog sa inyo yung anak nya eh. Tatlong linggo na lumipas di ba? Tatlong linggo na din syang blooming. Alam mo yung bulaklak na araw araw nadiidiligan.." makahulugang sabi pa ni Lily. Nagsisi tuloy ako bigla kasi kinuwento ko pa sa kanya yung pagtulog ni Renz doon kila Rems at yung kami lang dalawa ni Reed ang naiwan sa bahay. Napayuko na lang ako para itago ang pamumula ng mukha ko.

But knowing these two girls eh alam kong ramdam nila na may nangyari nga kaya napatili na sila. "Hoy ang ingay huh. May makarinig sa inyo sige kayo.." pero ang mga bruha eh hindi pa din tumigil sa pang aasar sa akin. Kawawa naman ako dalawa sila isa lang ako.

"Bakit ba wala namang masama doon kung may ginawa nga kayo di ba? Dalaga ka binata sya at may anak na kayo so ok lang kung sundan nyo na si akskdkfkghbk" hindi na sya natapos kasi tinakpan ko na ang bibig nya. "Hinaan mo nga yang boses mo Rems. Marinig tayo ng papa mo mapagalitan pa ako.." kunwaring naiinis na sabi ko na ikinatawa lang nya.

"Sus ayaw pa kasing umamin eh. Kung nagkukwento ka na eh di tapos na. So ano ok na kayo? Kayo na ulit?" Hindi ako sumagot. Gusto ko kasi kung malaman nila eh sabay naming dalawa aaminin. Ayoko ngang ma-hot seat. "Tigilan nyo nga akong dalawa. Ako na naman ang nakita nyo. Wala ba kayong ginagawa at nandito na naman kayo sa harapan ko?" Ngumisi lang silang dalawa saka umiling.

"Eh ako maraming gagawin kaya chupi na kayo. Next time na lang ako magkukwento. Ok?" Tumango sila at sabay na umalis. Maya maya pa ay bumuhos na nga ang pasyente ni Dok Eddie kaya naging busy na ako. Hindi ko na nga naalalang kumain ng lunch eh. Nagulat na lang ako ng may makitang sandwhich at juice sa pwesto ko. Napapangiti na  kinain ko yun nang makaupo ako alam ko naman kung kanino galing yun eh kahit walang note o anu pa man.

Lumipas pa ang mga oras at nagtaka na lang ako kasi wala pa ang anak ko na dapat dumating na galing school kanina pa. Agad akong tumawag sa teacher nya at ng sabihin nito na kanina pa nakaalis ang bata eh kinabahan na ako. Sinubukan kong tawagan si Reed pero unattended naman ang number nya.

Hindi na ako mapakali hanggang sa lumabas na si Dok Eddie. "Sari wala na bang--" natigilan sya marahil napansin nya yung reaksyon ng mukha ko. "Bakit anong problema?" Nagalangan pa ako kung sasabihin ko ba o hindi pero bandang huli eh sinabi ko na din.

"Baka naman natrapik lang ikaw naman masyado kang paranoid eh kita mong umulan kanina kaya malamang trapik lang ang dahilan kung bakit wala pa sya. Hindi naman ito ang unang beses na nahuli syang dumating di ba?" Napatango na lang ako. Hihinga na sana ako ng maluwag ng biglang pumailanlang ang mga salitang nagpakabog ng sobra sa dibdib ko.

Paging Ms. Rosario Santos, please proceed to E.R.

Paging Ms. Rosario Santos, please proceed to E.R.

Ilang beses ko pang pinakinggan at ng marealize na ako yun eh nagpaalam agad ako kay Dok saka halos patakbong pumunta sa E.R. Ang daming tumatakbo sa isip ko habang habol ang hininga ko. What if may nangyari sa anak ko? Hindi ko ata matatanggap yun.

My Amnesia Boy?!? (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon