My Amnesia Boy 08

3.2K 73 0
                                    


Sari

"Hello sa pinakamagandang mama sa buong mundo!" Nag-angat na ako agad ng tingin ng marinig ang boses ng anak ko. Napangiti na lang ako sa banat nya. Hindi ko man lang namalayan ang oras dahil sa dami ng pasyente ni Dok. Hapon na agad ang bilis parang kakapasok ko pa lang ah.

"Mama pinag-usapan po namin kanina yung about sa family day bukas. Si Tito Reed po nasan para masabi ko sa kanya yung detalye?" May gnun pa syang nalalaman. Nakakatampo naman na uunahin nya pang sabihan si Reed kesa sa aking nanay nya.

"Hindi ko alam anak eh. Baka may pasyente o kaya man nagoopera o kaya nagrorounds. Sa akin ba wala kang balak sabihin yung pinausagapan nyo?" Sabi ko. Ngumisi lang sya sa akin saka umiling. Napairap na lang ako ng wala sa oras. "Kamusta pala yung mga exams mo? Dapat puro pasado pa din yun ah kundi tanggal ka na sa scholar nila.." ngumuso saglit ang anak ko bago nagsalita. 

"100% sure po na pasado ako. Nag-aral tayo di ba?" Napatango naman ako. Since wala syang assignment eh hinayaan ko na syang maglaro. "Nga po pala ma, tuloy po ba kayo ni Tita Rems maya?" Tumango ako sa kanya saka ngumiti.

"Oo kaya maiiwan ka muna kay Dok Reed. Goodboy ka lang kapag sumama ka sa kanya huh. Discuss mo na din yung gusto mong sabihin about sa family day bukas." Bumalik na sya sa paglalaro habang ako naman eh inayos na yung mga gamit ko. Malapit na din kasing mag uwian and as per Rems susunduin nya ako dito sa pwesto ko.

Habang hinihintay sya eh dumating si Lily at nakipagkwentuhan muna sa akin. Since may oras pa naman eh pinagbigyan ko na. "Uy may chika ako sa iyo.." bungad nya. Chismis yun kaya focus akong nakinig. "Dati palang gf ni Dok Reed si Simoune nung nasa ibang bansa pa sila at kaya umuwi din dito ang dalaga eh dahil gusto nyang balikan si Dok Reed." Alam ko na naman yun eh. Narinig ko minsan ng sabihin mismo ni Simoune kay Rems. Nakiusap pa nga ito na tulungan syang makipag balikan sa binata pero tumangi ito.

"If you want him back Simoune eh ikaw ang gumawa ng way. I cant help you with him kasi may iba akong gusto para sa kanya.."

May pagkaprangka din kasi itong si Rems eh. Kapag ayaw nya sa iyo eh hindi sya magdadalawang isip na ipakita yun ng harapan. Vocal din sya, kung anong nasa isip nya eh sinasabi nya. Alam kong napahiya si Simoune kasi kasama ako noon ni Rems kaya after noon eh hindi na ulit sya mag attempt na kausapin ang doktora.

"San mo naman nakuha yan? Ikaw talaga basta chismis hindi nakakalagpas sa iyo." Napailing na lang sya sa akin. "Ano ka ba kay dok ko mismo narinig. Actually kinuwento nya sa akin nung wala kaming pasyente. Ang sweet di ba?" Napanguso ako. Ano sweet naman doon?

"Ikaw talaga hayaan mo na nga sila. Kung may something sila eh di sila na." Sana hindi halata sa boses ko yung irritasyon. Ngumuso sya. "Uy selos.." napangiwi ako halata pala. Aamin ba ako? Syempre hindi noh.

"Tigilan mo nga akong babae ka. Alam mo namang wala pa akong oras sa mga ganyan di ba?" She just made a face. OO na kulang na sa conviction ang tono ko. Nang magring ang phone nya eh nagpaalam na si bruha. Ako naman eh naiwang tulala.

Hindi nga siguro kami para sa isa't isa.

My Amnesia Boy?!? (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon