SariNang umagang iyon eh nakaramdam ako ng pagkahilo. Bigla na lang ding bumaligtad ang sikmura ko kaya naman tumakbo ako papuntang banyo. Wala sa sariling napatingin ako sa kalendaryo. Nagulat pa ako ng makita ang petsa ngayong araw. Halos isang buwan na pala akong delayed. Hindi ko man lang nabigyan ng pansin dahil na rin sa pagiisip ko kay Reed.
"Ma nanjan na po si Tito Jake." Anunsiyo ng anak ko. Kinuha ko na yung mga gamit namin saka lumabas ng bahay. Tahimik lang ako sa byahe ganun din naman sya kaya hindi na ako umimik. Akala ko nga haggang sa makarating kami ng hospital eh hindi nya ao kakauapin pero ng maihatid na namin si Renz eh saka naman sya nagsalita.
"Are you ok?" Marahan akong tumango kahit pa hindi pa rin maalis sa isip ko ang posibilidad na--. "Parang hindi naman Sari huwag mo namang pabayaan ang sarili mo. Paano kung mahanap nga si Reed pero kalusugan mo naman amg magkaroon ng problema?" Hindi na ako nagreklamo ng dumaan muna kami sa isang fast food para mag drive thru.
Nang makarating kaming hospital eh dumiretso agad ako kay Rems. "Hi Sari napadaan ka?" Bungad nya ng makita ako sa opisina nya. Alam kong sya lang ang makakatulong sa akin para makasigurado ako. Mabilis nya akong chineck.
"Reed needs to come home now." sabi nya kaya naman kinabahan ako. May sakit ba ako? Kaya lang mukhang masaya sya eh meaning-. "Congrats Sari your three weeks pregnant. Loko yung si Reed ah nanigurado na.." natatawa pa nyang sabi kaya naman napangiti na ako. Binigyan nya lang akong vitamins saka ako hinayaang makaalis. Hindi ko muna pinasabi sa iba kasi ayokong dumagdag sa iisipin nila.
Saka na lang kapag nakabalik na si Reed. Gaya ng mga nakaraang araw eh pinilit kong maging busy para na rin kahit papano eh hindi ko sya maisip. Sobrang miss ko na sya at sa bawat araw na wala pa ding balita eh nawawalan na ako ng pagasa.
Nang maglunch eh sumama ako kila Rems. Nagkaroon din ng annoucement sila Marco at Lily. Akalain mo nga naman na sila na pala. Kaya naman pala laging masaya yung kaibigan ko lalo na at nasa paligid si Marco.
"So kailan ang kasal?" Pinilit kong siglahan ang boses ko kahit pa parang maiiyak na naman ako. Hinawakan ako ni Lily sa kamay saka tinignan ng may pagaalala. Alam kong ayaw nyang pagusapan ang tungkol sa mga ganung topic kasi iniisip nya ako.
"Ok lang ako Lily promise. Masaya ako para sa inyo ni Marco at walang halong kaplastikan yun." Hinampas na nya ako sa braso kaya nagkatawanan na kami. Ganun kami naabutan ni Jake na may dala na ding pagkain.
Wala mang nagsalita pero alam kong naiba ang atmosphere ng umupo sa tabi ko ang doktor. "Nabalitaan ko Marco yung tungkol sa inyo nitong assistant ni Simoune ah. Congrats pare atleast nahanap mo na din yung babaeng para sa iyo." Sabi nya saka ngumiti. Hindi naman umimik yung dalawa at napaiwas pa ng tingin. Nang matapos kaming kumain eh sabay sabay na kaming bumalik sa mga pwesto namin.
"Gusto nyo bang mamasyal mamaya bago tayo umuwi?" Biglang banat ni Jake. Tumambay pa kasi sya sa pwesto ko eh. Hindi na ako nakasagot kasi biglang dumating anak ko. "Ang aga mo ata?" Hinalikan nya muna ako saka nagsalita. "Exam week po kasi ngayon. Ma nakauwi na ba si papa? Ipapakita ko kasi yung result nung naunang test ko eh." May excitement sa boses na sabi ni Renz.
"Naku nak wala pa sya eh. Hopefully next week daw uwi na sya kaya dapat daw eh goodboy ka lang.." sabi ko na lang kahit pa walang kasiguraguhan ng makakabalik pa sya. Bumakas ang disappointment sa mukha nya kaya niyakap ko na lang sya.
"Sa akin mo na lang muna ipakita yang result ng exam mo. Malay mo bigyan kita ng reward." Sabi naman ni Jake na nagpabago ng mood nya. "Talaga po? Ano naman pong reward ko?" nangingiting sabi pa ng anak ko. Napailing na lang si Jake saka nagsalita. "How about spending a weekend in Tagaytay? May bahay kasi kami doon." nanlalaki ang mata ng anak ko sa narinig.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Boy?!? (Fin)
RomantikReed is Sari's ex boyfriend but they got separated dahil lang sa inakala ni Sari na nagkamali sya. Years after eh nagkita ulit sila kaya lang hindi na sya kilala nito. Ano kayang gagawin nya para ipaalam dito na nagkaanak sila kung hindi naman pala...