My Amnesia Boy 05

3.6K 80 1
                                    

Sari

"Sari!" Narinig kong tawag sa pangalan ko. Nang lingunin ko eh nakita ko ang kumakaway na si Lily. Lumapit ako sa kanya dahil sinenyasan nya ako. "Papunta ka na ba sa venue?" Nang tumango ako eh hinila nya ako bigla pasakay sa isang van.

"Sabay ka na sa amin para naman may makausap ako. Alam mo namang ikaw lang ang close ko dito.." bulong nya sa akin. Wala na akong nagawa since ayoko na ding mag commute.

Tahimik kami sa buong byahe or should I say na ako lang pala kasi itong katabi ko eh kuntodo kwento sa mga bagay bagay saka sa bago nyang boss. 

"Balita ko na ngayon din ipapakilala ni Doc yung kapalit nya. Alam mo ba na stateside daw.. yun nga lang babae.." napapailing na lang ako sa kanya.

May reservation kami kaya naman dire diretso lang kaming pumasok. Medyo madami dami na ding tao at puro mga doktor pa. Ilan lang ang mga katulad namin. Wala pa yung dalawa kaya napabuntong hininga na lang ako. Napatingin ako sa harap at nagulat pa ng makitang nakatingin sa akin si Doc Jake.

"Hay naku pwede naman kasing hindi na sya umalis para hindi ka na nya mamiss eh.." bubulong bulong na sabi ni Lily na parang sinasadya pang iparinig sa akin.

"Shhh.. manahimik ka nga jan. Hayaan natin syang tuparin ang mga pangarap nya saka kung kami naman talaga ang para sa isa't isa eh hintayin na lang natin.." Wala na syang nagawa kundi ang manahimik. Kumain muna kami bago nagsimulang magkantahan. Hinayaan ko lang silang mag-agawan sa mic kasi hindi din naman ako mahilig kumanta eh.

After thirty minutes siguro eh sabay na ding dumating yung dalawa at ang mga loko eh pareho pang nakasimangot. Inirapan ko lang sila pareho saka nakihalubilo sa mga kauri ko.

Since hindi ako mahilig kumanta at hindi din naman ako umiinom eh nanahimik na lang ako sa isang sulok. Tahimik lang akong nagdadasal na wala ni isa man sana sa dalawang Segovia ang lumapit sa akin. Tahimik lang akong nagmamasid sa paligid habang ngumunguya ng pagkain.

"Do you really have to act like that?" kunot noo kong tinignan ang nagsalita na walang iba kundi si Dok Jake. Hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala sya.

"Ano ibig mong sabihin..?" nagtataka kong tanong kasi hindi ko naman talaga alam kung ano ang sagot sa tanong nya eh. He just shrugged his shoulder then sighed.

"You really want me to go dont you?" yun lang pala yun eh pero teka ano daw? Umiling ako kasi ayoko din naman syang umalis eh kaya lang kung pipigilan ko sya eh parang ang selfish ko naman noon eh hindi ko naman sya bf.

"May mga bagay na kailangan mong gawin Dok pangarap mo yan di ba?" sabi ko ng nakangiti. Totoo naman kasi na matagal na nyang pangarap ang makapagtrabaho sa hospital na pupuntahan nya ngayon eh.

"Pangarap din naman kita eh.." sabi nya saka natawa. "Nakakatawa no? Im a cardiologist pero hindi ko magawang patibukin ang puso mo para sa akin.." malungkot nyang turing. Kung pwede nga lang na sa iyo na lang tumitibok ito eh.. kaso malabo.

Nagpaalam sya saglit kasi nasa labas na daw yung papalit sa kanya. Susunduin lang daw nya sa labas baka kasi nahihiya daw pumasok magisa. Nang iwan nya ako eh sinubukan akong lapitan ng dalawang Segovia pero umiwas ako. Nagpaalam ako kay Lily na pupuntang cr kasi naiinip na din naman ako.

Mabilis akong maglakad para hindi nila ako maabutan. Napagmasdan kong mabuti ang itsura ko sa salamin habang naghuhugas ng kamay. "Ang galing nga magayos ni Rems ah.." natatawa kong sabi sa sarili ko.

"Sari.." muntikan pa akong mapasigaw ng maabutan ko sa labas ng cr si Marco. Sinundan ata ako. Hindi ko sya pinansin at dumiretso lang ng lakad pabalik sa pinaggalingan ko. Pagpasok ko naman sa loob eh napangiwi ako sa boses ng kumakanta.

My Amnesia Boy?!? (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon