My Amnesia Boy 12

3.1K 72 0
                                    

Sari

"Ma sama po ako kay Tito Red mag swimming?" Ginulo ko lang ang buhok nya saka tumango. Mabilis pa sa alas kwartrong nawala sya sa harapan ko. Nandito kami sa beach kasama ang buong angkan ng Segovia.

Nakauwi na silang lahat kahapon pa. Di ko naman talaga alam na dito pala ang punta nila. Basta na lang ako pinapasok ni Dok Red tapos heto na umalisn a agad kami at dumiretso dito sa lugar kung nasan kami ngayon. Buti na lang at lagi akong may dalang extrang damit naming mag ina.

Hindi naman ako marunong lumangoy kaya naman nandito lang ako sa cottage na nirentahan nila. Kung tutuusin eh hindi ko alam kung bakit kami nandito ng anak ko. Puro sila Segovia yet nandito kami kasama nila. Alam ko naman na hindi na kami iba ng anak ko pero nakakahiya pa din.

Muntik ba akong masamid ng makita si Reed na nakasuot lang ng trunks. Napalunok pa ako ng makita ang katawan nya. Dami abs huh. Nang mapatingin sya sa akin eh taranta akong tumingin sa ibang direksyon. Hindi ko alam pero kasi naiinis ako sa nakita ko kahapon.

Magsosorry na sana ako kasi hindi ko sya nasundo kaya naman sinundan ko sya sa opisina nya kaya lang sana pala hindi ko na lang ginawa kasi nakita ko pa ang hindi ko dapat makita. Nainis na naman tuloy ako. 

"Oh bakit hindi ka pa nagpapalit ng swim suit mo?" biglang sabi ni Rems ng umupo sa tabi ko. Sana hindi nya napansin ang timpla ko. Ayokong asarin na naman nya ako sa kapatid nyang walang isang salita. Di ba sabi nya na hindi na nya binabalikan mga ex nya? Anu yun pero pwede nyang hallikan? "Ano naman ang ipapalit ko eh wala naman akong dalang ganun kasi malay ko bang hihilahin nyo kami ng anak ko papunta dito. Di kaya kami prepared" natawa sya saka ako hinila papunta kung saan. Nang makapasok kami sa cr ng babae eh pinapasok nya ako sa isang cubicle saka inabot ang isang paper bag.


"Anong gagawin ko dito?" takang tanong ko. Nag cross arms sya sa harap ko bago nagsalita. "Isuot mo na yang binili ko para naman kausapin ka na ng kapatid ko. Akala mo ba walang nakakapansin?" sabi nya pero di pa din ako natinag. Wala pa sana akong balak magpalit pero nang akmang papasok sya sa loob eh nataranta na ako. Alam ko na kasi yung binabalak nyang gawin eh.

Kinuha ko yung laman nung paper bag at nanlaki lang naman ang mata ko. One piece lang sya pero ang daing butas kaya parang two piece din sya ng magkadikit. "Gosh Rems napaka revealing naman nito.." natawa sya. Aba ang bruha masaya pa sa naging reaksyon ko. "Di ko ata kayang isuot ito--"

"Umayos ka nga jan Rosario. Isusuot mo yan o ako ang magsusuot sa iyo?" I rolled my eyes sa mga sinasabi nya. Bandang huli eh wala na din akong nagawa at sinuot ko na din. Pinagmasdan ko muna yung itsura ko sa salamin at ng makitang bagay naman sa akin eh lumabas na ako.

"Ang tagal mo naman--" napahinto si Rems sa sasabihin nya sana kaya medyo kinabahan ako. Paano kung ako lang pala ang nagiisip na bagay naman sa akin itong suot ko? Tumalikod na ako at papasok na sana sa loob ng bigla nya akong hawakan sa braso.

"Oh san ka pupunta?" humarap ako sa kanya na nakakunot ang noo. "Magpapalit ulit. Hindi ko gusto yang reaksyon mo eh baka kasi pangit.." napailing sya. "Baliw speechless ako kasi ang sexy mo para kang walang anak." napanguso na lang ako sa pambobola nitong isa na ito. At dahil naniwala ako eh sumama na ako sa kanya palabas ng cr.

My Amnesia Boy?!? (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon