My Amnesia Boy 24

2.4K 60 0
                                    

Sari

Kapag ata nagmamadali ka eh hindi pwedeng hindi magkakaroon ng aberya. Nasa kalagitnaan na kami ng byahe pero kundi ba naman kami malas eh nasirapan pa kami. Mabuti na lang talaga at kasama namin si Jake. Pareho naman kasi kami ni Rems na walang alam sa pagaayos ng sasakyan. Kasalukuyang inaayos ni Jake yung makina ng bigla akong hilahin ni Rems sa may likuran.

"Bakit?" nagtataka kong tanong. Sinenyasan nya akong huwag maingay. Sumunod na lang ako kahit pa nagtataka ako sa kilos nya.

"Kahit anong tanong ni Jake eh huwag mong sasabihin kung saan tayo pupunta ah." sabi nya na ikinakunot ng noo ko. "Bakit naman?" tanong ko.

"Basta.." yun lang at iniwan na nya ako. Tinawag na din kami ni Jake at sinabi na tapos na yung kotse kaya naman nag drive na kami papuntang airport. Tinext ko na din si Jed na malapit na kami. Gaya ng sabi ni Rems eh wala akong sinabi kay Jake sa totoong destination namin. Hindi ko man maintindihan kung bakit ayaw ipasabi ni Rems sa doktor eh sinunod ko na lang.

Pagdating namin sa ariport eh nakita nanamin si Jed na prenteng nakatayo sa tabi ng isang maliit na private plane. "Sya ba yung piloto? GOsh ang gwapo ah.." kinikilig na sabi ni Rems sa akin. Natatawa akong tumango. At ang bruha eh ayaw pang bitawan ang kamay ng binata kahit nakasakay na sya. Doon pa nga ata umupo sa tabi ng piloto eh.

Aalalayan nya din sana akong sumakay pero naunahan sya ni Jake. "Ako na pare." Seryosong sabi nito. Nagkibit balikat lang si Jed saka nag give way. Nang makasakay na din si Jake eh sumunod na sya at pinaandar agad ang private plane.

"So you own this plane?" Usisa ni Rems kay Jed pero hindi naman sya sinagot ng binata. Humarap sya sa akin saka bumulong na 'ang sungit naman nito'. Natawa tuloy ako.

"San nga ang punta natin?" Tanong ulit ni Jake pero gaya ng sabi ni Rems eh hindi ko sinabi ang totong pupuntahan namin. "Somewhere kung saan nakita si Reed." Sigurado ako na may nagbago sa ekspresyon ng mukha nya doon sa sinabi ko.

Mabilis naman ang naging byahe namin yun nga lang nagkaproblema kami sa paglanding pero nagawan naman ng paraan. May nakaabang na sa aming SUV na sasakyan namin papunta doon sa location nila Reed. Si Jed ang driver kaya doon din umupo si Rems. Nakakatawa lang na parang ilag ang binata sa doktora.

Gaya na lang ng pagkatuliro nitong katabi ko. "Hey may problema ka ba?" tanong ko sa kanina pang hindi mapakali na si Jake. Tumingin sya sa akin saka marahang umiling. Sa totoo lang ang wierd nya. Para syang kinakabahan na ewan.

Masaya ako oo pero hindi ko maipaliwanag kung bakit may kasamang kaba ang nararamdaman ko. Sa isang maliit na bayan kami nakarating. Kung iisipin mo eh malapit nga ito sa lugar kung saan bumagsak ang eroplano. Bigla ko tuloy naisip si Renz. Kasama na kaya nya yung lolo nya? Hinahanap kaya nya ako? Haay.

Huminto kami sa isang bahay na bato at may kulay puting pintura. Halata mong may kaya yung nakatira kasi halata naman sa mga nakasabit na halaman at disenyo mismo nito. Nang bumaba sila Rems eh sumunod na din kami ni Jake. Hinila agad ako ni Rems saka nagsimulang maglakad.

Malayo pa lang eh kita na namin si Simoune na nakaupo sa may terrace. Walang babala syang pumasok sa loob ng gate diretso kay Simoune na hindi man lang sya napansin. "Simoune..!" Sigaw ni Rems habang patuloy sa paglalakad at hila hila ako. Halata mong nagulat ang tinamaan ng magaling na babae saka kami sinalubong.

"Nasan si Reed?" Natigilan sya. Napayuko sya saka nagsalita. "Na-nasa ba-bayan kasama ni Mang Diego--" hindi na nya natapos ang anu pa mang sasabihin nya kasi nasampal ko na sya.

"How dare you. Siguro plano mo ito noh? Sinigurado mo na magkasama kayo ni Reed para makuha mo sya sa akin. Hindi mo pa ba matanggap na wala ka ng pagasa?" Napataas ang sulok ng bibig nya.

My Amnesia Boy?!? (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon