My Amnesia Boy 25

2.7K 63 0
                                    

Reed

I hate seeing her sad. I hate it when I see her crying pero ako pa mismo ang nagpaiyak sa kanya. Ako pa mismo ang nananakit sa kanya. Hindi nya alam kung paano ang pagpipigil ko na gantihan sya ng yakap at halikan sa harap ng mga tao sa paligid namin nung puntahan nya ako sa Davao.

She doesnt know how much I missed her pero wala naman akong magawa. Mabuti ng wala syang alam. Hindi nya pwedeng malaman ang mga plano ko para kay Simoune at Jake. Hindi pa pwede..

I woke in a room na hindi pamilyar. Feeling ko din eh may masakit sa katawan ko. Napadilat ako ng maalala ang pabagsak na eroplanong sinasakyan namin. Napahawak ako sa ulo ko ng marealize na wala ako sa hospital. Nasan ako? Bakit wala akong kasama? Ilang araw na ba akong nakatulog?

Dahan dahan akong bumangon. Alam kong kung nasan man ako eh masasagot iyon paglabas ko ng kwartong kinalalagyan ko ngayon. Pipihitin ko pa lang sana yung seradura ng pinto ng may marinig akong boses.

"I guess the plan succeeded. You got the guy that you want and sana lang makuha ko din yung para sa akin." Sabi ng boses ng isang lalaki. Maya maya eh tumawa silang dalawa.

"Kaya lang paano kapag nagising na sya at magpumilit pa din syang bumalik sa magina nya? What will you do?" Kilala ko yung boses na yun pero hindi pa din ako sigurado. What is really happening? Nasan ba ako? Bakit parang hindi masama ang pakiramdam ko? O yun lang ba ang iniisip ko? The last thing I remember was the plane is crashing and we cant do anything about it. But here I am -  alive and still breathing. Buhay ako pero parang hindi din ako safe.

"Sa ngayon eh hindi ko pa naiisip yun. For now hintayin muna natin syang magising. Kapag nagising na sya at nagpumilit sya eh saka na tayo magisip ng paraan para hindi na sya makabalik sa mag-ina nya." Sabi ng babae na alam kong si Simoune. I think she's crazy. Kasalanan ko ba kung bakit sya nagkaganun? Hindi naman siguro kasi umpisa pa lang eh pinaliwanag ko na sa kanya na we can be more than friends kasi kahit naman hindi ko pa nakikita noon si Sari eh sya pa din yung mahal ko.

"Ako ng bahala kay Sari. I will make sure na mahuhulog ang loob nya sa akin. Hindi ko man nagawa yun before eh alam kong ngayon magagawa ko na " may kasiguraduhan sa boses nung lalaki. Nang tumahimik sila eh binalak kong bumalik sa pagkakahiga kaya lang bigla na lang bumukas ang pinto. Napaharap ako sa kanila at nakita ang pagkagulat sa mga mukha nila.

"Gi-gising ka na pala." sinunod ko ang instinct ko. Hindi agad ako nagreact pero kinunot ko ang noo ko as if trying to make them feel na nagtataka ako. "Who are you? Nasan ako?" I managed to ask them na sana hindi nila nahalata na umaarte lang ako. Relief was written all over the girl's face.

Si Jake Martinez pala yung kausap ni Simoune. Ang alam ko nasa ibang bansa na sya ah. Magkasabwat ba sila? YUn ang dapat kong malaman. For now aarte muna akong walang matandaan. Mamanmanan ko sila para naman malaman ko ang mga plano nila.

Hinayaan ko lang si Simoune na magsinungaling. Hinayaan ko syang ibahin ang buong pagkatao ko. Ilang araw ang lumipas at dumating nga sila Sari pero dahil may plano ako eh nagpaiwan pa din ako. Alam kong nasaktan ko sya still umasa pa din ako na babalik sya pero hindi na nangyari yun.

Kaya naisipan ko ng kausapin si Simoune. Sinabi ko na gusto kong puntahan sila Rems para naman malaman ko yung ibang impormasyon sa pagkatao ko kaya lang tumanggi sya. Hindi pa daw ako ganun kagaling kaya magpahinga pa daw muna ako.

Pinalipas ko pa ang tatlo ang araw pero parang ayaw pa din nya. Dumating pa nga sa point na nagkasagutan kami eh. Pinipilit kong ipaliwanag nya kung bakit hindi pa ako pwedeng magbyahe eh mukha namang ok na ako.

My Amnesia Boy?!? (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon