My Amnesia Boy 30

3.6K 70 0
                                    

 Sari

“Ano Sari may napili ka na ba na design ng gown? Venue? Pati yung simbahan?” napaikot na lang ang mga mata ko ng puntahan ulit ako ni Rems ng araw na yun para kulitin sa kasal ko. Linggo naman kaya wala syang pasok at nanggugulo na naman.

“Utang na loob Rems pwede bang kumalma ka muna jan? I mean kakatapos pa lang ng binyag nung kambal tapos gusto mo proceed agad tayo sa kasal namin ng kapatid mo?” tumaas lang ang kilay nya sa sinabi ako.

“Oh bakit anong masama doon eh yun na lang naman ang kulang para masabing isa kayong buong pamilya dib a?” umiikot ang mga matang sabi pa nya.

“Exactly parang for formality sake na lang yun. Wala na naman sigurong manggugulo sa amin so tingin ko naman eh ok lang kung medyo madelay ang kasal. Medyo busy din kasi kami sa mga bata eh..” napabuntong hininga na lang sya. Eh di sya ang excited.

“Ay ewan ko sa iyo. Sana nga wala ng maging problema pa. At sana wala ng ibang babae ang mabaliw sa kagwuapuhan ng kapatid ko dahil kapag natukso yan eh ikaw ang kawawa.” tumayo na sya para ayusin ang mga gamit nya. Pupunta kasi kaming park ngayon para paaraawan ang kambal. I made a face. Tama ba namang pasukan ng ganun ang utak ko. Babaeg ito talaga oh. "Subukan lang nyang gawin yun at hindi na nya kami makikita." Sabi ko. Hihirit pa sana si Rems ng biglang magsalita si Reed.

"Sino yung hindi na makikita nino?" Sabi nya sabay halik sa labi ko.

"Kami." Natigilan sya at parang namutla. "Yun eh kapag nagloko ka at iba ang pinakasalan mo pero kung magiging good boy ka eh syempre dito lang kaming apat sa tabi mo.." doon lang sya parang nakahinga ng maayos. Natawa tuloy si Rems.

"Hay naku utak nyong dalawa eh noh. Hinding hindi ako magluluko. Swerte na kaya ako kay Sari bebe ko.." napangiwi ako sa kakornihan ng isang ito. "Nga pala di ba pupunta kayong park ngayon para ipasyal yung mga bata?" Tumango ako.

"Oo kanina pa nga kami ready eh. Ikaw na lang ang hinihintay namin." Napakamot sya sa ulo nya. Kinarga na namin pareho yung kambal at sabay sabay na kaming bumaba. Naglakad lang kami papuntang park. Sumama na si Rems since wala pa naman daw yung sundo nya.

"Sakto lang yung araw para sa kambal.." sabi ni Rems. Napangiti ako habang nakatitig sa mga anak ko. Akalain mo nga namang dalawang buwan na sila? Masaya din ako kasi hindi naging mahirap kay Rens na tanggapin na hindi na kang sya yung anak namin. Sa katunayan nga eh tuwang tuwa din sya sa mga kapatid nya. Kung pwede nga lang daw na hindi na sya pumasok para lang maalagaan yung mga kapatid nya eh.

"Alam mo na ba gender nyang anak mo?" Tanong ko ng makahanao kami ng maganda gandang pwesto. Ngumisi lang sya ng nakakaloko kaya naman napairap lang ako. Ganun sya kapag ayaw nyang sagutin ang taning ko.

May kalahating minuto na din kaming nakatambay lang doon ng may tunawag kay Rems. Nandoon na daw pala ang asawa nya sa bahay. Pinasunod nya sa parak kaya lang daw eh medyo masama ang pakiramdam kaya naman sya na kang ang umuwi.

“Bhe hatid ko lang si ate. Promise babalik din ako agad.” Sabi nya sabay halik sa kin. “Huwag mo akong iiwanan ah dapat pagbalik ko eh nandito ka pa din..” sinamaan ko lang sya ng tingin. Baliw masyado eh. Saan naman kaya ako pupunta kung aalis ako? Saka hello dala ko yung kambal no.

“Ewan ko nga sa iyo. Sige na basta bilisan mo kasi kapag nagising sila kambal eh uuwi na ako.” Hinalikan nya muna ulit ako bago tumalikod at tinakbo ang kapatid.

Nakita ko pang kumaway si Rems sa akin kaya naman kinawayan ko din sya. Nang mawala sila sa paningin ko eh napabuntong hininga na lang ako saka tinignan ang kambal ko na sobrang himbing na natutulog.

May mga taong napapatingin sa amin at napapangiti na lang. I know cute ang mga baby ko kaya hindi na ako nagtataka. “Ang cute naman nila. Ilang buwan na ba sila?” tanong nung matandang babae. Ngumiti muna ako bago sumagot.

My Amnesia Boy?!? (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon