Sari"Bata late na tayo." Yan na ata ang pangatlong sigaw ko sa anak ko. Ang aga naman namin parehong nagising kaya magtataka ako kung bakit hindi pa din sya lumalabas ng kwarto nya.
Since big boy na daw sya eh hinahayaan ko na syang magbihis para sa sarili nya. Sya na din ang nagsusuot ng sapatos nya. NAkakatuwa kasi hindi ko na sya kinailangang turuan para gawin ang mga bagay na yun.
"Anjan na po. Si mama masyadong excited.." nakanguso nyang bungad pagkalabas pa lang nya ng kwarto. Napailing na lang ako sa inasal nya.
After namin kumain eh umalis na kami agad. On our way sa school nya eh bigla na lang syang nagsalita. "Ma may tatay ako ah..?" Kumunot ang noo ko sa tanong nya.
"Huh di sinabi ko na kagabi na meron?" Ngumisi sya kaya lalong kumunot ang noo ko.
"Oo nga po. Sinisiguro ko lang kasi po yung classmate ko inaasar akong wala daw akong papa eh. Ma pwede ko ba syang sapakin kapag napikon ako..?" Nanlaki ang mata ko bago tumingin sa kanya.
"Loko yung classmate mo na yun ah. Sige nak bigyan mo ng isang sapak para tigilan ka. Wala kamo syang karapatang asarin ka kasi may tatay ka naman. Yun nga wala hindi natin alam kung nasaan sya." Tumahimik na sya kaya hindi na din ako nagsalita.
"See you later anak ko. Kiss muna si mama dali.." natawa na lang ako ng ngumuso sya. Akala ko nga hindi na nya ako hahalikan eh pero ginawa nya pa din. Yun nga lang madalian lang. Nang pumasok na sya sa loob eh umalis na din ako agad.
Salamat sa trapik at late ako. Humahangos pa ako ng dumating sa pwesto ko. "Late ka ngayon ah.." bungad sa akin ni Dok Rems na kakalabas lang ng office ng papa nya. Yumuko lang ako kasi habol ko pa yung hininga ko eh.
"Nga pala fix yourself bago ka pumasok sa loob. Anjan na kasi yung bunso namin eh." Napailing na lang ako nang makita ko yung kakaibang ngiti nya.
"Dok naman eh. Family matters ang paguuspan nyo kaya bakit kailangang pumasok pa ako sa loob?" Wala naman kasi talaga akong gagawin doon eh.
"Eh yung timpla mo lang naman ng kape ang iniinom ni papa di ba? Bigyan mo na di kaming tatlo. Sige may kukunin lang ako sa office ko tapos babalik na din ako." Napakamot na lang ako sa ulo ko.
Inayos ko na lang ang sarili ko at nag mukha na akong presentable eh pumunta na akong pantry at nagtimpla ng kape. Matapos yun ay pumasok na ako sa office nya.
Bumungad agad sa akin ang seryosong mukha ng matandang Segovia. "Anak naman alam kong ayaw mo lang kaming mag-alala pero sana naman eh ipinaalam mo man lang agad sa amin. Pamilya mo pa din kami kaya hindi maiiwasang mag-alala." Hindi ko makita ang mukha nya kasi sakto pang nakatalikod sya sa akin.
"Im sorry pa. Hindi na po mauulit.." saglit nanigas ang katawan ko. Kilala ko kasi ang boses na yun kahit nakapikit pa ako eh.
"Oh anjan ka na pala Sari. Halika ipapakilala kita sa bunsong anak ko." Nag-alangan pa ako kung lalapit ba ako oh hindi kaya lang medyo ngawit na ako sa dala kong tray kaya wala na akong nagawa at nilagay na sa table yung tray.
"Anak meet my assistant. Single yan.." nakakaloko naman itong amo ko. Hinanda ko na yung maganda kong ngiti.
"Goodmorning Sir Reed. Ako nga pala si Sa--" buti nalapag ko na lahat ng kape kundi baka nahulog ko pa yun. Ang nakakapagtaka eh ako lang ang nagulat sa pagkikita naming dalawa. He seemed not to know me by the way he looks at me right now.
"Ok ka lang ba Sari? Para kang nakakita ng multo eh gwapo naman ang bunso ko.." natatawang basag ni Dok Eddie sa pagkabigla ko. Umayos ako ng tayo saka inilahad ang kamay ko.

BINABASA MO ANG
My Amnesia Boy?!? (Fin)
RomanceReed is Sari's ex boyfriend but they got separated dahil lang sa inakala ni Sari na nagkamali sya. Years after eh nagkita ulit sila kaya lang hindi na sya kilala nito. Ano kayang gagawin nya para ipaalam dito na nagkaanak sila kung hindi naman pala...