My Amnesia Boy 29

3.4K 67 0
                                    

For me baby is the most precious gift god will ever gave to a couple. Kaya nga Im very much thankful na binigyan nya ulit ako after years mula ng dumating si Renz eh. Masaya din ako kasi bukod sa tatlong anghel na binigay sa akin eh nanjan pa si Reed na talaga naman walang kupas sa pagpaparamdam ng pagmamahal sa akin at sa mga anak namin. Hindi ko nga alam kung ano ba yung nagawa kong kabutihan at binigay sila sa akin eh.  

Hinding hindi ko pinagsisisihan ang mga bagay na nagawa ko at marami pa akong kayang gawin para sa pamilya ito. Isang linggo na din mula ng manganak ako at ngayong araw nga eh pauwi na kami. Ready na lahat, maayos na ang mga gamit namin.

Si Reed na lang ang hinihintay namin na ngayon eh inaayos yung mga documents nila baby Raven at Rosie sa cashier. "Ma ang tagal naman ni papa.." unggot ng anak ko sa akin habang nilalaro ang kambal. Natawa tuloy si Dok Eddie na nakabantay sa amin. WAla sila Rems at Kuya Red kasi may mga duty pero dadalaw na lang daw after noon.

"Kasi naman eh tayo naman may ari ng hospital na ito di ba? Bakit kailangan pa nyang magbayad?" hindi makapaniwalang tanong nya.

"Huwag ganun Renz. Hindi porke isa kang Segovia eh magpapaimportante ka." napanguso na lang sya saka lumapit sa akin. " Im sorry ma. Gusto ko na kasi talagang umuwi eh. Ayoko na ng pagkain dito at gusto ko ng matikman ulit ang mga luto mo.." nakanguso pa din nyang sabi sa akin. Niyakap ko na lang sya kasi alam kong naglalambing lang sya sa akin eh.

"Ganun ba yun. Sige na lang natin si papa mo pero anak hindi sya nagbabayad. May mga kailangan lang syang pirmahan para makalabas na tayo. Huwag ka ng mainip at malapit na yung bumalik." hindi na sya nagsalita kaya napailing na lang ako. Binalikan nya yung mga kapatid nya at nilaro ulit.

Pagbalik naman ni Reed eh umalis kami agad dahil nga naiinip na yung panganay namin. Sa likod kami nakaupo ni Renz kasama yung kambal. "Kukuha pa ba tayo ng yaya para sa mga bata?" tanong ko sa kanya na sinagot lang nya ng pagkunot ng noo.

"Oo maghihire ako ng makakatulong mo sa mga bata. NGa pala nakausap ko na si Dad at sinabi ko na hindi ka na ulit magwowork sa kanya. Tutulungan ko na lang syang maghanap ng kapalit mo.." hindi na ako umangal kasi wala din naman akong magagawa eh. Besides mas gusto kong alagaan ang mga anak ko kesa ang ibang tao.

"Ikaw ang bahala basta siguraduhin mo lang na tutulong ka lang at hindi ikaw mismo yung kikilatis.." nakita kong tumaas ang kilay nya sa rear veiw mirror kaya natawa ako. Habang busy si Renz sa paglalaro sa tab nya eh ako naman sinubukang umidlip. 

Pagdilat ko ng mga mata ko eh nasa tapat na kami ng  bahay namin. Nagtaka pa ako kasi parang ang dilim naman ata. Though alas singko y medya na naman ng hapon eh nakakapagtaka pa din. "Akala ko pa  naman nauna na sila Rems dito.." sabi ko habang bumababa sa sasakyan. Hindi sumagot si Reed kaya naman tinapik ko yung balikat nya.

"Ha? yun nga din ang alam ko eh. Baka hindi pa yun tapos sa mga pasyente nila. Hayaan mo na." sabi nya saka tinulungan ako sa mga bata. 

Karga ko si Rosie habang karga nya si Raven ng magsimulang kaming maglakad papasok. Pagbukas ko naman ng pinto eh sumalubong sa akin ang mga taong kanina pa pala naghihintay. Napailing na lang ako kasi may banner at mga pagkain pa talaga sila. Kaya pala patay ang mga ilaw eh surprise pala ang balak nila.

"Welcome back sa inyong lahat.." sigaw ni Rems sabay lapit sa akin pero si Baby Rosie naman ang hinalikan. Hindi pa sya nakuntento at kinuha pa sa akin ang bata. Hinayaan ko na lang kasi halata mo naman na sabik sya sa baby eh. Ok na din yun para naman kahit papano eh masanay na sya sa pagkarga ng baby though halos araw araw nyang ginagawa yun.

Konting kamustahan at kainan lang ang nangyari. Excited na agad silang pabinyagan ang mga bata kaya hinayaan ko na lang silang pagusapan yun sa harapan ko.  Nagpaalam akong pupunta sa kusina para sana kumuha ng tubig ng mahagip ng mga mata ko sila Simoune at Jed. Napangiti ako kasi official ng silang ulit.

My Amnesia Boy?!? (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon