My Amnesia Boy 04

3.9K 80 1
                                    


Sari

"Sari pasuyo-- teka bakit parang may kakaiba sa iyo.. bakit ang ganda ng ngiti mo?" Nakangiti pero may lamang pahayag ni Dok Eddie sa akin. Alam ko naman kasi na alam na nya yung nangyari kagabi eh salamat kay Dok Rems na chinismis agad kaninang umaga sa lahat. I mean sa tatay at kapatid nya. Wala pa kasi si Dok Reed kaya ako pa lang yung nakikita nila.

"Ah may naalala lang po ako.. ano nga po ulit yung ipapakisuyo nyo Dok?" Pinilit kong huwag manginig ang boses ko para naman hindi nya mahalata ang kaba ko.

"Ah pasuyo naman ito kay Doc Martin sa OR. Papirmahan mo lang sa kanya saka mo ibalik sa akin. " kinuha ko ang folder na hawak ni Dr. Eddie saka tinungo ang OR. Well malinaw pa din naman sa akin yung nangyari kagabi at talagang di ko maiwasang mapangiti.

"Scared?" Tanong nya habang papasok kami sa lugar kung saan daw kami kakain ng dinner. Ang alam talaga nya eh buong pamilya nung pasyente nya ang nandoon kaya naman laking gulat nya ng yung kapatid lang nito ang inabutan nya.

Nang makita nya si Reed ay agad syang lumapit dito na may malapad na ngiti. "Hey mabuti nakapunta ka. Doon yung table natin.." hindi nya ako napansin pero sumunod pa din ako.

"I taught family dinner ito. So nasan ang pamilya mo?" Tila natigilan sya pero nakabawi din agad. Nakaupo na ito samantalang si Reed eh nakatayo pa din.

"Did I say that? Well kung oo pasensya ka na I lied. Gusto ko lang kasing makasama ka dok."sabi nya sa ngumiti na parang nangaakit. Napailing si Reed.

"Chelsea im sorry pero hindi pwede. May girlfriend na ako infact kasama ko sya ngayon.." ok kasama na ako sa eksena. Atubili akong lumapit sa 'bf' ko saka ngumiti sa kanya ng genuine pero nakakainis na smile. Nawala ang ngiti nya saka binalingan ulit si Reed.

"Hindi ko naman sinabing isama mo ang gf mo ah. Willing naman akong may kahati eh.." tinaasan ko pa din sya ng kilay dahil sa kaprangkahan nya. The nerve of this woman.

"Im sorry but I dont like sharing whats MINE!" Diniinan ko talaga yung huling salita para maintidihan nya. Biglang nagiba ang aura nya kaya napaatras ako. Buti humarang sa akin si Reed.

"Chelsea pasensya ka na pero I cant do this. I love Sari so much na hindi ko sya kayang lokohin o saktan. Im sorry but we have to go.." sabi pa nya bago ako hinila palabas ng lugar na yun. Dumiretso kami sa parking kung nasan ang sasakyan nya. Tahimik kaming sumakay at bumiyahe kung saan.

"Sabi sa iyo eh type ako noon. Kita mo nagsinungaling pa para lang makasama ako plus willing pa daw syang makihati sa iyo.. buti na lang madamot ka.." nakangisi nyang pahayag habang  ako naman ay hindi makatingin sa kanya. Nahihiya kasi ako sa inasta ko kanina eh. Well pinakiusapan nya naman akong magpanggap pero kasi para sa akin totoo yun eh. Parang dati lang..

Kumain muna kami ng dinner saka nya ako hinatid sa bahay ng kapatid nya. Panay ang kantiyaw sa amin ni Rems. Hindi ako naiinis pero nahihiya ako. Pati nga anak ko eh tanong ng tanong about sa 'date' daw namin..

Para lang akong tanga na nakangiti habang naglalakad. Natural naman na binabati ko lahat ng makasalubong ko kaya hindi na masyadong halata na maganda ang mood ko.

Sa hallway papuntang OR ay nakasalubong ko ang isa ko pang makulit na admirer daw. Si Dr. Jake Martinez na tulad ni Marco ay isa ding Cardiologist. Oh di ba puro sila doktor love este doktor sa puso.

Gwapo at mabait. Single din kaya lang hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sakanya eh. Ilang beses ko na din syang tinapat pero ayaw pa din nyang tumigil. Hinayaan ko na lang kasi narinig ko sa HR na paalis na din daw ito papuntang San Francisco para doon magtrabaho.

My Amnesia Boy?!? (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon